Part 14

5 0 0
                                    

DRIX's POV

"Class, this is Mr. Frederick Buenaflor. Siya ang isa sa magiging hurado natin sa nalalapit na sport fest." Aniya ni Mr. Serrano.

"Goodmorning everyone."

"Goodmorning Mr. Buenaflor." Tugon namin.

"Just call me, Fred. Nakakatanda ang Mr. Buenaflor. In fact, 4 years lang naman ang pagitan ng mga edad natin. Hahaha."

Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko maging ang aming prof.

"So, Mr. Buenaflor what brings you here? Akala ko sa mismong sport fest ka magpupunta?"

"Gusto ko lang makita ang school niyo Mr. Serrano. Nabalitaan ko rin na marami ang transferees niyo this year."

"Ah.. oo. Full loads na kaming lahat. Kaya imbes na gumawa ng panibagong section, mas pinili naming mag add nalang ng 5 students kada section."

"Oh, I see.." bumaling ito ng tingin sa gawi nila Hera. "Sila ba yung mga transferees?"

"Yes Mr. Buenaflor."

"May I know your name?" Biglang tanong nito. Si Hera ang tinutukoy. Gulat namang tumayo si Hera. "What's your name?" Nakangiting tanong niya.

Nananatiling tahimik si Hera. Sinamaan din niya ng tingin si Fred.

Umiling pa si Fred. "Mukhang masungit ang isa sa mga transferee mo Mr. Serrano." Natatawang aniya nito.

Bumaling ang prof namin kay Hera. "Miss Santillan.. introduce yourself."

"You already said my surname. I think that's enough." Mataray na asik ni Hera.

"Anong problema nun?" Biglang bulong ni Tron sa akin. Nagkibit-balikat naman ako.

"Hahaha. Mukhang may ibubuga ang isang 'to Mr. Serrano."

"Ah.. I-i'm sorry Mr. Buenaflor." Nahihiyang aniya ni prof. Muling bumaling kay Hera. "Miss Santillan, I'm warning you."

Nakaramdam naman ako ng kaba. Tinignan ko si Hera ngunit masama ang tingin nito sa kanila.

"Are you threatening me, Sir?" Sarkastikong aniya habang nakangisi pa.

"Miss Santillan!!" Singhal ng prof namin rito.

"Hindi lang ako nagpakilala, wa-warningan mo na ako? Alam mo bang hindi valid ang rason mo para warningan ako? Kahit saan tayo magpunta, ikaw ang magiging dehado." Nakangising aniya.

Nanlalaki naman ang mata ng aming prof. Tila hindi makapaniwala sa asal ni Hera.

Anong nangyayari sayo?

Nag-aalala ako sa ikinikilos at inaasta ni Hera. Bakit bigla na lamang nagkaganito ito? Bakit hindi niya magawang magpakilala sa Fred na 'to?

"Ganyan kaba talaga ka interesado sa pagkatao ko?" Bumaling ito kay Fred. "Sasamantalahin mo ang pagkakataon upang makilala lang ako. Sa tingin ko kasi, kilala mo naman na ako." Ngumisi ito at pinagkrus ang mga braso. "Akala ko ba sa susunod na magkita tayo, ako na mismo ang kikilala sayo? Pero bakit parang hindi parin naman ako interesadong alamin yung pagkatao mo?" Sarkastikong tanong nito.

Magkakilala ba sila?

Ngumiti naman yung Fred. "Akalain mong natandaan mo pa yung sinabi ko. Osige, bibigyan kita ng rason para kilalanin ako, primero." Nakangising asik nito.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon