19

531 15 0
                                    

"Kaya ba?" tanong ni direk.

Nakaupo ako ngayon sa shooting chair ko, iniisip ang sinabi ni direk kanina.

[Part naman yun ng trabaho natin as an actress, girl!] sambit ni Seah sa kabilang linya.

"Okay lang ba yun?"

[Halikan kita gusto mo?] pabirong wika nito. [Girl! Hindi naman sa mismong labi kayo maghahalikan, sa gilid lang tas sa baba! Yung cameraman na bahala sa anggulo para maging makatotohanan. As if first time mo! May experience ka naman kay Zai nung kayo pa]

"Hindi pa kami naghahalikan noh! Smack smack lang kami. Kaya hindi ako marunong"

Narinig ko ang malakas niyang halakhak. [Ay! Kawawiz ka naman pala--]

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, walang kwenta na pinag sasabi niya. Hindi nakakatulong.

"Wala namang kayo, hoy!"

Napatingin ako kay Jelai na may kausap ngayon sa cellphone. Ibinaba niya naman ang phone ng mapansin niyang nakatingin ako.

"Ay sorry po ma'm" paghingi nito ng paunmanhin. "Tumawag po kasi yung pinsan ko"

"What do you mean by that?" 

"Yung ano po ma'm?" nagugulhang tanong niya.

"Wala namang kayo, hoy!" pang gagaya ko sa sinabi niya kanina, kasama ang boses.

"Ahh yun ba ma'm, yung pinsan ko po kasi nag aalala na makipagkita sa nirereto nung kaibigan niya"

"Bat nag aalala?" taka kong tanong.

"Kasi ma'm may ka something na siya na iba-- Ay ewan ko ba don, eh wala namang sila. Kaya sabi ko okay lang na sumipot dun, maiintindihan naman siya nung lalaki niya kung papaliwanag niya" daing nito. "saka ano namang ikakagalit nung ka something niya eh wala namang sila" dagdag niya.

"Trabaho lang naman" wika ko sa sarili ko.

Ilang saglit lang rin ay tinawag na ako para umarte. Gabi na rin ng kami ay matapos. Dumaan muna kami sa isang grocery store, naisipan kong magluto ng favorite kong pagkain.

"Ma'm sure po kayo na hindi niyo po need ng help?" tanong ni Jelai.

Nasa loob na kami ng condo. Hinahanda ko na ang mga ingredients.

"Yahp" sagot ko. "Specialty ko 'to"

Umalis na si Jelai sa condo dahil may biglaang lakad siya, bukas kona lang siya bibigyan.

Pinatay kona ang kalan saka kumuha ng isang tupperware at nagsalin ng ulam para kay Zai.

Nagbihis ako ng maayos bago lumabas ng condo dala dala ang maliit na tupperware na may laman na ulam. Pipundutin kona sana ang doorbell nang may narinig akong pamilyar na boses.

"H-hi" bati ko sa kanila.

"Hi Dani!" bumeso naman si Heather.
"What are you doing here? And what was that?" tanong nito saka tinuro ang dala kong tupperware.

What am i doing here?

Seriously? Ako dapat magtanong niyan ah. Anong ginagawa niya dito?

"I cooked. And i was supposed to give it to Zai.. but i think you guys are ate dinner na. I'll make deliver it na lang sa p.a. ko" peke akong tumawa saka nilagay ang tupperware sa likod ko.

"Thank you" kinuha naman ni Zai ang tupperware. "I'm not full, I want to eat this" turo niya sa loob ng tupperware.

Napatango na lang ako.

Private RelationshipWhere stories live. Discover now