Hendrix Fontanilla

26 0 0
                                    

Balisa akong tinatahak ang isang hindi pamilyar na  eskinita kung saan kita nakita. Nahihirapan akong hanapin ka dahil napapalibutan na ng dilim ang buong kapaligiran. Tanging mga poste nalang nang ilaw sa daan ang nagbibigay liwanag, ngunit hindi iyon nagiging sapat para mahagip ka ng aking mga mata.

Panay ang lingon ko sa aking kaliwa, kanan, harap at likuran. Naiinis ako sa aking sarili sapagkat kanina pa ako naglalakad, tumatakbo ngunit hindi parin kita matagpuan. Bagsak ang aking mga balikat na nakatingin sa isang bench na katabi ng isang poste ng ilaw. Agad kong tinungo ang bench na aking nakita at naupo. Iginala ko ang aking mga mata at doon ko lang napagtantong walang ibang tao roon bukod sa akin. Malalim na ang gabi ngunit heto ako at wala sa sariling pagala-gala at hinahanap ka.

Nasapo ko ang aking noo at panay ang buntong hininga.

"Nasaan kana?" Wala sa sariling tanong ko at pabagsak na isinandal ang aking likuran sa bench.

Sino nga ba ang hinahanap ko sa ganitong oras ng gabi? Nagpapakapagod akong hanapin ang taong hindi ko naman alam kung sino? Nagsasayang ako ng oras sa kakahanap sa taong hindi ko alam kung totoo..

Nanlumo ako sa aking naisip. Ano nga ba ang ipinunta ko rito? Sino bang hinahanap ko?

Ilang minuto pa akong nanatili sa lugar na iyon. Nakakamangha ang katahimikan. Napakagandang tingnan ng kalangitang nagniningning dahil sa napakaraming bituin sa kalawakan.

"Oh!" Bulalas ko sa aking sarili.

Shooting star.

Napakaganda at hindi inaasahan. Agad akong napaisip at nagdasal ng makita ang bulalakaw.

"Sana makita na kita." Ang tanging nasambit ko. Nakatingala at nakangiti ako sa kawalan ng mga sandaling iyon at nagpasyang aalis na kaya naman agad akong tumayo. Ngunit diko pa man naihahakbang ang aking mga paa ay agad na akong natigilan ng makita ang isang imahe ng babaeng nakatayo sa aking harapan.

Maganda. Maputi. Straight ang buhok nito, sa tantya ko ay hanggang bewang ang haba ng buhok nito ngunit hindi mo makikita ang kabuuan ng kaniyang mukha dahil halos matakpan ng bangs ang mga mata nito. Hindi rin ito katangkaran. Sapat lamang ang taas nito para sa kaniyang pangangatawang hindi man katabaan ay hindi rin naman kapayatan. Sakto lang! Black T-shirt na plain ang pang itaas nito at ang laylayan ay nakatuck-in sa white skirt na above the knee, at adidas rubber shoes na color white naman ang sapatos nito . May dala rin itong backpack na nakasumbit sa isang balikat nito. Ngunit mas pinukaw ang atensyon ko ng kanyang kwintas na bigla nalang kuminang ng tapunan ko ng tingin.

Nahihirapan akong hulaan kung ano ito dahil sa sobrang dilim. Pilit kong inaaninag ito ngunit bigla nalang ito nagiging blangko sa paningin ko. Hindi ko mabasa ang nakasulat. Natitiyak kong salita ito base sa haba ng nakasabit sa kanyang kwintas.

Sa sobrang kuryosidad, ay akma kong lalapitan ang babae ngunit bigla itong tumalikod at mabilis na tumakbo papalayo. Hahabulin ko na sana ito ngunit agad din akong napahinto ng may matapakang kung anong bagay. Nilingon ko munang muli ang babae ngunit parang bula itong mabilis na nawala. Nang hindi ko na makita ang babae ay doon ko lang tinignan ang bagay na natapakan ko..

"Bubble gum?" Singhal ko.

》》》

KNOCK! KNOCK!!

KNOCK! KNOCK!!

Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Panaginip lang pala." Napabuntong hininga ako matapos sambitin un.

Agad akong tumayo at tinungo ang bukana ng kwarto ko, pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Manang.

"Drix, iho.. anong oras na. Kanina pa ako kumakatok sa pinto mo ano ba't ang hirap mong gisingin?" Si manang.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon