Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang iyon, o mahihiya dahil sa naging posisyon namin sa hagdan. Dali-dali pa akong gumalaw para makawala sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon at dere-deretsong umakyat sa taas.
"Whatever!" pahabol kong sigaw.
Isinarado ko ang pinto sa kwarto at pumasok naman sa loob ng banyo upang magbanlaw. Natuyo na ang katawan ko, kaya ngayon na nabasa ulit ako ay panibagong lamig na naman ang naramdaman ko.
Wala pa sa sarili nang dumapo ang kamay ko sa dibdib kong nahawakan ni Haris. Nahigit ko ang hininga ko. Animo'y may kuryente pang dumaloy sa kabuuan ko at bigla akong nag-init. Dinaig ko pa iyong kamatis sa sobrang pamumula ng mukha.
Holy fvck...
Imbes na nahimasmasan na sana ako dahil sa lamig ng tubig ay lalo lang nag-init ang katawan ko. Bumuntong hininga ako at saka mariing ipinikit ang mga mata. Tumingala ako sa shower head para mas lasapin ang lamig ng tumutulong tubig, pero sadyang hindi lang nito kayang tumbasan ang nag-iinit kong katawan ngayon.
Mabilis kong pinatay ang shower. Marahas kong inihilamos ang dalawang palad sa mukha paangat at pababa naman sa basa kong buhok. Piniga ko iyon bago inabot ang puting bathrobe sa gilid.
Mula sa sink ay doon na ako nagpatuyo ng buhok ko gamit ang blower. Maingay sa loob ng banyo na hindi ko na nagawang mapakinggan ang pagpasok ni Haris sa kwarto. Kaya sa paglabas ko ay literal na pati ang kaluluwa ko ay nilayasan ako.
Nanlaki ang mga mata ko at gulat na gulat siyang sinundan ng tingin. Lumapit ito sa study table ko, naghila ng upuan at walang lingun-lingon na naupo roon. Hindi pa niya ako nakita sa ganoong ayos.
"Get ready, Aliyah. Huwag na natin itong patagalin dahil mag-aaral din ako mamaya," panimula niya habang inaayos ang pinahiram na notes sa table.
Malakas akong bumuga sa hangin, kasabay nang pag-irap ko. Tinungo ko na rin ang pwesto niya. Padabog pa akong naghila ng upuan at inilapit sa pwesto niya. Roon lang din niya ako tiningala.
Nakita ko ang saglit na pagnganga niya. "Hindi ka ba muna magbibihis?"
"Akala ko ba ay ayaw mong patagalin ito? Ito na nga, heto na, kaya 'wag ka nang magreklamo riyan," palatak ko.
Mariin niya akong tinitigan. Nagtaas naman ako ng kilay habang pinagmamasdan kung paanong bulgar na nagtataas-baba ang kaniyang adams apple. Kalaunan nang mapairap ako at madali siyang tinalikuran.
Tinungo ko ang malaking wardrobe ko at dahil gabi naman na ay pinili ko iyong sleepwear ko. Nighties iyon, satin ang tela at pula ang kulay. Ang laylayan nito ay umabot sa gitna lamang ng hita ko. Ganito naman madalas ang suot ko kapag gabi. Minsan nga ay wala pa akong saplot.
Dagli kong nilingon si Haris mula sa pagitan ng leeg at balikat ko. Pinapanood niya ako. Napangisi ako. Dahan-dahan naman noong kalasin ko iyong bathrobe ko, siyang mabilis niyang pag-iwas ng tingin. Tinalikuran niya ako at minabuting pagtuunan ng pansin ang librong nasa harapan niya.
Napanguso ako, kasabay nang pagkibit ng balikat ko. Hindi na ako nagtago at doon na ako nagbihis. Mukhang wala rin namang balak si Haris na silipan ako. Natawa ako sa kawalan. Kagaya nga ng sinabi ko, loyal siya kay Larisa. Kung kami man dalawa siguro ang matira sa mundong ibabaw, mamamatay na lang siguro siyang tigang.
Hindi nagtagal nang bumalik ako sa pwesto ni Haris. Maagap niya akong tiningala. Saglit pa niyang pinagmasdan ang suot ko. Wala akong suot na bra at panty. Kampante ako dahil wala naman akong epekto sa kaniya. Kita mo nga't nakapa na niya kanina ang dibdib ko, pero heto at makapal pa rin ang mukha niyang humarap sa akin.
Biglang nag-init ang batok ko nang maalala iyon. Bago pa man din mapunta sa kung saan ang utak ko ay padarag na akong naupo sa gilid ni Haris. Pinilig nito ang ulo at madaling ibinaling ang atensyon sa harapan niya. Nagbuklat-buklat siya roon.
BINABASA MO ANG
One Roof with my Step-brother (SPG)
Художественная прозаMeeting his step-brother is not easy for Aliyah Denice Ventura. Her heart was full of anger, hatred and deception. And she will never accept the fact that he will be with her under the same roof. But fate is just too playful. How can a mistake be r...