Chapter 10

904 68 19
                                    

Seryoso ba siya? Iyan talaga ang pinunta niya rito sa building namin at hindi ang girlfriend niyang si Larisa? Gustong pumalakpak ng tainga ko, pero ngayon na nabubwisit ako sa kaniya ay sadyang hindi ko magawa.

Like, bakit ba ang daming problema ng mga tao sa akin? Ano bang pakialam nila?

Akala mo kung sino. Tumira lang sa bahay namin, nabigyan lang ng karapatan ni Mommy na bantayan ako ay halos hindi na yata ako maiwanan.

Iyong sarili ko ngang ama, ni magparamdam o kumustahin ako ay hindi magawa. Iyong sarili ko ngang pamilya ay binabaliwala ako, sila pa na hindi ko naman kadugo?

Totoo na gusto kong matuwa ngunit nakakagalit na bakit kailangan na sa iba ko pa mararamdaman iyong kalinga na gusto ko? Bakit sila... may pakialam sa akin? Bakit sina Mommy at Daddy ay wala?

Marahas kong isinarado ang pinto sa kotse ko. Kasabay nang pagsinghap ko. Muling nag-ring ang cellphone sa hand bag ko. Malamang si Anthony na naman iyon. Nakailang missed call na siya.

Huminga ako nang malalim bago inabot ang cellphone. Marami na siyang iniwang text.

‘Nasaan ka na? Nandito na ako sa Bottle Ground. Deretso ka na lang dito.’

‘Kanina ka pa dapat nakalabas, right?’

‘Where are you?’

‘Answer your damn phone, babe.’

Marami pa siyang text na hindi ko na talaga binasa. Mayamaya lang ay nag-ring ulit ang cellphone ko, si Anthony.

Hindi ko na sinagot, hindi ko na rin siya pinuntahan sa meet up namin. Nawala na ako sa mood. Hindi ko na kayang makipag-date pa. Bwisit kasi na Haris, masyado namang pinangatawanan ang pagiging step-brother sa akin.

Marahas kong hinampas ang manibela. Nasa parking pa ako ng school. Naroon lang ako sa nagdaang oras hanggang sa tuluyang magdilim ang langit. Inabot na ako ng alas siete at doon pa lamang ako umalis.

Ngunit imbes na dumeretso ng uwi ay saglit pa muna akong tumambay sa labas ng Bottle Ground. Wala naman akong balak na uminom ngayon at maglasing. Ayoko lang talaga na umuwi sa bahay.

Malamang din ay nakauwi na si Anthony kaya malakas ang loob ko na dumayo rito. Bukas ko na lang haharapin ang galit niya. Kahit mag-wrestling pa kaming dalawa.

Ipinikit ko ang mga mata habang yakap-yakap at nakayuko sa manibela. Madilim sa loob ng kotse kaya hindi naman din ako napapansin ng mga taong dumaraan sa gilid. Gusto ko sanang umidlip ngunit maya't-maya ang pag-ring ng cellphone ko.

Si Anthony ulit panigurado.

Nagdaan pa ang ilang oras. Ang patulog ko na rin sanang diwa ay biglang nagising nang makarinig ng katok mula sa bintanang nasa gilid ko. Unti-unti kong ipinilig ang ulo upang harapin ito habang nananatiling nakayuko pa rin sa manibela.

Madilim man din ang labas, sobrang liwanag  naman ng buwan na siyang nagsisilbing ilaw sa madilim na parteng iyon ng Bottle Ground parking. Naaninag ko ang mukha ni Haris. Pilit niya akong tinatanaw mula sa loob, since tinted ang bintana ng kotse.

Dahan-dahan na nangunot ang noo ko. Kahit saan na lang yata ako magpunta ay talagang susundan ako ng lalaking 'to, ano? Binabayaran ba siya ni Mommy? Grabe at sobrang dedicated naman niya sa trabaho.

Matagal ko siyang tinitigan mula sa labas. Kagaya pa rin ng Haris na nakilala ko, malamig ang expression at parang robot. Kaya hindi ko alam kung bakit nandito siya na animo'y nag-aalala sa akin.

Pagak akong natawa. Kalaunan nang buksan ko rin ang pinto habang nasa ganoon pa rin akong posisyon. Kaagad na bumaba ang mariin niyang paninitig sa mga mata ko. Saglit niya akong pinag-aralan.

One Roof with my Step-brother (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon