Straughn Garcia

11 0 0
                                    

Nanlalaki ang mata kong tinitigan ang isa sa mga transferees na nasa harapan.

'Maganda. Maputi. Straight ang buhok na hanggang bewang at may bangs na halos matakpan na ang kaniyang mata. Hindi katangkaran. Sakto lang din ang pangangatawan. Black T-shirt na plain ang pang itaas nito at ang laylayan ay nakatuck-in sa white skirt na above the knee, at adidas rubber shoes na color white naman ang sapatos nito . May dala rin itong backpack na nakasumbit sa isang balikat nito.'

Ganiyang ganiyan yung itsura nung babaeng tinutukoy ni Drix na madalas niyang napapanaginipan!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siyang siya yun!

Pinakatitigan ko ang babae at saka nilingon si Drix. Bakas sa itsura nito ang pagkagulat. Alam ko iisa lang kami ng naiisip kaya ganyan ang itsura niya habang nakatingin sa babaeng iyon.

"Dude! Putspa! Diba ganyang ganyan yung description mo sa babaeng napapanaginipan mo?" Si Claud.

See? Napansin din niya!!

Gulat kaming nilingon si Claud. Ngunit nananatiling seryoso itong nakatingin lang dun sa babae.

"What the hell.." si Drix na panay ang pag iling na tila hindi makapaniwala.

"Drix.. siyang siya yun." Bulong ko ngunit napabuntong hininga lamang ito.

"So, everyone.. sila ang mga bago niyong magiging kaklase." Biglang usal ni Miss. "Please introduce yourself." Turo ni Miss sa katabi.

Nasa dulo malapit sa pinto yung babae kaya naman ito ang huling magpapakilala.

"Hi goodmorning. I'm Axel Marquez."

"Hi everyone, I'm Ellaine Francisco"

"Hi! I'm Jairus Nicolas"

"Hi goodmorning! I'm Jessa Olivar"

Pagpapakilala nung apat at ang huli ay...

Hinawi pa neto ng bahagya ang bangs niya bago nagsalita. Kaya naman doon namin unang nasilayan ang kaniyang mga mata.

Napakaganda ng kaniyang mata..

Nilingon ko sila Drix at Claud ngunit tutok ang mga ito sa babae kaya naman muli ko itong nilingon.

"Hi Goodmorning Everyone!" Nakangiting aniya.

Putspa! Lalong gumanda nung ngumiti!!!!!!!

Seryoso ko mga dude!!!!!!

Para kong nakakita ng anghel sa classroom!!!

"I'm Hera Santillan."dagdag pa nito.

"Putspa Drix! Hahaha." Si Claud habang sinisiko ito.

"Now, we know her.." nakangiting usal ko.

Nilingon ako ni Drix.."I don't know what to say.." aniya bakas parin ang pagkagulat sa mukha niya at panay lang ang pag-iling.

"Goodmorning. Nice to meet you all. Maari na kayong maupo." Si miss.

Agad naman nagsisunuran ang mga ito. Sinundan parin namin ng tingin yung babae at naupo ito sa pinakahuling hilera ng mga babae. Nasa pinakahuling hilera rin kami ng mga lalaki kaya naman katapat namin ito.
Nasa sentro ito ng pasilyo kaya naman pag lumingon ito sa gawi namin ay una niyang matatanaw si Drix dahil nakapwesto din ito sa sentro ng pasilyo.

"Nice! Kahilera natin Drix. Hahaha. Meant to be." Si Claud na panay parin pang-aasar.

Kinunutan lamang ito ng noo ni Drix at saka bumaling sa harapan.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon