Hera Santillan

11 0 0
                                    

Napabuntong hininga ako matapos alalahanin ang sandaling itanghal ako bilang uno ng samahan. Natitiyak kong hindi na kami babalik sa dati ni Rae. Napabuntong hininga ako at inilabas ang telepono ko at tinawagan si Zeus.

"Hello?" Bungad ko ng sagutin nito ang telepono. "Hera.. napatawag ka." Masaya ang tono ng boses nito. Kaya naman napangiti pa ako sa kawalan. "Napahaba ang kwentuhan namin ni Rae kanina. Natitiyak kong interesado ka sa naging usapan namin." Tatawa-tawang tugon ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Zeus sa kabilang linya. Alam kong naintindihan niya na ang ibig kong sabihin sa bagay na iyon. "Sige. Ako ng bahala." Aniya at agad na binaba ko ang aking telepono.

Pinagmasdan ko ang mga punong hinahawi ng malakas na hangin. Hanggang sa naramdaman ko ang pamilyar na mga presensyang papalapit sa gawi ko. Nilingon ko ito at tama ang hinala ko.

Sila Drix.

Hindi ko inaasahang susundan nila ako dito. Napabuntong hininga nalang ako at nag-iwas ng tingin. Naupo sila palibot sa akin ngunit nanatiling tahimik kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin.

"Bakit nandito kayo?" Takang tanong ko, nilingon ko pa sila isa-isa at napabuntong hininga.

"Gusto lang namin malaman kung okay ka lang ba?" Si Drix. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala."Ok lang ako. May dahilan ba para maging hindi?" Mabilis na tugon ko. "Yung nangyari kanina sa pagitan nyo ni Rae---" hindi ko na hinayaang ituloy ni Drix ang sasabihin. "Ayoko na munang pag-usapan yun.. sorry." Usal ko. "Ah.. I see." Napapahiyang tugon nito.

Saglit pa muna akong nag-isip bago nagsalita. "Pero kung gusto nyong malaman kung magkakilala ba kami ni Rae.." Gulat namang naglingunan ang mga ito. "Oo. Magkakilala kami. Sobrang magkakilala, higit pa sa pagkakakilala nyo sa kanya." Dagdag ko pa.

Bakas sa mga mukha nila ang pagkalito.

"Teka! Lalo akong naguluhan e. Pano nangyari yun? Magkaanu-ano ba kayo?" Si Nikka, salubong ang mga kilay kong nilingon ito. "That's all I can say for now."

Wala ng naglakas loob na magsalita matapos ang sinabi kong iyon. Nanatili pa kami ng ilang sandali doon.

"So, guys kita-kits nalang bukas. Maaga pa tayo e." Si Tron."Sige, marami parin kasi akong gagawin sa bahay e." Aniya naman ni Nikka. Tumango naman kami bilang pagsang-ayon.

Nagulat naman ako sa biglaang pagbaling ni Drix sa akin. "Hera.." pagtawag nito sa pangalan ko. Nilingon ko naman ito. "Ihahatid na kita." Dagdag pa nito.

Gusto kong magtaka sa ikinikilos nito pero hindi ko iyon pinahalata. "Sige." Tanging nasabi ko. Mabilis niya akong inalalayan papasok sa kaniyang kotse. Nagpaalam pa kami sa iba, matapos 'non ay pinaandar na niya ang kotse.

Binabaybay namin ang daan patungo sa lihim na balwarte. Hindi niya iyon alam. Tinuturo ko lamang ang daan sa kanya. "Thanks for the ride." Nakangiting aniya ko ng makarating sa tapat ng mansyon. Ngumiti din naman ito. "Wala yun. Anytime." Tila kumislap pa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Papasok na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, dahilan para matigilan ako. Takang tinignan ko ito. "Hera.. naguguluhan na kasi ako e.. Gusto ko lang itanong kung.. ikaw nga ba yung babae sa panaginip ko?" Naguguluhang tanong nito.

Babae? Sa panaginip?

Ano daw??

"Ha? What do you mean?" Takang tanong ko dito. Huminga muna ito ng malalim. "Ilang beses ko ng napanaginipan ang itsura mo.. paulit-ulit na eksena. Pero doon sa panaginip ko hindi kita nakikilala dahil sa tuwing lalapit ako, siya namang pagtakbo mo." Sinserong aniya dahilan para maguluhan naman ako.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon