Threat

10 0 0
                                    

Rae's POV

Hindi na ako nagdalawang-isip na balaan si Drix tungkol kay Hera simula ng marinig ko ang usapan nilang apat na si Drix ang pakay nila sa susunod na misyon. At ang masaklap pa doon ay pinapapatay ito ng mga Honcho kay Hera. Kaya't hanggat maaari ay gusto kong ilayo sa kapahamakan si Drix.

Kung tatanungin mo kung bakit, simple lang ang sagot ko dyan.. dahil mahal ko si Drix. Handa akong kalabanin ang supremo at ang Honcho kapalit nang kaligtasan ng taong mahal ko.

Noon pa man ay gusto ko na si Drix pero nahihiya akong aminin ang nararamdaman ko para rito dahil baka hindi magtugma ang nararamdaman namin para sa isa't-isa.

Simula ng dumating si Hera ay mas lumalim ang nararamdaman ko rito. Noon ay wala akong babaeng pinagseselosan. Pero simula ng sumulpot si Hera ay nagbago lahat. Lalo na nang makita mismo ng aking mga mata kung paano niya tignan si Hera.

Magkaibang magkaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin at sa iba. At nung araw na sundan niya ito matapos naming magtalo ni Hera ay mas napatunayan kong may pagtingin ito dito.

Ngunit mas ikinaiinis ko ang pagbibigay ng motibo ni Hera dito na halata namang pulos pagpapakitang-tao. Sa dami-rami ng pwedeng samahan ay bakit si Drix pa? Kagaya kanina, hindi ko maiwasang masaktan ng makita silang sabay na pumasok, si Hera ay tila walang pakielam samantalang si Drix ay di mo mawari. Kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Sa sobrang inis ko ay agad ko itong iniwan. Naiinis ako na mas pinagkakatiwalaan niya si Hera kesa sa akin. Naiinis ako dahil ganon nalang niya pahalagahan kung anuman ang meron sila ni Hera, gayong kakakilala pa lamang nila sa isa't-isa, samantalang ako ay ilang taon na niyang kilala.

Nang makabalik ako sa silid ay naroon na ang karamihan sa mga kaklase namin kaya naman naupo na ako sa aking upuan. Ilang sandali lang ay kunot-noong pumasok si Drix. Tinignan ko ito ngunit hindi ako nilingon nito, nanatiling nakatingin ito kay Hera na nakatungo lang sa kinauupuan nito.

Maya-maya lang ay sumunod na pumasok ang lecturer namin sa P.E. nagdiscuss muna ito at nagpa-quiz. Buong akala ko ay iyon lamang ang gagawin namin ngunit nagkamali ako nang bigla itong may ianunsyo sa buong klase.

"So, before we dismiss, bibigyan ko kayo ng group activity. But this time, pair of two ang group activity na 'to. Hahayaan ko na kayong mamili ng magiging ka-partner ninyo. At bubunot kayo ng topic dito sa aking fish bowl at kung anuman ang mabunot niyo ay ididiscuss niyo. Is that clear?" Seryosong aniya ni Miss.

"Yes Miss."

"Sige na. Humanap na kayo ng kapartner niyo at bumunot dito. Pagtapos ay pwede na kayong lumabas."

Kaniya-kaniyang nagsihablutan ng partner ang mga kaklase ko. Napatingin ako sa mga ito, karamihan sa kanila ay may kapartner na. Samantalang ako, heto.. hindi alam kung sino ang pipiliin na maging partner. Hanggang sa napatingin ako sa grupo nila Drix na nagkukumpulan sa Likod.

"Ako at si Nikka ang magka-pair, tas si Tron at Rom. At si Drix.." rinig kong aniya Claud ng makalapit ako sa mga ito. Hindi ko na pinatapos ito sa pagsasalita.

"Pwede bang ako ang maging partner mo?" Sabat ko na ang paningin ay na kay Drix. Gulat naman ang mga ito na lumingon sa akin.

"Ah.. ano kasi Rae.." si Rom.

"Bakit? I hope you don't mind kung gusto kong maging kapartner si Drix." Nakangiting ani ko.

Ngunit bago pa sila makapagsalita ay may nangibabaw nang pamilyar na tinig. Tss

"Drix, partner tayo." Si Hera. Nakangiti ito kay Drix dahilan para manlaki ang mata ni Drix na tumingin dito.

"Hera.." si drix.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon