Primero

8 0 0
                                    

Nilisan ko ang silid at iniwan ng puro katanungan ang isipan ng mga taong naroon. Mabilis kong tinahak ang isang parke para makapag-isip at magpalamig.

Kung hindi ko napigilan ang sarili ko tiyak na magiging madugo ang paghaharap naming iyon ni Rae.

Sumalampak ako sa damuhan at pinagmasdan ang kapaligiran. Muli kong naalala ang pinag-ugatan ng lahat.. kung bakit nalang ganon ang turing namin ni Rae sa isa't-isa.

FLASHBACK..
( La proclamación de la primera)

"Ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw kung saan tatanghalin ang 'primero' ng ating samahan." Maawtoridad na aniya Señor gamit ang wikang espanyol at agad namin nilingon ito.

Nasa lihim na balwarte ang lahat ng mga kabataang nagsikap makapasa sa hindi makatarungang ensayo. Ang lugar na ito ang nagsilbing impyerno sa amin. Dito nagsimula ang samahang ni minsan hindi sumagi sa aking isipan na kabibilangan ko. Labing lima kaming nag-ensayo ngunit tanging lima lamang ang nakapasa kabilang na ako doon. Ang mga kasama kong nag-ensayo rito ay ang mga legal na kapatid ko. Sila ang mga kabataang inampon ng Honcho sa isang bahay-ampunan. Ang sampu ay hindi na kinayang tapusin ang nasimulan at namatay habang ipinaglalaban ang sariling buhay sa masalimuot na paraan.

Lahat kami ay sampung taong gulang nang sumabak sa ensayong ito. Ngayon ay labin-limang taong gulang na kami. Ganon katagal ang naging ensayo namin. Ganon katagal kaming naghirap at naghintay para sa araw na ito. Walang kasiguraduhan kung malalagpasan ba namin ang impyernong buhay na ito. Nakakatawa lang dahil ang mga itinuturing kong kapatid na siyang nakasama ko sa hirap at ginhawa, ay siya rin palang magpapakita sakin ng nakakatakot na impyerno.

Bahagya pa akong napangiti sa naisip na iyon. Sa limang taon na pageensayo at pagbubuwis ng buhay. Hinarap namin ang granada, espada, baril, bomba, iba't-ibang patalim, sumpak, pana, bugbog, at kung anu-ano pa. Naroon din yung ilang beses kaming nagsaksakan ng mga tinuring kong kapatid, na naghihintayan kung sino samin ang matitira at kung sino sa amin ang uuwing bangkay na. Ilang beses itinulak sa chopper habang nasa ere na hindi sigurado kung gumagana ba ang parachute na dala, palalanguyin ka sa ilalim ng dagat para kunin lamang ang bagay na pinapahanap nila, aakyat ka ng building na kala mo ikaw si spiderman, naroon din ang pakikipagkarera gamit ang iba't-ibang uri ng sasakyan sa napakabilis na paraan, yung tipong uusok na ito sa sobrang bilis. Naroon din yung hahagisan kayo ng dinamita at paunahang lumangoy ng mabilis papalayo upang makaiwas dito.

Nakakatuwa din na hanggang ngayon kumpleto ang mga daliri at parte ng katawan ko. Ngayon ay maiibsan na lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko. Ngayon ay maitatanghal na ang primero. Ang nag-iisang tao na kayang tumalo sa dalawang Honcho, na siya ring totoong magulang ko.

Hindi ko hiniling na tanghaling primero ng samahang ito. Mahirap ang tungkulin nito. Kaakibat nang mataas na posisyon ang pinakamabigat na gawain nito. Lahat ng iutos ng Honcho ay kailangang sundin mo. Pag sinabing patayin mo, patayin mo labag man ito sa kalooban mo. Pag sinabing pahirapan mo, pahirapan mo kahit tumatanggi ang konsensya mo.

Tila mga laruan kaming nabuhay sa mundong ito na walang ibang kailangang gawin kundi ang sumunod sa utos ng mga Honcho.

Hindi ko man kadugo ang mga kapatid na kinalakihan at nakilala ko, itinuring ko naman ang mga itong tunay kong kadugo. Minahal ko sa paraang alam ko. Sinuklian ng kabutihan kahit pa alam kong may lihim na galit ito.

Si Rae. Bago kami sumabak sa ensayo ay hindi kami mapaghiwalay. Matalik na magkaibigan at kapatid na tunay ang turingan. Ngunit ng magsimula ang ensayo ay doon ko napatunayang hindi sapat ang aming pagkakakilanlan.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon