9

433 10 0
                                    

"Ikaw rin naman, ah"

Tiningnan ko siya na parang sinasabi na ipagpatuloy yung sasabihin.

"Hindi mo rin naman sinabi sa akin na may tinanggihan kang offer with Renz" seryosong saad niya. "Hindi mo rin naman sinabi sa akin. Pero nagalit ba ako?.. Hindi diba?.. Tapos ikaw ang lakas ng loob mo magsalita ng ganyan sa akin.. Na ang 'selfish' ko. Na hindi kita iniisip pati ang parents ko. Wala ka namang alam eh. Sa tingin mo ba ganon ako kababaw na tao?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Halatang galit siya pero hindi niya pinapahalata sa tono ng pananalita niya. Magsasalita naman na sana ako nang may sabihin ulit sya.

"Kilala mo pa ba a-ako?" utal na tanong niya. Nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya para pigilin ang sarili sa pagsasalita.

"Edi tapusin na natin 'to" deretsyang sambit ko. Hindi ko na alam ang lumalabas sa bibig ko. Galit at inis na yung nararamdaman ko.

"Magpahinga muna tayo. Pagod ka at pagod din ako. Wala pa tayo sa katinuan natin. Mag usap tayo kapag nasa wisyo na tayo" pangangaral niya

"Hindi naman tayo lasing, ah" sarkastikong sabi. "Tapusin na natin para makagalaw na tayo ng komportable. Maglalabas din ng conference ang manager ko.. and for sure may magtatanong if anong relasyon natin at kapag nagsabi ako na tayo pa, masisira ang carrier nating dalawa" huminga muna ako ng malalim at pinipigilan ang sarili ko sa pagsasalita pero hindi ko na napigil.

"Pagod na ako sa pa private-private relationship natin, sa totoo lang!" napakagat ako sa labi ko dahil sa pagsisinungaling ko. Tumingin ako sa malayo, ayoko makita ang mukha niya. Naririnig ko ang mahina niyang paghikbi at.. nasasaktan ako do'n.
"Mag b-break na tayo" umalis na ako sa harapan niya. Hindi parin siguro nagsisink-in yung sinabi ko na break na kami o baka gusto niya na rin talaga. Napangiti na lang ako ng mapait at pinunasan ang pesteng luha na lumabas sa mata ko.

~

"Girl tama na yan" pagpipigil ni Seah sa pag iinom ko.

"Ano ba! Hindi mo ba alam na nagbreak na nga kami ni Zai diba! Nag cra-crave ako sa alak. Kaya pagbigyan mo naman na ako" alipusta ko. Kakatapos lang ng conference and i hope it went well.

"What can you say about the issue, Miss Dani?"

"Is it true that you're in a relationship with Zairon? Or with Renz?"

"Why Zairon punched Renz?"

"Some rumors said that Zairon is not invited in the party, is it true?"

Marami pang mga tanong mga ibinato nila. Pinatapos ko lang sila sa pagsasalita habang tuloy tuloy ang pag flash ng mga ilaw galing sa kanilang mga camera. Seryoso lang akong nakatingin sa kanila. Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita.

"Is that all the questions? Well, sorry to say but i just answer the question that is related in the 'issue' " pagpapanimula ko. "I don't know what comes to their minds punching each other faces. They have their own problem and i think you didn't need to know it anymore. So leave it with them" pagdidiin ko. "Renz is drunk when he followed me to the parking lot. I don't know also, what comes to his mind to push me in a car and locked me in his body.. Until someone pull him and punched him, and yah. That's Zai.." pagkwekwento ko. "I didn't saw Zairon in the party of Renz and I didn't also know if he is invited or not. I have no RIGHTS naman to know all the visitors that Renz invited 'coz were not a thing or a couple, same as Zairon.."

Marami pang mga tanong pero i hesitate to answer so i stood up.

"Oops its over" i said while looking at my watch. "Two hours is enough" then i leave.

Private RelationshipWhere stories live. Discover now