Chapter 5

4.7K 70 18
                                    

First Day of Work ni Gerald

"Wow kuya pag nakadamit ka pala ng maayos lalo kang pumopogi ah, maraming mabibighaning chicks sayo nyan sa opisina nyo, ah" sabi ni Janus.

"Dati na akong pogi ikaw talaga Janus, magtatrabaho ako hindi makikipaglandian Janus, tsaka matinong tao ako, trabaho ang pinunta ko dun ayoko namang mapahiya kay Maam Sarah," sabi ni Gerald.

"Nagpapraktis ka na ng Maam Sarah, bagay nga sa kanya kaso pano yan Kuya di ba pag boss mo hindi mo puedeng diskartehan? Paano ka makakadiskarte nyan ngayon?" Dagdag pa ni Janus.

"Sino naman nagsabi sayo na type kong diskartehan sya, oo maganda at mabait nga si Maam Sarah pero hindi naman ako ambisyoso para mangarap sa isang langit na tulad nya, di hamak na lupa lang ako Janus, alam ko kung saan lulugar," sabi ni Gerald.

"Kuya Janus tigilan mo na nga si Kuya Ge, hayaan mo na wag mo nang pansinin yan Kuya Ge, naiintindihan kita kuya pero huwag mong masyadong hamakin ang sarili mo, aangat din tayo at saka mukha namang hindi matapobre si Ate Sarah eh," sabat naman ni Ikay.

"Sige na sige na..ayaw kong malate sa unang araw ko sa trabaho, o tulog pa ata si Nanay pakisabi umalis na ako ng maaga, heto Janus bumili ka na lang ng ulam para mamaya at pag-uwi ko mamaya dadaan ako sa tindahan para mamayang gabi ok? Malalaman ko din mamaya kong kelan kayo mag-uumpisang mag-aral," sabi pa ni Gerald.

Humalik si Gerald sa mga kapatid at bitbit ang isang lumang backpack, umalis na para pumasok sa unang araw nya sa trabaho.

Nakasuot sya ng kupas na maong, kulay bughaw na polo shirt na tinatago nya para sa espesyal na okasyon lang at ang lumang backpack na ngayon nya ulit nagamit.

Masinop at maalaga si Gerald sa mga gamit nya. Bukod dahil sa kahirapan ng buhay, marunong syang magpahalaga sa mga materyal na bagay na nakukuha, talagang karaniwan na sa kanya ang pagiging maingat sa kung anuman meron sya.

Nenenerbyos, natutuwa sya dahil sa wakas may trabaho na syang matatawag at sana umpisa na ng iba pang bagay na makakapagbago ng buhay nya at ng kanyang mga kapatid.

Kung hindi lang dahil sa mga kapatid okay na sa kanya ang magbasura pero hindi naman siya aangat kung habambuhay syang nasa basurahan umiikot ang buhay, tamang tama namang nag-iisip syang maghanap ng ibang mapagkakakitaan nang nakilala nila si Sarah, para syang anghel galing sa langit- literal na anghel saloob niya, mahinhin ang ganda at napakabait pa nya, pero kahit pa na magkagusto ako sa kanya, hindi ako maglalakas-loob na ipaalam dito dahil sa laki ng agwat ng buhay nila. Ipinilig nya ang ulo, kung anu-ano ang pumapasok sa utak nya na dapat ay nakapokus lang sa kung ano ang magiging trabaho nya ngayon. Sana matuto sya ng mabilis.

Pumasok sya sa gusali at ngumiti sa babaeng dati ay napagtanungan nya nong unang beses na pumunta sya dito, Laura ang pangalan nito.

Ngumiti ito sa kanya ng nakita sya,"Good morning ikaw ba yan?ibang iba ang dating mo ngayon, mukhang lagi na kitang makikita dito ah," biro nito sa kanya.

Medyo bata pa si Laura pero meron ng singsing sa daliri nito, okay naman ang hitsura nito at mukha namang mabait na ngayon pero hindi naman sya nagpunta dito para makipag chikahan.

"Good morning din, oo nga umpisa ako ngayon sa trabaho ko, sige ha.." sabi nya, talagang magalang lang si Gerald kaya ayaw naman nyang maging bastos kay Laura para ipamukha na nong isang araw hindi naman ito ganito, medyo masungit pa nga ito sa kanya dahil masyado siyang gusgusin siguro nong unang punta nya dito.

Pumasok sya sa elevator papunta sa opisina.

Pagdating nya sa opisina dumiretso sya sa kung saan nandun si Hannah, ang mabait na sekretarya ni Sarah.

Heaven By Your Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon