Chapter 17

3.8K 64 23
                                    

MONDAY


Maagang pumasok si Gerald. Masaya siya, excited makita si Sarah..si Miss Sarah, pag-correct nya sa sarili. Wag naman syang mamihasa. Sabi ni Gerald sa sarili.

Magandang umaga Hannah..”  bati ni Gerald kay Hannah.

Ngumiti ang dalaga.

“Magandang umaga talaga ha...ang ganda ng aura natin. In love ka ba Ge?” tanong nito.

Ang lakas naman ng radar ng babaeng to,  ani Gerald sa sarili.


Umiling sya, “Eto naman porke ba binati kita ng ganyan, in love na...ikaw ha...pano mo naman nasabi aber?” tanong nya sa dalagang sekretarya.

Simple lang, may iba kasi sayo, tapos yong mga mata parang may kislap, basta...alam mo naman kaming mga babae, malakas ang radar sa mga ganyang bagay, women’s intuition...yon..!” sabi ni Hannah.

“Women’s int..ano tuition?” asar ni Gerald kay Hannah.

Tse! Hindi...tuition...ano yan school...sabi ko intuition..may pakiramdam kami, basta mahirap ipaliwanag...basta feel ko...you’re in love Mister! Wag i-deny....ngayon..ang tanong...kanino?” balik-asar nito sa kanya.

Napakamot sya ng ulo. Hindi dapat sya nakikipagbiruan dito kay Hannah, ang lakas makaamoy, daig pa ang tigre sa pang-amoy.

Ewan ko sayo...hindi ako in love. Maganda lang yong gising ko. Kape, gusto mo?” tanong nya sa dalaga.

Napahinto sya sa paglakad papunta sa pantry...

Kape...

Ipinagtimpla sya ng kape ni Sarah nang nasa bahay sya nito.

At....

Yong halik.

Oo, kaya ba sya masaya.


Namnam pa rin ba nya ang ilang segundong pagkalimot?

Isang halik. Isang halik na hindi nagpatulog sa kanya nitong nagdaang weekend.


Pumunta na sya ng pantry para sa kape. Pilit na inaalis sa isipan ang nangyari.

Lalo na at mamaya makikita na nya si Sarah.

Di ba sabi nito kalimutan nya ang nangyari.

Ang hirap kaya gawin yon.

Kung sya baka madaling makalimot. Sya, hindi.

Lalo na at mah...

Napatigil sya. Heto na naman sya.

Good morning Gerald..” ang narinig nya sa likod.

Boses ni Sarah..ni Miss Sarah.

Humarap sya hawak ang kape...

Gusto nyo ng kape M..Miss Sarah?”  tanong nya sa dalagang boss.

No..thank you Gerald. Can I see you at my office when you’re done there...?” she said.

Tumango sya.

Bakit kaya? tanong ni Gerald sa sarili.

Walang ngiti sa mga labi ng dalaga. Seryoso.

“Ok Ms. Sarah..” sagot nya.

Heaven By Your Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon