Kumain na kami pagka dating ng p.a ni Seah dala dala ang mga pagkain. Tinapos lang namin ang oras sa pagkwe-kwentuhan sa kung anu anong bagay, masyado nga lang awkward. Hanggang sa inabot na kami ng gabi at dumating na ang parents nina Seah.
"Uuwi kana Dani?" tanong ni Tito Ferd, daddy nina Seah.
Tumango naman ako. "Yes po Tito" maikli kong sagot at nakipag beso sa kanila ni Tita Lyn.
"Sakto! Si Zai rin uuwi na" sambit ni Kuya Ziren. Tinaasan naman ng kilay ni Zai ito, halatang nagtataka sa sinabi.
"Umuwi kana rin. Kanina pa kayo dito" dugtong ni kuya Ziren.
"Oh siya kanina pa pala kayo dito ni Dani, magsabay na kayo umuwi" wika ni Tita Lyn.
Nag alangan namang tumango si Zai.
Siniko naman ako ni Seah."Ok lang? O samahan ko kayo hanggang parking?" bulong nito.
"Huwag na, hindi na kailangan parang yun lang. Di ko naman yon ikakamatay" sagot ko at ngumiti.
Naglakad naman na si Zai patungo sa pinto, inilagay niya na yung hoodie sa ulo niya. Sumunod lang naman ako at nag cap. Isasara ko na sana ang pinto ng sumigaw si kuya Ziren.
"Go Zai!" makahulugang sigaw nito.
Hindi naman siya pinansin ni Zai, nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Sinara ko naman na yung pinto, narinig ko pa ang malakas na tawa ni kuya Ziren.
"I'll come. Yeah. Bye" seryosong wika ni Zai sa kausap niya sa kabilang linya.
Nasa loob na kami ng elavator at kaming dalawa lang kaya ang pwesto namin ay nasa magkabilang gilid. Bumukas naman narin ang elavator at nagpatuloy lang kami sa paglalakad, akala mo hindi namin kilala ang isat isa.
Napatigil naman ako sa paglalakad ng tumigil din siya sa paglalakad at narinig ko pa ang pagmura niya habang nakatingin sa phone. Napalunok naman ako ng lumingon siya sa akin kaya naman nilibot ko ang parking para makita kung nasaan yung kotse ko.
"Where's your car?" tanong nito.
"There" sabay turo sa kotse ko. Naglakad naman ako patungo doon, hindi pinapansin ang pagsunod niya sa akin sa likod.
"Uhm.. Eto na yung kotse ko" saad ko tsaka binuksan ang pinto ng driver's seat, nakatingin parin sa kanya. "Is there a.. problem?"
Umiling naman siya. "Nothing. Drive safely" sagot nito. Tatalikod na sana siya ng magsalita ako.
"Where's your car?"
"Miguel borrowed it" sagot nito, tinatago ang inis sa tono ng hindi tumitingin sa mata ko.
"So.. How will you go home?" takang tanong ko. Nakita kong nag iisip siya ng malalim. "Pwede ka namang sumabay sa.. 'kin"
He release a deep sigh before looking at me. "Can I?" hindi siguradong tanong niya.
"We're in the same condo building so i think its okay. Same gas parin ang mababawas" paliwanag ko. Sumakay naman na ako sa driver's seat. "Get in" sambit ko.
Nag drive naman na ako ng pumasok na siya sa shotgun seat at nagsuot ng seatbelt. Tahimik lang kami, mga musics lang na nasa playlist ko ang nagsisilbing ingay sa loob ng kotse. Salamat at nakisabay ang daloy ng byahe, walang traffic.
"I'll kill you. Don't worry" matalim na sambit ni Zai sa kabilang linya habang nakatingin sa labas at minamasahe ang tungki ng ilong.
"Miguel?" saad ko ng napansin ko ang pagbaba niya sa kanyang phone.
"Yes. That man!" nang gigigil na sambit nito. Natawa naman ako sa naging tono ng boses niya.
Hindi naman siya nagsalita kaya ibinaling ko na lang ang attention ko sa daan nang mag-ring ang phone ko. Sabay kaming napatingin sa screen.
YOU ARE READING
Private Relationship
Romance[FINISHED] The private love story between an artist, Dani Fuentabilla to a model, Zai Lim.