Bumagsak ang panga ko. Maang akong napatitig sa lalaking nasa harapan ko. Kalaunan ay ilang beses akong napapikit para lang ibalik ang kaluluwa sa aking katawang lupa. Bukod sa sinabi niyang iyon, hindi ko naiwasang purihin siya sa utak ko.
Matangkad ang lalaki, matipuno ang katawan at halos manuot sa ilong ko ang pabangong ginamit nito. Sobrang bango.Napalunok ako, ilang sandali nang mapapitlag ako. Kaagad kong ikinunot ang noo, kasabay nang pagtataas ko ng kilay dito. Una sa lahat, sino ba siya para hatakin ako ng walang pasabi? Pangalawa, sinong nagbigay sa kaniya ng karapatan na pagsalitaan ako ng ganoon? Hiningi ko ba?
"Who the fvck are you?" giit ko sa mababa at madiing boses, pero sapat na rin naman na upang umabot sa pandinig niya.
"Hindi ba ay galit ka sa mga taong kabit?" Tumagilid ang ulo ng lalaki, tila pa nang-uuyam. "Sa ginagawa mo, parang hindi rin ka rin naiiba sa kanila."
Pagak akong natawa.
"Kailan ko pa hiningi ang opinyon mo?" maanghang kong palatak at saka pa siya tinulak, pero ako pa itong napaatras sa laki at tigas ng kaniyang katawan.
Muli ko siyang tinitigan. Nanlalabo ang paningin ko at hindi ko siya ganoon ma-visualize. Tanging katawan lang nito ang tinatanggap ng utak ko. Literal na umiikot ang mundo ko. Ni hindi ko na magawang tumayo nang tuwid at panay ang paggewang ko mula sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung malaking tulong na ba sa akin na hawak ng lalaki ang isang braso ko at hindi ako tuluyang natutumba. Ngunit sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya ay nasasaktan ako, dama kong bumabakat ang mga daliri nito sa aking balat.
"Umuwi ka na sa inyo," malamig niyang bigkas, natawa ulit ako.
"Sino ka ba sa inaakala mo? Masyado kang pakialamero. Uuwi ako kung kailan ko gusto," anas ko at tinangkang hawiin ang kamay niya ngunit mas humigpit iyon.
Napatili ulit ako nang kaladkarin niya ako palabas ng bar. Panay ang sigaw ko, pero may kaniya-kaniyang mundo ang mga tao sa loob ng bar kaya wala silang naging pakialam sa akin. Kahit siguro kidnapper ang lalaking ito ay walang tutulong sa akin.
The fvck.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa pisngi ko. Walang hiya! Hindi ko rin alam kung saan ako umiiyak, kung anong rason— sa katotohanan bang wala akong kakampi kahit dito sa bar, o dahil sa sinapit ng pamilya ko? God damn it!
Mabigat ang dibdib ko. Halos hindi na ako makahinga at sobrang naghihinagpis ang kalooban ko. Kahit kailan, kahit sa kabilang buhay pa 'yan, never kong matatanggap ang bagong boyfriend ni Mommy. Magmakaawa man siya, lumuhod, umiyak ng dugo, mananatiling hindi ang sagot ko.
Hindi ko sila tatanggapin dahil sa kaparehong rason kung bakit nasira ang pamilya namin. Galit ako sa mga kabit, mapababae man o lalaki. At sinusumpa ko na oras na makita ko ang babae ni Daddy ay hinding-hindi ko siya palalampasin.
Lahat ng anak o kamag-anak ng babae niya ay makakatikim ng galit ko. Maging ang lalaki ni Mommy. Ibabalik ko sa kanila iyong sakit na naramdaman ko. Rebelde na akong maituturing, bakit hindi ko pa sasagarin 'di ba? Damay-damay na 'to.
"Bitawan mo na ako," kalaunan ay bigkas ko nang tumigil kami sa parking lot ng bar. "Uuwi ako. Tumabi ka."
"Lasing ka, paano ka makakapagmaneho?" usal ng lalaki na sobrang nagpapapigtas sa litid ko at gusto ko na siyang sampalin.
Sa totoo lang ay maikli lang ang pasensya ko, baka hindi lang masasakit na salita ang sapitin niya sa akin. Hindi ako naturingang warfreak sa school ng walang dahilan.
"Ano bang pakialam mo? Fvck! Just leave me alone, you fvckin' son of a bítch! Kung maaksidente o mamatay man ako ay wala ka na roon!" Marahas ko siyang itinulak, saka pa madaling tumalikod.
BINABASA MO ANG
One Roof with my Step-brother (SPG)
Художественная прозаMeeting his step-brother is not easy for Aliyah Denice Ventura. Her heart was full of anger, hatred and deception. And she will never accept the fact that he will be with her under the same roof. But fate is just too playful. How can a mistake be r...