17

517 15 5
                                    

Pagkagising ko ng araw na 'yon ay napaka sakit ng ulo ko. Buti na lang ay dumating yung p.a ko para bilan ako ng pain reliever. Hindi ko na rin maalala ang mga nangyari nung gabing yon. Sinabi ni Seah na nag drama lang ako tas yun nalasing sa kakalaklak ng alak. Hindi ko na rin tinanong kung paano ako nakauwi pero for sure siya naghatid.

And now.. this is the day that we've been waiting for. Ipapalabas na ang aming movie! I'm happy seeing people passing through the exit happy as well. I know that we did great.

"What can you say about the movie?"

"It was an successful! I'm super happy and thankful to every person who watched and will watch our movie" i said, smiling to the fans waiting for me.

I go to my supporters and have a group photo with them. I thanked them when they congratulate me and some of them have a solo picture with me.

"Congrats besii!!" masayang sambit ni Seah. She is with his kuya Ziren who is talking to the phone right now.

"Thank you!!!" naiiyak kong saad.

"Akala ko may kissing scene ka don, wala pala" nanghihinayang na wika nito. Hinampas ko naman siya sa braso.

"Baliw!"

Lumapit naman si kuya Ziren pagkatapos ibaba ang telepono.

"Hi Dani! Congrats! Ang galing mong umarte ah. Turuan mo nga si Seah" nahampas naman siya ni Seah dahil sa sinabi.

Nag group photo naman kami ng mga casts with our direk bago naghiwa hiwalay. Nagyaya pa silang mag dinner pero tumanggi ako. Hindi naman na nila ako pinilit.

"Congratulations ma'm!" masayang sambit nina Jelai at kuya Jed nang makapasok ako sa kotse.

"Salamat!"

~

Pagkababa ko sa kotse ay hindi na ako sinundan ni Jelai, nanatili na lang siya sa loob. Dire diretso akong naglakad habang hawak hawak ang mga bulaklak saka umupo at inilapag ito sa puntod nina Mama at Papa.

"Hindi ko alam kung bakit ako nandirito sa puntod niyo. Ito kasi ginamit kong excuse para hindi makasama sa dinner. For sure kasi nandoon na naman yung ayokong makita" natawa na lang ako sa sinasabi ko. "Pero karapatan niyo rin naman siguro malaman na naging successful ang movie ko at masaya ako ngayon..."

Tumayo naman na ako para makauwi na.

"Sana proud kayo sa'kin" huli kong sambit.

Bumalik na ako sa kotse. Tahimik lang ang byahe tanging musika lang galing sa cellphone ko ang nagsisilbing ingay. Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng condo.

"Goodbye ma'm! At congratulations ulit!" sinara na ni Jelai ang pinto ng condo.

Natapos na ako sa night routines ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kaya kinuha ko ang aking phone. Maraming notifs galing ig, twitter, at messages. Binuksan ko isa isa ang mga ito. Puro congratulations. 
Ni replyan ko naman ang mga kakilala ko at nagpasalamat. Nag post ako sa twitter at ig ng pagpapasalamat sa mga taong nanood at manonood ng movie.

Inilapag ko na ang aking phone at sinimulan ng ipikit ang dalawa kong mata.

~

"I'm coming" sagot ko sa kabilang linya, its my manager.

I almost forgot the photoshoot to BY. Argh! Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Hindi ko na pinapunta rito si Jelai sa condo. Hinintay na lang nila ako sa parking lot.

"Good morning ma'm!" bati nila. I just smiled and took my phone inside my bag.

From: Seah

(picture of her in BY)
Yipiee! Magkasama tayo. Ack! First time hshshs (haha emoji)

Private RelationshipWhere stories live. Discover now