Chapter 25

3.4K 49 21
                                    

“Janus, asan si Ikay? Gisingin mo na, may pasok pa sya di ba? sabi ni Gerald sa kapatid.


Pakamot-kamot si Janus, “Kuya naman, ang aga pa naman o...alas-siyete ng umaga pa lang..”


“Kahit na..mas mabuti na ang maaga...tsaka iba rito, iba ang buhay dito. Hindi puedeng babagal bagal tayo...sige na, nagluto na ako ng almusal...tawagin mo na rin si Nanay...” sabi ni Gerald na nakasuot ng coat and tie.

“Ok na Kuya...naks Kuya..hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na tayo...na tingnan mo, yong dati nating buhay ibang iba na sa meron tayo ngayon...”

“Ganyan talaga Janus..minsan pag dumapo ang suerte, dapat handa kang tanggapin ito at alagaan...”

Okay Kuya got it...o asan na pala si Tito Daddy?” tanong ulit ni Janus.

“Ah nasa office na eh, kaya nga kailangan ko ng umalis din. Ayokong pag-antayin ang matanda..alam mo na...” sabi ni Gerald.

“Ok Kuya..break a leg ha...prove mo na anak ka nga ng Tito Daddy!” sabi ni Janus.

Napangiti na lang si Gerald.


Andito sila sa Amerika.


Nasa Chicago, kung saan nakatira ang kanyang biological father. Almost a year na rin silang nandito.

Ipinahanap pala sya ng kanyang ama na ngayon ay biyudo at walang anak. Dahil mahal pa rin ng nanay nya ang kanyang tatay, pinatawad nito ang kaniyang ama at napapayag ng yayain silang dumito na sa Chicago. Tamang tama naman na heartbroken sya at pilit na kinakalimutan ang sakit na dulot ni Sarah Geronimo.

Ang babaeng pilit nyang kinakalimutan pero patuloy pa ring nakaukit sa puso’t isipan nya- kahit anong pilit pa nyang gawin makalimutan lang ang dalaga.


Nang dumating sila sa Amerika, ipinagpatuloy nila ang pag-aaral. Kumuha sya ng GED course at nakapasa naman. Patuloy pa rin syang nag-aaral ng business management dahil na rin sa siya ang inaasahan ng ama na pumalit sa posisyon nito sa kompanyang itinayo nito matapos itong magresign sa US Navy.

Meron itong sariling kompanya- Reynolds Inc. Ang ama, si Harold Reynolds ang may-ari nito. Import-export ang kompanya nito. Mostly sa US, Europe at Asia ang business nito.


Mabilis naman natuto si Gerald, likas na matalino, at may pagpupursige sa buhay kaya naman hindi naging mahirap na matutunan ang pasikot-sikot ng negosyo, ang buhay sa Amerika at ang panibagong hamon sa kanya- ang maging mas matagumpay pa.


Gerald started the car, it was snowing.

He started the car, their office is about fifteen minutes away from their house.

A five bedroom house in Chicago.

Madaming Pilipino dito kaya hindi nahirapang mag-adjust ang kanyang mga kapatid at ang ina. Pati na rin sya.

Nasa dugo siguro nya kaya nakapag-adjust agad sya sa klima.

Ngayon ay winter. Halos triple ang suot nya para matagalan ang lamig.

Tumunog ang cellphone nya.

“Hello...hon..” sagot nya.

Ang kanyang girlfriend na si Caroline. Half Filipina-half American. Nakilala nya six months ago, they dated and eventually they became an item.

For now, he needs her.

To forget the heartache, the pain. The love. Even just for now.

******************************

"She was the light that I'd bless
She took my last chance at happiness
So God give me strength, God give me strength"

sung by Elvis Costello & Burt Bacharach >>>>>>>>>

Heaven By Your Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon