8

454 9 1
                                    

It's Saturday night.

"Buti pumayag si Zai?" sambit ni Seah habang kinukuha ang regalo sa likod ng kotse.

"Yah" maikling sagot ko.

Pagkatapos ma-park ni Seah ang kotse ay pumasok na kami sa loob ng venue. Maraming mga co artists akong nakita.

"Ohw, hi Dani! hi Seah!" pagbati ni Alisa sa amin, isa rin siyang artista. Nag usap kaming tatlo saglit.

"Saan kaya si Renz?" tanong ni Seah habang tumitingin sa paligid. Maraming mga tao kaya napapahinto kami minsan dahil sa pagbabatian at pagchi chikahan.

"Ayun!" turo ni Seah kung nasan si Renz. Napatingin rin naman si Renz samin, ngumiti at pumunta rin sa pwesto namin.

"Ohw, thank you for coming in my birthday Dani and Seah"

"Happy Birthday! Thank you for inviting us. Where can we put our gifts?" tanong ni Seah.

"There" tinuro naman ni Renz ang malaking mesa na punong puno ng mga gifts.

"Ohw thanks" sambit ni Seah tsaka nagtungo don. Susunod naman na sana ako kay Seah pero hindi ko pa pala nababati si Renz.

"Happy birthday Renz! Thanks for inviting us" nakangiti kong sambit.

"Thanks for coming, Dani. I thought you wouldn't come coz you didn't replied to my last message" sambit nito tsaka ako hinawakan sa kamay, agad ko naman tong binawi. Na awkward naman ako sa sinabi niya. Naisip ko yung last message niya sa akin na 'i miss you'. I gave him an awkward laugh.

"I'll put this gift na" saad ko. Hindi ko naman na hinintay yung sasabihin niya at dumiretso na. Hinanap ko si Seah pero di ko na siya nakita. Napagpasyahan kong bumalik na sa upuan namin kanina. I texted her kung nasaan siya.

After the program nagsisimula na ang karamihan sa pag iinom ng mga iba't ibang klaseng alak. I wanted to go home.

"Seah"

"Mamaya na tayo umuwi besiwap" halatang may tama na siya. Napasapo na lang ako sa noo. I texted Zai na baka late ako maka uwi dahil nag iinom pa si Seah. He didn't reply baka may work pa.

"Dani" lumingon naman ako kung sino ang tumawag sa'kin. May hawak hawak siyang glass na may alak.

"No, i don't want to drink" pagtanggi ko kaagad sa kanya. His brows furrowed.

"Come on! Dani, it's my birthday" pagpipilit nito tsaka ako hinawakan ng mahigpit sa braso. Pilit ko namang tinatanggal pero ayaw niya.

"Hey Renz, let go. Ayaw niyang uminom" pagsulpot ni Seah tsaka pilit na tinatanggal niya ang pagkakahawak ni Renz sa braso ko.

"Let go" galit na utos ko habang pumipiglas. Napansin naman niya na may mga tumitingin na kaya binitawan niya rin ako.

"Umuwi na tayo Seah" sambit ko. Hindi ko na hinintay na sumunod si Seah.

Nasa parking lot na ako ng may humawak sa braso ko. Inis kong tiningnan kung sino yon.

"Bitaw" madiing saad ko. Pero tinulak niya lang ako sa kotse kaya napasandal ako doon.

"Gusto mo talagang ginagalit ako, noh? Dani" kinulong niya naman ako sa bisig niya. Naamoy ko ang matapang na alak sa kanya. Hindi ako makagalaw. "Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon la--"

Hindi niya na natapos ang sasabihin ng napahiga na siya sa sahig. Tiningnan ko kung sino yung sumuntok sa kanya.

"Zai" mahinang sambit ko. Tiningnan lang ako ni Zai, nagdidilim ang paningin. Pagtapos ay lumapit kay Renz at sinuntok ulit. Maraming mga tao ang nagsilabasan, ang iba ay kanya kanyang labasan ng cellphone.
Marami ring mga umawat. Nang makatayo na si Renz ay sinuntok niya rin si Zai at agad na nagsi awatan ang mga lalaking bisita.

Private RelationshipWhere stories live. Discover now