Chapter 8

4.2K 64 19
                                    

Sa Greenbelt, kung saan saang boutique pumasok si Sarah at nakabuntot lang ang walang magawang binata. Pakamot-kamot ng ulo at walang masabi si Gerald. Hindi Nya maintindihan ang dalagang boss kung bakit pa sya nakayag nito sa pagsa-shopping.

"Iba ang trip ng babaeng to ah, oo nga driver at empleyado nya ako- ngayon naman alalay, buti na lang maganda ka Ms. Geronimo kundi nakarinig ka na sa akin...." pabulong na sabi ni Gerald sa sarili.

Hindi nya napansin na nasa tabi na pala nya ulit ang dalaga," Anong sabi mo Gerald? Gege? Nababato ka na ba? " tanong ni Sarah sa binata.

Mabilis na umiling si Gerald,"AY naku hindi ho maam...este Sarah...ok lang," sabi pa nya sabay bulong,"Wala naman akong magagawa eh..."

"Ano? May lahi ka yatang bubuyog, mahilig kang bumulong...share mo naman," Alaska ni Sarah sa binata.

Napangiti ng hilaw si Gerald,"Ah naku hindi..bubuyog ba kamo? Kung bubuyog ako eh di bulaklak ka naman...."napangiting sabi ni Gerald.."Hala kung anu-ano ang lumalabas sa bibig nya!" saway ni Gerald sa sarili.

Napahalakhak si Sarah, "Hahaha Hindi ko akalain na mapagbiro ka pala Ge...halika sundan mo ko dyan ha...bilisan mo nagugutom tuloy ako," sabi ni Sarah sa kanya sabay hila sa kamay nya.

Nag-aatubiling sumunod naman ang binata at nakatingin sa kanyang kamay na hawak hawak ng malambot na kamay ng dalagang presidente.

Napalunok si Gerald, may kung anong bagay na nabuhay sa kanyang diwa sa paglalapat ng kanilang mga kamay.

Pinilig nya ang ulo para ipawalang bahala ang kung anuman ang nararamdaman nya.

Hindi Nya napansin na pumasok sila sa isang men's store.

Napansin nya lang ito ng narinig nyang may itinatanong si Sarah sa kanya.

"Huh!? Ano nga ulit?" tanong ni Gerald sa dalaga.

"Ah bubuyog na bingi pa! Sabi ko type mo ba tong shirt na to?" nakapamaywang habang hawak ng isang kamay ang isang black shirt na may angry bird na design.

Napangiwi si Gerald,"Anong akala nito bata ako, bakit naman ibon ang napili nitong disenyo,"tanong nya sa sarili.

"Ay di mo pala type...ako na nga...eto type mo?" hawak ang isang pink na polo shirt.

Mas lalong napangiwi si Gerald, pinapagpraktisan na sya ng dalaga para sa regalong dapat ay sa nobyo nito.

"Salamat na Lang ho Ms. Sarah...Hindi ho ako nagsusuot ng pink," sabi nya.

Napatawa si Sarah,"Binibiro Lang kita although wala namang masama sa lalakeng nagsusuot ng pink..." sabi pa nito.

"Wala naman ho akong sinabing masama, kanya kanyang trip lang naman, di ko lang gusto ang pink," sabi pa ni Gerald sa dalaga.

"Okay okay...anyways,pumili ka na ng gusto mo Kung gayon..."sabi ng dalaga.

"Ha? Ako? Bakit?" sunod sunod na tanong nya.

"Ikaw naman, oo ikaw. Ikaw lang naman ang kasama ko ah, unless merong multo dito," sabi pa ni Sarah.

"Ha...sige pipili ako pero i-deduct nyo na lang sa susuelduhin ko ." saad pa nya sa dalaga."

"Sige, Basta pili ka lang,"

"okay,"

Nakapili sya ng pitong polo shirt at pumili naman si Sarah ng iba pang babagay sa kanya.

Pagkatapos mamili nagyayang kumain si Sarah sa isang chinese restaurant.

"Ha naku hindi na ho, Kung gusto nyo antayin na lang kitang kumain sa labas lang ako," sabi ng nag-aatubiling binata.

Andaming pinamili ni Sarah na karamihan ay damit at sapatos, hindi nya naman talaga balak mamili gusto lang nyang mas makilala pa nang mabuti ang mahiyaing binata. Napangiti si Sarah, nakakatuwang biruin si Gerald, masyadong honest hindi maikaila ang disgusto sa pink na shirt. Nakakatawa ang itsura nitong parang napapangiwi at nahihindik sa ideyang magsusuot ng pink.

"Pink kaya ang gawin kong uniform nya?" pilyang sabi ng dalaga sa sarili at pilit na tinimpi ang sarili kung hindi baka kanina pa sya humagalpak ng tawa.

Heaven By Your Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon