Part 15

4 0 0
                                    

RAE's POV

Nagpunta kami ni Hera sa isang cafe na malapit sa mansyon ng mga Honcho.

"Kilala mo ba ang isang 'yon?" Biglang tanong ni Hera habang nakatingin sa akin.

Sumimsim muna ako ng kape bago nagsalita. "Wala akong ideya sa isang 'yon."

"Sa tingin mo, paano kayang nakilala niya tayo? Hindi kaya isa 'yon sa tauhan ng mga Fontanilla??"

Nagkibit balikat ako. "I don't know. Pero kung tauhan man ng mga Fontanilla 'yon, dapat nakilala siya ni Drix."

Bumuntong-hininga pa ito. "Ang tanong, alam ba ni Drix kung ano ang ginagawa ng mga magulang niya?"

"Syempre naman. Parents niya 'yon Hera. Paniguradong alam ni Drix ang tungkol sa lahat lalo na kung may kaugnayan sa parents niya."

Ngumisi ito. "Madalas wala ang parents ni Drix sa bahay nila ayun sa kaniya. So, posibleng wala siyang ideya sa totoong trabaho ng mga ito."

Napamaang ako. "So, ano ng plano mo?" Pag-iiba sa usapan.

"Wala." Walang-ganang aniya.

"Wala?"

"Ano bang dapat na gawin ko?"

"Look, Hera. May nakakakilala satin bilang supremo tas wala kang plano?? Wala kang gagawin?" Di makapaniwalang ani ko.

Tumawa ito ng bahagya. "Don't tell me.." binitin nito ang sasabihin at inilapit ng bahagya ang mukha sa akin. "Natatakot ka sa isang 'yon?" Ngumisi ito.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Ako? Matatakot? Bakit sino ba sya para katakutan ko?" Nag-iwas ako ng tingin at pinagkrus ang aking mga braso.

Tama si Hera. Nakaramdam ako ng kaunting takot nung sandaling sabihin ni Frederick ang mga posisyon namin bilang supremo.

Umayos ito ng upo."Pero paano nga kung tauhan talaga ng mga Fontanilla 'yon? Anong gagawin mo?" Biglang sumeryoso ang tono ng boses nito, muli ko itong nilingon.

"Wala. Hanggat wala siyang ginagawa sakin wala akong dapat na gawin okay?" Mataray na ani ko.

"Kung titignan mo ang taong 'yon, wala namang nakakatakot sa kaniya. Pero kailangan parin nating mag-ingat. Lalo kana."

Nakaramdam ako ng kaba ngunit hindi ko ipinahalata. "Bakit ako?"

"Alam niyang ikaw ang tercero, alam niya ang kakayahan mo."

"But that doesn't mean na mahina ako Hera." Pigil ang inis na tugon ko.

"Wala akong sinasabing mahina ka. Pero sa ating lima, kay cinco palang.. hindi kana uubra." Sarkastikong aniya, at sumimsim ng kape ngunit nanatiling nakatingin sa akin.

"Ano?!" Singhal ko dito.

Binaba nito ang basong hawak."Hindi porket ikaw ang pangatlo, ay masasabing mas malakas kana kay Arya. Alam mo ang tungkulin ng pangatlong supremo, Rae. Ikaw ang pinili ng mga Honcho bilang tercero dahil sating lima, ikaw ang pinakabihasa sa larangan ng medisina bukod sa paggamit ng balisong. Kung pagbabasihan naman ang kakayahan mo sa pakikipaglaban, sating lima ikaw ang magiging pang-lima. Kinonsider nang samahan at ng mga Honcho na ilagay sa pangatlong posisyon ang pagiging dalubhasa sa larangan ng medisina bilang pagbibigay respeto dahil tungkulin mong pangalagaan ang uno." Pagpapaliwanag nito.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon