Claudevon Alarcon

8 0 0
                                    

Pagbalik namin ay masayang nag-uusap sina Hera, Rom at Nikka kaya naman ay naupo agad kami.

"So, Hera.. bakit pala nagtransfer ka? May problema ka ba sa former school mo?" Si Nikka

Tumingin pa muna ito sa amin bago nagsalita. "Mm.. actually meron hehe." Natatawang tugon nito na napakamot pa sa ulo.

"May problema ka? Kung di mo mamasamain, pwede ba naming malaman?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumingit sa usapan.

"Nagkaroon ng misunderstanding ang parents ko at yung mga teachers ko, dahilan para mag protesta sila at patalsikin ako sa paaralang iyon." Malungkot na aniya.

"Wait.. I'm just wondering what happened?" Si Tron.

"Dean ng school na yun ang parents ko. Pinapili sila, ako ang mag-istay or sila.. ayokong umalis sila mommy and daddy don dahil alam ko kung gaano nila kamahal ang trabaho nila, that's why ako na yung nagkusa. Mas pinili kong ako yung mapaalis kesa sa kanila." Malumanay na pagpapaliwanag niya.

"We're sorry to hear that.." bakas sa tono ni Tron ang pagkalungkot.

Ngumiti ng bahagya si Hera. "It's okay. Wala naman na yun sakin. Besides, masaya naman ako dito sa bago kong school na pinasukan. I'm happy kasi nakilala ko kayo." Tumingin siya habang nakangiti saming lahat. "Alam nyo, ineexpect ko kasi walang lalapit at makikipagkaibigan sakin hehehe." Natatawang dagdag niya dahilan para maglingunan kami at tignan siya ng may pagtataka.

"Bakit naman?" Si Drix.

"Kasi physically.. hindi naman ako mukhang mabait at palakaibigan."

"Seriously? Sa ganda mong yan na mala-anghel? sinong hindi gugustuhing makipagkaibigan sayo?" Si Rom.

"Hindi ako maganda. Mas maganda ka."

"Bolera! Hahaha! But I'm serious.. maganda ka." Natatawang tugon ni Rom at nginitian lamang siya nito.

Bakit kaya ganon nalang ang pag-iisip niya?

Gaya ng sabi ni Rom, maganda siya na kala mo isang anghel.. lahat ay gugustuhing makipagkaibigan sa kanya.

Pero bakit parang di siya sang-ayon dun?

Weird.

"By the way Hera.. birthday ko na nextweek invited ka ha?" Si Nikka.

Doon ko lang naalala ang kaarawan niya. Nawala sa isip ko yun ah? Ano kayang magandang iregalo sa kanya?

Ilang buwan ko palang nililigawan si Nikka.. ang katunayan niyan parang napipilitan lang siya na magpaligaw.. alam ko naman kasing si Drix ang gusto niya pero alam ko rin na dahil si Rae ang gusto ni Drix kaya pumayag siyang ligawan ko nalang.

Pumayag ako dahil talagang gusto ko siya. Kahit pa iba yung gusto niya.

Putspa men! Masakit.

Naalala ko pa yung isang beses na napag-usapan namin si Drix at yung babaeng napapanaginipan niya. Naiinis siya non dahil bukambibig ni Drix ang babaeng yun, bakit laging iyon nalang? ramdam ko na nagseselos siya, nagseselos din ako pero hindi ko ipinapahalata.

Ngayon kung titignan mo ang itsura at reaksyon niya habang kausap si Hera, makikita mo ang pag-aalinlangan at ang selos..

Dahil gaya namin ni Tron, alam kong naisip narin ni Nikka na si Hera yung babaeng napapanaginipan ni Drix. Pero dahil nga sa maamo at mala anghel na mukha ni Hera, ay kahit papano naisasantabi niya ang totoong nararamdaman niya.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon