Anikka Mejia

8 0 0
                                    

Habol habol ang hiningang natagpuan namin ang aming nga sarili sa isang parke. Nakita naming nakaupo sa damuhan si Hera. Kung paanong nakarating kami dito ay hindi namin alam. Parang kusa kaming dinala ng mga paa namin papunta kung saan naroon si Hera.

Nilingon niya kami at napabuntong hininga. Sa reaksyon niya, mukhang hindi niya akalaing susunod kami hanggang dito.

Nilapitan namin siya at agad kaming naupo palibot sa kanya. Kaniya kaniya kaming salampak sa tuyong damuhan.

Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan.. walang tao sa parkeng iyon maliban sa amin kaya tanging huni ng mga ibon, simoy ng hangin at mga tunog ng dahon ng mga punong tila sumasabay sa paghampas ng hangin ang tanging maririnig mo.

Nagpapalitan pa muna kami ng tingin. Nag-aabang kung sinong unang maglalakas loob na bumasag ng katahimikan.

"Bakit nandito kayo?" Pagbasag ni Hera sa katahimikan. Nilingon pa niya kami isa-isa at napabuntong hininga.

"Gusto lang namin malaman kung okay ka lang ba?" Si Drix, bakas sa tono nito ang matinding pag-aalala. Dahilan para makaramdam ako ng bahagyang kirot sa puso.

Minsan ba nag-aalala ka rin sakin?

Nanlumo ako sa naisip kong iyon. Dahil alam kong 'hindi' ang sagot doon. Tinignan siya ni Hera sa mga mata at ngumiti. "Ok lang ako. May dahilan ba para maging hindi?"

Ay girl! Me amnesia ka?

"Yung nangyari kanina sa pagitan nyo ni Rae---" hindi natuloy ang sasabihin ni Drix dahil agad na nagsalita si Hera. "Ayoko na munang pag-usapan yun.. sorry." At nag-iwas ito ng tingin.

"Ah.. I see." Napapahiyang tugon naman ni Drix at nag-iwas din ng tingin.

"Pero kung gusto nyong malaman kung magkakilala ba kami ni Rae.." Gulat kaming naglingunan sa sinabi niya. "Oo. Magkakilala kami. Sobrang magkakilala, higit pa sa pagkakakilala nyo sa kanya." Seryosong dagdag nito.

Lalo naman akong naguluhan.
Ibig ba niyang sabihin mas kilala niya si Rae kesa samin? Magkaanu-ano ba sila?

"Teka! Lalo akong naguluhan e. Pano nangyari yun? Magkaanu-ano ba kayo?" Hindi ko na napigilang sumabat. Nilingon ako nito ngunit salubong ang mga kilay. "That's all I can say for now." At muli na naman itong nag-iwas ng tingin. Binalot na naman kami ng matinding katahimikan.

Ilang sandali pa kaming nagtagal sa parkeng iyon at nung palubog na ang araw ay napagpasiyahan na naming umalis.

"So, guys kita-kits nalang bukas. Maaga pa tayo e." Si Tron.

"Sige, marami parin kasi akong gagawin sa bahay e." Pagsang-ayon ko.

Tumango lamang sila. At nung magsisimula na kaming lumabas ay biglang natigilan kami sa sinabi ni Drix.

"Hera.." pagtawag niya dito. "Ihahatid na kita." Seryosong aniya habang nakatingin kay Hera.

Nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso dahilan para mag-iwas ako ng tingin sa mga ito. Napansin ko rin ang biglaang paghawak ni Claud sa aking braso. Alam kong naramdaman niyang nasasaktan ako. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Claud na may gusto ako kay Drix.

Alam kong nasasaktan ko rin ito. Nakokonsensya ako pero ayoko rin namang may magbago samin ni Claud once na pinatigil ko ito sa panliligaw.

Sino ba namang hindi magkakagusto kay Drix?
Gwapo, maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay, singkit, kumokorteng puso ang labi pag ngumiti, kulay asul ang kulay ng mga mata, matangkad ito, hindi man kasing laki ng katawan ni Claud ang katawan nito ay sapat na parin iyon para magmukhang matipuno ang dating nito. Napakalakas ng dating niya, kung ire-rate ang tatlo.. siya ang pinakauna, pangalawa si Claud at huli naman si Tron. Napakabait din ni Drix, thoughtful, caring at malaki ang respeto sa babae. Mga katangiang talaga naman magugustuhan ng kahit sinong babae.

Pero sa nakikita ko, malaki ang gusto ni Drix kay Hera. Tama sila Rom, mala-anghel ang ganda nito. Kung ire-rate kaming tatlo, isama mo na si Rae ay si Hera ang mangunguna. Pangalawa si Rae, pangatlo si Rom at sure akong panghuli ako. Magaganda sila, samantalang ako tamang cute lang.

Well, that's 100% true, btw. *sighed*

Nang una kong makita si Hera ay agad na naalala ko ang babaeng madalas mapanaginipan ni Drix. Kahit diko na tanungin ito ay natitiyak kong si Hera ang babaeng nasa panaginip niya base sa kaniyang description dito sa tuwing kinukwento niya ito sa amin. Hindi ko lubos maisip na ganon pala kaganda ang babaeng tinutukoy niya. Ngunit mas hindi ko lubusang maisip na magiging kaklase pa naman ito.

Napahanga din ako sa angking talino ni Hera. Walang nakakalamang kay Rae, dahil ito ang madalas nangunguna sa klase pero nagulat ako sa nangyari kanina.. nahigitan ni Hera ito, nakakabilib!

Since elementary ay gusto na ni Drix si Rae, ganon ang mga tipo niya sa babae na hinding hindi niya matatagpuan sa katauhan ko. Hindi ako sing talino ni Rae at ni Hera. Kung sila ang nangunguna, ako naman ang laging nangungulelat. Masipag akong mag-aral ngunit hindi iyon nagiging sapat.

"Sige." Nakangiting tugon ni Hera dahilan para magsalubong ang mga kilay ko.

Bakit pumayag ka? Tss.

Gusto mo rin ba si Drix??

"Mag-iingat kayo.. Tron, Rom, Claud.." si Drix. Nilingon ko ito.. "Nikka, ingat ka." Nakangiting usal nito. Napangiti ako ng bahagya. "Thanks, ikaw din.. ingat.. 'kayo". Pinagkadiinan ko ang huling sinabi ko. Andon ang pait sa pagkakasabi ko nun. Pero walang nagbago sa reaksyon ni Drix. Nakangiti parin itong bumaling kay Hera at kita pa naming inalalayan siya nito papasok sa sasakyan. Ganon din naman si Rom at Tron na mabilis nagpaalam at umalis. Naiwan naman kami ni Claud.

Napabuntong hininga pa ako. At naglakad patungo sa kotse ni Claud na tila may panghihinayang at nanlulumo.

"Minsan mas magandang harap-harapan kang masaktan.." si Claud, napalingon ako sa seryosong sinabi nito. Nakatingin ito sa kawalan. Takang pinakatitigan ko naman ito. "Mas madaling tanggapin na hanggang dito ka lang, kesa umasa ka sa mga bagay na walang kasiguraduhan." At nagpakawala ng malalim na hininga at bumaling sakin. "Let's go? Ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka."aniya at pinagbuksan ako ng pinto, agad din naman akong sumakay at nagkibit balikat na tila walang narinig..

Ano bang ibig niyang sabihin?

Agad din itong sumakay at pinaandar ang kotse. Nanatiling tahimik si Claud hanggang makarating kami sa tapat ng bahay. Hindi ito tumitingin sa mga mata ko gaya ng nakasanayan.

Ramdam kong nasaktan ko ito sa inasta ko kanina ngunit parang kakaiba naman.. ngayon ko lang nakitang ganito siya.

Weird.

"Mauna na ako. Goodnight nikka." Aniya at mabilis akong tinalikuran. Pasakay na siya sa kaniyang kotse ngunit agad ding natigilan ng hawakan ko ang kamay niya. Tumingin sya sa kamay niyang hawak hawak ko pa at saka nag-angat ng tingin upang magtama ang aming mga mata. "May problema ba tayo?" Malungkot na tanong ko.

Ngumiti ito ng bahagya."Walang problema.. dahil walang 'tayo". Andon ang diin sa huling sinabi niya kaya naman bahagya akong nagitla. "Claud.." mahinang tawag ko dito. "I'm fine niks. Pumasok kana. Rest well." Aniya at mabilis na lumapit para halikan ako sa noo.

Napapikit ako sa sandaling iyon at dumilat din ng kusa niyang alisin ang labi sa aking noo.. ngumiti ito pero halatang pilit at saka sumakay sa kotse. Sinundan ko pa ng tingin ito hanggang sa makalayo, at doon napabuntong hininga na lang ako.

I'm sorry Claud..

Doon ko muling inisip ang paghalik niya sa aking noo.. pero wala akong maramdamang kakaiba doon. Wala man lang kahit kaba, o pagkailang. Mas lalong wala akong naramdamang saya sa mga sandaling iyon.

Wala talaga..

To be continued..

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon