Vigilance

5 0 0
                                    

HERA's POV

(Vigilance o pagbabantay)

Mula sa West African Adinkra Symbol ang simbolong nasa larawan ng mga ito. Kung ganon, mga taga kanluran ang mga kalaban namin.

Nabuhayan ako sa aking nalaman. Natitiyak kong marami akong impormasyong makikita sa bahay ng mga ito.

"Ang ganda ng family picture nyo." Ani ko kay Drix.

"Ah.. sila ang parents ko. Sa picture mo nalang muna sila tignan. Bihira kasing manatili dito sa bahay ang parents ko."

"Ha? Bakit naman?"

"Busy sila palagi sa trabaho."

"Ano bang trabaho nila?"

Natigilan si Drix sa aking tanong. Tila nag-iisip pa ng isasagot sa akin. Natitiyak kong may nalalaman ito.

Magsasalita na sana ito nang biglang dumating si Manang. "Narito na ang pagkain niyo. Mabuti pa kumain na muna kayo."

Wrong timing! Tsk!

"Thanks manang." Si Drix.

"Sige. Kumain kayo ng marami. Tawagin nyo lang ako pag may kailangan pa kayo." Yun lang at umalis na ito.

Bumaling naman si Drix sa akin. "Masarap magluto ng adobo si Manang." Nakangiting aniya. Ipinagsandok ako ng pagkain.

"Salamat." Tugon ko, at nagsimula na kaming kumain. Naging tahimik ang sandaling kumakain kami. Maya-maya lang ay natapos kami. Naisipan naming simulan na ang gagawin.

"Ano nga ulit ang topic natin?" Tanong ko rito.

Kinuha nya ang bag at inilabas doon ang papel na nabunot niya kanina.

"Negative impact of lifestyle choices on health. Tungkol sa smoking."

Tumango ako. "Madali lang pala."

"Oo nga e. Alam mo bang ayoko sa usok ng sigarilyo?" Biglang aniya. Ngumiti ito. "Nung bata ako ay muntik na akong magka lung cancer. Mabuti na lamang at naagapan."

"Bakit? Naninigarilyo kaba dati?"

"Hindi. Pero yung second-hand smoke, yun yung naging reason kung bakit muntikan na akong magka lung cancer."

"Secondhand smoke is the combination of smoke from the burning end of a cigarette and the smoke breathed out by smokers. So, sino sa pamilya niyo ang naninigarilyo?"

"Si dad." Seryoso itong tumingin sa akin. "Nung ma-ospital ako at madiagnosed na may sakit, at pwedeng mauwi sa lung cancer ay doon lang sya huminto ng paninigarilyo."

"Once na may nanigarilyo sa isang kwarto. 4-6 hrs ang itinatagal ng usok nito rito. Naghihintay lamang ng taong lalanghap nito. Alam mo ba 'yon?"

"Nung una'y hindi ko alam. Pero kinalaunan, ipinaliwanag ng doctor sakin at doon nagkaroon na ko ng kaalaman. Pero kahit na hindi natuloy at naagapan ang sakit ko upang hindi maging lung cancer, ay may isang bagay akong habang buhay ng dala-dala matapos iyon."

Taka kong nilingon ito. "Ano naman 'yon?"

"I have severe asthma.. wala nga akong lung cancer pero naging asthmatic naman ako kaya hindi ako pwede sa mga usok dahil mabilis nitong nati-trigger ang sakit ko. Konting usok lang ang malanghap ko, kahit galing pa yan sa barbecue na iniihaw, inaatake na kagad ako ng asthma. That's why, I always bring my inhaler." Nakangiting aniya, habang ipinapakita ang kaniyang inhaler sa akin.

SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon