Romellaize Medina

6 0 0
                                    

Hindi mawala sa isip ko ang pagkamangha kay Hera. Napapangiti ako habang palihim na sumusulyap dito. Hindi ko rin maiwasang matawa sa isip ko pag nakikita si Rae. Tiyak galit na galit ito. Ayaw niyang nalalamangan.

Ang totoo okay naman si Rae, pero once na pag-aaral na ang usapan nag-iiba ito. Sumasama ang ugali. Nagiging mayabang.

Kaya hindi ko rin maiwasang matuwa na dumating si Hera dahil may makakatapat na ito. At sa nakikita ko, mukhang malalamangan pa siya nito.

Kasalukuyan kaming nagki-quiz sa physics. Nahihirapan akong sagutin ang mga tanong dahil hindi naman ako nakinig ng lubos at wala talaga akong maintindihan sa mga pinagsasabi ni Miss.

Physics ang huling paksa namin. Pag huling paksa na ay tanging uwian nalang ang nasa isip ko.

Feel me?

"Okay, pass your papers forward! Finish or not finish!!" Utos ni Miss. At kahit hindi ko pa man tapos sagutan ay pinasa ko na. Wala narin naman akong maisasagot kahit pag-isipan ko pa.

Inipon ni Miss ang lahat ng papel. Ang mga papel ng babae ay checheckan ng mga lalaki. At ang mga papel naman ng lalaki ay checheckan namin.

At sa mga nagdaang minuto ay chineckan na nga namin ang mga papel. Halos wala ring sagot ang mga kaklase namin.

Buti nalang. Hindi pala ako nag iisa. Hehehe

Nang matapos checkan ang mga papel ay agad na nagsalita si Miss. "Anyone, who scores 30?" Tanong nito sa amin.

Imposibleng may makaperfect sa quiz mo. Ang hirap kaya! Ano kami genius?

"Miss si Santillan po!" Si Renz kaklase namin.

Agad kaming napalingon dito.

Santillan? Sino yun?

Lumapit ito kay Miss Terry para iabot ang papel. Tinignan pang mabuti ni Miss kung tama ang mga sagot nito. At tatango-tango pa ito habang tinitignan iyon..

"Hera Santillan?" Nagtatakang lumingon ito sa klase at hinanap kung sino ang taong kaniyang binanggit.

What? Si Hera?

Mabilis kong nilingon si Hera at nakita ko itong tumayo at diretsong nakatingin kay Miss.

"Yes Miss?" Walang gana ang tono ng pananalita nito.

"Congratulations. Na perfect mo ang quiz ko." Ngumiti pa ito kay Hera. "You could have easily exceeded my expectations for you." Dagdag pa nito.

Taka kong nilingon si Hera ngunit seryoso lamang itong nakatitig kay Miss.

Nagexpect siya kay Hera?

Bakit??

Naguguluhan ako sa naiisip kong iyon pero binalewala ko nalang ng biglang magsalita ulit si Miss. "29? Anyone?" Baling muli nito sa amin.

"Miss!" Si Tron, na itinaas pa ang papel na kaniyang hawak at iniabot kay Miss. Sumulyap pa ito sa gawi ko, gulat ako ng bigla itong kumindat at ngumiti sa akin.

Iloveyou dhie.

Yieeeee I'm so kilig!! ♡

Nasabi ko nalang sa aking isip. Muli akong bumalik sa reyalidad. "Braelynn Andres." Si Miss. At agad tumayo si Rae. "Mm.. well, better luck next time." Nanlaki pa ang mga mata ni Rae sa sinabing iyon ni Miss pero agad din siyang nakarecover at ipinagsawalang bahala iyon. "Kindly collect all the papers Miss 'Andres?" Ramdam ko ang pagiging sarkastiko ni Miss kay Rae at ang diin sa pagbigkas nito sa pangalan niya.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon