Chapter 11

4.8K 78 21
                                    

Kinabukasan sa opisina, pagpasok ni Gerald andun na si Hannah na laging maagang pumasok.

"Good morning Ge, syanga pala heto yong phone na pinapabigay ni Ms. Sarah- kung kailangan mo ng tulong pano gamitin sabihin mo lang," sabi ni Hannah sabay abot ng box ng cellphone- nakalagay sa labas ng box nito iphone4s.

Naiilang na tinanggap ni Gerald ang cellphone, mukhang komplikado at mamahalin ito- nahihiyang kinuha nya ito at nagpasalamat kay Hannah.

"Ge sozy ka ha, ang gara ng phone mo..naka-plan yan so company phone yan- may Internet yan tsaka the usual call and text...madali lang naman yan gamitin tsaka touch screen yan kaya ok..." sabi pa ni Hannah.

"Salamat Hannah...mukhang kailangan ko nga ng tulong mo dito- hindi ako sanay sa cellphone mas lalo pa at ganyan ka high tech," sabi ni Gerald.

"No problem Ge, Ms. Sarah knows what she's doing....syanga pala I forgot- Heto na yong mga documents ng nga kapatid mo. Okay na puede na silang pumasok sa Monday, tamang tama kakaumpisa pa lang ng pasukan- makakahabol pa sila," sabay abot sa kanya ng nga registration forms ni Ikay at Janus.

Hindi maitago ang kaligayahang nararamdaman ni Gerald, malaking bagay sa kanya na mapag-aral ang mga kapatid noon pa- ngayong nagkatotoo na, hindi nya alam kung paano pasasalamatan si Sarah.

Mag-uumpisa na rin si Gerald sa night classes nya next week.

Binigay sa kanya ni Hannah ang mga mails na kailangan nyang I deliver ngayon- mag-aalas nuebe na nang umaga, wala pa si Sarah.

Nagpaalam si Gerald na uumpisahan na nyang ihatid ang mga sulat at ilang packages na galing sa kanilang opisina- karamihan ay nasa loob ng building lang at ang iba ay malapit lang din- sa Makati.

Kaaalis lang ni Gerald nang dumating si Sarah.

"Nabigay mo ba yong phone Kay Gerald Hannah?" tanong ni Sarah.

"Yes, Ms. Sarah..kakaalis lang nya para magdeliver ng mails at packages na pinapadala nyo.." sagot naman ni Hannah.

"Oh ok, thanks Hannah. Just let me know when he comes back- email me my appointments and schedules for te week also," sabi pa ng dalagang Presidente.

"Sure, emailing you now," Hannah said.

Pagpasok ni Sarah sa office nya, binuksan Nya ang bag at kinuha ang gamot na iniinom nya. Next week may schedule sya sa Makati Med for an appointment.

Pilit na ngumiti si Sarah, hindi alam kong kaya nya ba talaga nyang isakatuparan ang kanyang plano.

Malaki ang magiging tulong ni Gerald, granted na aayon ito sa kanya.

Busy si Sarah sa pagta-type ng business proposal nang narinig nyang may kumatok sa pinto.

"Come in," sabi nya habang nakatingin sa LCD screen naririnig nya ang marahang pagbukas ng pinto at pagsara nito.

"Hi Ms. Sarah...may kailangan ho kayong ipagawa sabi ni Hannah puntahan raw kita pagkadating ko," sabi ni Gerald.

Noon lang tumingin si Sarah sa binata at ngumiti,"Hi Ge, upo ka muna.. Tapusin ko muna to, ok?" sabi pa ng dalaga.

Ngumiti at tumango si Gerald," Ok..." nag-aalangang tumingin-tingin si Gerald sa loob ng pribadong opisina ni Sarah.

Simple pero elegante- sa isip ni Gerald, hindi nya maiwasang hindi pagmasdan ang dalaga. Ang magandang hugis ng ilong nito, ang manipis at mapupulang labi...ang malamlam at magandang mga mata nito at ang makinis na kutis nito na parang hindi nya maisip na padapuan kahit sa isang lamok.

Napangiti si Gerald nang makita kung paano mag-iba-Iba ang expression nang mukha ni Sarah.

"Ang cute nya.." sa isip ni Gerald, nang mukhang titingin na sa kanya si Sarah biglang binawi nya ang tingin at pasimpleng yumuko. Alam nyang namumula ang kanyang pisngi dahil nararamdaman nya ang pag-iinit ng kanyang pisngi.

"Sorry Gerald, ok..I'm done. So okay naman yong phone? Gusto mong turuan kita nyan? Hindi naman mahirap ..sandali," sabi ni Sarah sabay tawag kay Hannah sa intercom.

"Han..hold mo muna calls for me for ten minutes ok?"

Tumayo si Sarah at inanyayahan si Gerald na maupo sa sofa .

"Let me see your phone.." sabi ni Sarah.

Phone lang ang naintindihan ni Gerald, kinuha nya sa backpack ang cellphone na nasa box pa. Hindi pa nya ma-timing-an na magpaturo kay Hannah pero mukhang si Sarah ang magtuturo sa kanya.

Nahihiyang napakamot ng ulo si Gerald,"Ah ok lang ba baka busy ka...sabi naman ni Hannah tuturuan nya daw ako nyan.."

Biglang napatingin si Sarah sa binata napakunot ng noo at napalis ang ngiti,"Lagot nagalit ata!" sabi ni Gerald sa sarili nang makita ang reaksyon ni Sarah.

Bigla namang napawi ang pagkakunot ng noo ni Sarah at sabay napataas ng kilay nya.

"Bakit ba feeling ko I'm jealous of Hannah..Sarah get a grip ok? Set your emotions aside if you want to go through with your plan.." Sarah thought and smiled at Gerald again.

"No Hindi ako busy, nakita mo naman kakatapos ko lang magtype sa computer and I'm done for the day, saka I don't mind to teach you Gerald. Nakikita ko naman na magaling ka at mabilis matuto," sabi pa nya sa binatang halatang naiilang sa pagiging malapit nila sa isa't isa. Magkadikit ang kanilang mga tuhod at parang may mumunting kuryenteng dumadaloy sa kanilang mga katawan.

Namumula ang pisngi na ngumiti si Gerald,"Thank you Ms. Sarah.." malumanay na sabi nya.

Pilit na kinakalma ang sarili, kinuha ni Sarah ang box laman ang cellphone at habang tsina-charge matamang pinagmasdan ni Sarah ang binatang bahagyang nakayuko.

Napapangiti sya na maisip na ayaw na ayaw ng binata ang pink.

"Makabili nga ng pink polo shirt para sa kanya.." sabi ni Sarah sa sarili na napapangiti.

"Syanga pala malapit ka bang pumasok sa night school di ba? Goodluck..Basta kung ano ang kailangan mo sabihin mo lang ok? Pati na ang mga kapatid mo," sabi ni Sarah nang maalala ang tungkol sa pag-aaral ni Gerald at ng mga kapatid nito.

Napatingin ulit si Gerald sa dalaga,"Oo nga eh, Salamat talaga sa pagpapaaral sa amin- Salamat nga pala sabi ni Ikay at Janus," ani Gerald.

"Wala yon...Masaya ako na nakakatulong lalo na pagdating sa edukasyon...at Masaya ako na deserving kayo...madami kasi na may chance nga na mag-aral pero hindi naman seryoso..." sabi pa ng dalaga.

"Oo nga..matagal ko ng pangarap na makapag-aral at mapag-aral ang mga kapatid ko...alam ko kasing yon ang pinaka maitutulong ko sa kanila na gagabay sa kanila kahit wala na ako sa tabi nila.." madamdaming pahayag ni Gerald.

Lalo pang napahanga ang dalaga Kay Gerald. Hindi nga sya nagkamali ng pagtulong dito.

Nang medyo nagcharge na ang cellphone dahan dahang tinuruan ni Sarah ang binata. Minsan nagkakatinginan sila na mabilis naman nilang binabawi- nagkakadampi ang mga daliri na may nakakakuryenteng epekto sa kanila pareho...at ang manaka-nakang pagdadampi ng kanilang mga tuhod habang nakaupo.

Langhap ni Gerald ang mahinhing halimuyak ng pabango ng dalaga, nakakaliyo at may nabubuhay na pagnanasa sa kaibuturan nya. "Hindi dapat.." paulit-ulit na sinasabi nya sa sarili na para bang maiibsan nito ang namumuong damdamin para sa magandang dalagang Presidente na boss pa Nya!

Mabilis namang matuto si Gerald, nilagay ni Sarah ang cellphone number ng opisina at ang number Nya sa phone book ng binata.

"Salamat," sabi ni Gerald.

"Wala yon, Syanga pala may appointment ako sa Makati Med next week masasamahan mo ba ako?" sabi ni Sarah.

"Okay walang problema," sabi ni Gerald.

"Great,thanks Ge..." sabi ni Sarah at tumayo papunta sa table nya.

"May ipapadala ho ba kayong mga sulat o dokumento?" tanong ng binata.

"May ipi-print muna ako pagkatapos ipapa-prepare ko kay Hannah yong iba, upo ka muna dyan pagaralan mo yang phone mo habang nagaantay ka sakin.." ani Sarah.

"Okay, Salamat uli dito." saad ni Gerald.

"Don't mention it Ge...now let me print these and..." sabi ni Sarah habang may hinahanap sa drawer Nya.

Tahimik na nakaupo Lang si Gerald habang tina-try gamitin ang cellphone. Bilib na bilib ang binata- dahil touchscreen medyo naiibahan sya dito.

Heaven By Your Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon