"Alam mo noh?!"
"Oy girl! Promise" nagtaas naman siya ng kamay na parang nangangako. "Hindi ko talaga alam na kasama siya sa BY models. Si kuya Ziren lang talaga may alam. Hindi niya naman kasi nasabi sa 'kin"
"Well, wala na rin naman akong magagawa. First time ko ang modeling as an endorser" saad ko at sumubo ng pasta. "So bat ka pala hindi sumulpot kanina sa meeting?"
"Napuyat ako sa pagbantay kay kuya. Baliw na 'yon! Hindi man lang ako ginising. Pero nagpaalam naman na ako sa manager ko about that" sagot nito.
"Bakit ba kasi na ospital siya? Dahil lang sa panis na pagkain?" takang tanong ko.
"Siguro hahahhaa. Baliw kasi hindi marunong mag check ng mga kinakain panay subo lang..."
Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan kung sino ang nag message.
From: Harvey
Free tonight? Let's have a dinner.
Nag reply naman ako, pumapayag.
"Who's that?"
"Ah si Harvey, nagyaya mag dinner" sagot ko.
"Nanliligaw na ba?" mahinang bulong nito na akala mo may makakarinig sa amin eh nasa condo lang naman kami.
"Ewan. Wala naman siyang sinasabi eh. Friendly date lang" sagot ko at pinagpatuloy ang pagsubo sa pasta.
"Eh paano kung manligaw? Sasagutin mo ba?" tanong ulit nito. "Hindi mo ba halata? May gusto sayo yung tao! Hindi niya lang sinasabi" dagdag nito.
"Alam mo naman at alam niya din naman yung past ko diba?! Hindi pa ako ready para sa mga love love nayan. Mag fofocus na lang muna ako sa carrier ko" sagot ko tsaka tumayo,pumunta sa lababo para ilapag ang pinagkainan.
"Mag fofocus na lang muna ako sa carrier ko" pang gagaya nito. "Lakas maka showbiz talaga girl!"
Naghugas na ako ng kamay ganon din siya pagkatapos ilapag ang pinagkainan sa lababo. Winisikan niya naman ako ng tubig.
"Ako na maghuhugas bakla!" saad nito at pina usog ako sa tabi niya. "Alam mo.." pagsisimula nito ng usapan.
"Hmm?"
"Wag kang magpapakita ng motives sa isang guy lalo na kung yung guy na 'yon eh may hidden feelings sa'yo. Kasi they feel na nagbibigay ka ng hint na may pag asa sila pero for you, wala naman talaga" pangangaral nito habang nagsasabon.
"I just want to be nice. Hindi ko naman binibigyan ng hint. Kasi at first sinabi kona na hanggang friend lang ang mabibigay ko at hindi na yon lalagpas pa" pagtatanggol ko sa sarili ko.
Natapos naman na siya sa pagbabanlaw at nagpunas ng kamay sa towel tsaka bumaling sa akin.
"Basta sinabihan na kita" saad nito at pumunta sa sala. "Ano bang magandang panoorin ngayon sa netflix" sumalampak naman na siya sa sofa hawak hawak ang remote.
"Wala! Lahat pangit" sigaw ko habang pumupunta sa loob ng kwarto. Maliligo muna ako.
Narinig ko ang pagkatok sa pinto ng condo kaya sumigaw ako kay Seah pero bingi ata, walang response kaya nagbihis na ako ng mabilisan.
"Hoy may kumakatok! Bingi ka ba?!" sigaw ko kay Seah na nanonood ng seryoso.
"Shhh. Oo narinig ko, saglit lang naman. Maganda na yung scene"
Inirapan ko na lang siya kahit hindi niya nakita dahil nakatuon lang siya sa tv. Ano bang palabas 'yun?
Hindi ko na tiningnan sa peephole kung sino yung kumakatok. Dali dali kong binuksan ito dahil kanina pa siya kumakatok. Nakakahiya naman.
YOU ARE READING
Private Relationship
Romance[FINISHED] The private love story between an artist, Dani Fuentabilla to a model, Zai Lim.