Nakahiga na ako ngayon sa binti niya na may malambot na unan na nakapatong habang hinihilot ko ang isa niyang kamay at ang isa niyang kamay ay sinusuklay ang buhok ko.
"Aalis kana?" malungkot kong tanong.
Alam kong aalis talaga siya sa ayaw at sa gusto niya. Nakapirma siya ng kontrata. Pero ang bilis naman, kung kelan naging KAMI na ulit.
Oo, kami na. Ulit.
"Hmm" sagot niya habang tumatango. "Saglit lang naman eh tapos.."
"Tapos?" tanong ko ng hindi niya na tinapos ang kanyang pagsasalita.
"Tapos.. i-public na natin yung relasyon natin"
Napahinto ako sa paghilot sa kanyang kamay at tumingin sa kanya.
"Talaga??" hindi makapaniwalang sambit ko.
"Oo" sagot niya. "Hindi naman na natin kailangan pang itago sa media, tutal parehas naman na tayong successful. Kung tanggalin man nila tayo, ok lang. Nakapag ipon na ako. Pwede na kitang buhayin"
"Buhayin?" taka kong tanong.
"Papakasalan kita"
May kung anong kumiliti sa aking tiyan nung sinabi niya 'yun. Marami pa siyang sinabi. Pumunta kami kinabukasan non sa puntod nina Mama at Papa, pinagpa alam niya na handa na siya. Hindi ko mapigilan ang maluha dahil sa saya at tuwa.
Doble doble ang kaba ko nang pumunta naman kami nung sumunod na araw sa bahay nila. Pagkapasok palang namin sa bahay nila ay ang pagyakap ng Mama niya sa akin, niyakap ko rin ito. Kaya hindi kona napigilan ang pag iyak ko. Humingi siya ng tawad sa masakit na salita na sinabi niya sa akin. At nang sinabi na ni Zai ang tungkol sa pagpapapubliko ng aming relasyon at ang plano namin na pagpapakasal ay hindi narin nagulat ang mga magulang at kapatid nito. Masasabi kona masaya sila para sa amin at ganon din ako. Sobra sobrang kasiyahan ang nadarama ko ngayon.
"Ready kana, love?"
Ngayon ay ang pagbisita ko sa isa kong mama, my step mother. Nasa ospital na lang siya ngayon, hinihintay maubos ang kanyang hininga. Mayroon siyang malalang sakit na hindi na maaagapan pa ng pag inom ng gamot. Mahina na rin siya.
Tumango ako kay Zai at saka niya binuksan ang pinto. At isang mahinang babae ang nakahinga ngayon sa malambot na kama.
"D-danica" nahihirapan niyang pagbanggit sa aking pangalan.
Umupo ako sa malapit na upuan sa kanyang kama. Nakatingin lang kami sa isa't isa, hinahayaang tumulo ang mga luha sa aming pisngi.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"P-patawarin mo ako. Hindi ako naging mabuting ina sa'yo... Patawarin mo ako-- a-anak"
Anak.
"Ang s-sarap pakinggan ng salitang anak galing sa'yo" pinunasan ko ang luha na humaharang sa mata ko. Ngumiti ako. "Napatawad na kita,
m-mama.. matagal na"Hinahagod hagod ni Zai ang likod ko. Puno ng iyakan ang loob ng kwarto. Walang nagsasalita.
"Ma'm" pagsasalita ni Zai. "Papakasalan ko po si Dani. At ngayon humihingi po ako ng---"
Hindi na niya natapos ang kanyang pagsasalita.
"Salamat Zairon" hawak hawak niya na ang kamay ni Zai. "Nanjan ka kay Dani sa mga panahong kailangan niya ng kalinga ng isang ina" huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit. "Alam kong aalagaan mo siya pero hihilingin kopa rin na huwag kang mapagod na alagaan siya at lagi niyong gawing sentro ng inyong relasyon ang pagmamahal"
YOU ARE READING
Private Relationship
Romance[FINISHED] The private love story between an artist, Dani Fuentabilla to a model, Zai Lim.