"I am so happy!" patuloy na pahayag ni Mommy habang pumapalakpak din siya, hinarap niya si Benjamin. "Thank you, honey. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko."
Niyakap ni Mommy si Benjamin, kitang-kita ko ang pagmamahal nito sa lalaki niya. Good for her, na nakita na niya ang taong magpapasaya sa kaniya, ng taong magbibigay sa kaniya ng kalinga at atensyon.
Samantalang ako, heto at nangangasim ang mukha habang pinagmamasdan silang dalawa. Gusto kong masuka. Panay ang irap ng mga mata ko sa ere. Sina Haris at James naman ay nakatanaw sa akin.
Alam nila kung gaano ako nandidiri sa relasyon ng aming magulang, tipong gusto kong baliktarin itong lamesa para lang matigil sila. Tuluyan na akong nawalan ng ganang ipagpatuloy ang pagkain ko at kahit hindi pa ako tapos ay lumabas na ako.
Iniwan ko silang nakatulala sa akin. Wala na rin akong narinig na tutol galing sa kanila kaya umakyat ako sa kwarto ko at doon nagkulong. Marahas akong bumuntong hininga at halos hindi malaman ang gagawin.
Gusto kong umalis ng bahay at gumala, hindi ko nga lang alam kung saan ako pupunta. Kung sa Bottle Ground naman ay paniguradong masusundan ako roon ni Haris. Lalo pa ni Anthony at baka magpang-abot naman kami ng away doon.
Ilang beses akong napamura nang ilang beses din akong babaan ng tawag ni Precy. Pagak akong natawa. Wala na ba siyang mahuthot sa akin at hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko? Ni hindi rin siya nagpaparamdam.
Nahilot ko ang sentido. Pabagsak akong naupo sa sofa at kinuha ang men's magazine sa center table. Nagpalipas ako ng oras doon. Nang maburyo ay tumayo ako at muling lumabas ng kwarto.
Hindi talaga pwede na hindi ako gumagala at hindi natatahimik ang kaluluwa ko sa isang lugar. Sa hallway mula sa second floor ay saglit akong napahinto sa paglalakad bago nilingon ang pinakahuling pinto na siyang kwarto ni Haris ngayon.
Umangat ang sulok ng labi ko, kapagkuwan ay walang anu-anong tinahak ko ang daan palapit doon. Pinihit ko ang doorknob, since hindi naman iyon naka-lock ay hindi na rin ako kumatok. Deretso ko iyong binuksan.
Kaagad kong hinanap si Haris at nakita ko ito na nakaupo sa kaniyang kama. Nakasandal siya sa headboard habang ang cellphone ay nakadikit sa isang tainga niya. Nagtaas ako ng kilay dito. Samantala ay nagsalubong naman ang dalawang kilay niya.
Hindi ko siya pinansin, hindi rin naman siya nagreklamo sa biglaan kong pagpasok sa kwarto niya. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Medyo madilim dahil sa nakasarang kurtina mula sa bintana ng kwarto.
Madali ko iyong hinawi at saka siya nilingon. Napanood ko ang lalong pagkahulas ng emosyon sa mukha niya, rason para matawa ako. Hindi siya nagsasalita, bagkus ay sinusundan lang niya ng tingin ang bawat hakbang at ginagawa ko.
"Sure," buntong hininga niya sa hangin.
"Si Larisa ba 'yan, Haris?" pukaw ko, kahit hindi siguro ako magtanong ay obvious namang si Larisa ang katawagan niya.
Lumapit ako sa bookshelves nito at nakita roon ang napakaraming libro. Hinawakan ko ang isa roon, binuklat at saglit na binasa. Nang walang maintindihan ay ibinalik ko ulit. Pinagpagan ko ang mga palad.
"I'll call you back." Dinig kong sambit ni Haris sa kausap. "Yeah... yup..."
Napangiti ako. Dahan-dahan nang magtungo ako sa balcony nito. Hinawi ko rin ang kurtina at saka binuksan ang pinto. Mula naman sa bulsa ng shorts ko ay inilabas ko roon ang isang stick ng sigarilyo at lighter.
Tangkang sisindihan ko iyon nang mabilis iyong tumilapon at nalaglag mula sa ibaba. Nanlaki ang mga mata ko. Napahawak ako sa railings at dinungaw iyon. Ilang sandali nang marahas kong binalingan si Haris.
BINABASA MO ANG
One Roof with my Step-brother (SPG)
General FictionMeeting his step-brother is not easy for Aliyah Denice Ventura. Her heart was full of anger, hatred and deception. And she will never accept the fact that he will be with her under the same roof. But fate is just too playful. How can a mistake be r...