Tangina!
I fvckin' knew it! Wala pa man siyang sinasabi, o hindi man niya ako sagutin ng deretso ay siya talaga iyong lalaking naghatid sa akin dito sa bahay kagabi. Kaya malakas ang kutob ko— kaya gustung-gusto kong isipin na siya nga iyon. Kasi hindi naman talaga ako nagkakamali!
“Tinitingnan ko lang kung gaano ba kaganda ang bahay na iyan at diyan gustong tumira ni Daddy.” Animo'y sirang plaka at nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa utak ko.
Hindi ko na kailangan pa ulit na magtanong sa kaniya. I know my instincts were always right! Damn, Haris! Damn it!
Mabilis akong tumalima at hinarangan ito sa tangka niyang pagpasok sa gate namin. Iniharang ko rin ang dalawang kamay sa magkabilaan kong gilid habang nananatiling hawak ang mini hand bag ko. Naka-heels pa ako at para akong tanga.
Hell, hindi ko hahayaan na makapasok ang lalaking ito sa bahay namin. Una na ngang nang-trespass ang ama nito, hindi lang 'yon, pati si Mommy ay pinasukan din.
Tinitigan ako ni Haris. Masama na ang tinging ipinupukol ko sa kaniya ngunit baliwala iyon sa kaniya. Bagkus ay mas mariin kung tingnan niya ako, tila ba gustong takutin gamit ang mga mata niya.
But heck! Wala iyong epekto sa akin. Siya ang dapat na matakot sa akin dahil una at higit sa lahat ay pamamahay namin ito. Bahay namin ito! Kung tunay nga na titira siya rito, marapat lang na mas irespeto niya ang opinyon o ang nararamdaman ko.
"Mabigat itong buhat ko. Please, paraanin mo na ako," aniya at saka pa inayos ang pagkakabuhat sa malaking box na dala niya, mukha ngang hirap na hirap na siya, pero...
"Bakit ka ba kasi nandito?!"
"Sinabi ko na kanina, 'di ba? Hindi ka naman bingi para hindi iyon marinig. Hindi ka rin bulag para hindi makita kung ano itong ginagawa namin, right?"
OMG. The nerve!
Napalatak ako sa hangin. Umisang hakbang naman si Haris, pero lalo ko lang iniharang ang dalawang kamay sa gate.
"I will never accept it, Haris! Hindi pwedeng ikaw ang anak ng lalaki ni Mommy!" singhal ko sa pagmumukha niya.
"Too bad..." Humalakhak siya na lalong ikinagalit ko, halos maghimutok lahat ng litid sa leeg at noo ko. "At hindi lang basta lalaki ng Mommy mo si Daddy, any time soon, magpapakasal din silang dalawa."
"Say what?!"
"Ayaw mo man din o sa gusto, magiging step-brother mo ako. And since ako ang mas matanda sa ating dalawa, bahay niyo man ito, matuto kang irespeto ako. I do not tolerate that kind of behavior, Aliyah Denice," matigas niyang pahayag. "So please..."
Tumagilid ang ulo niya, sumenyas din na umalis ako sa harapan niya. Bumagsak naman ang panga ko sa sahig. Bigla akong nanlumo, na halos manghina ang mga tuhod ko. Isa pa sa kinaiinisan ko— bakit ba sa tuwing tinatawag niya ako sa buo kong pangalan ay iba ang epekto sa akin?
Hindi ko alam, tipong gusto kong magalit sa tuwing gano'n, pero may kung ano sa kalooban ko na nagugustuhan iyon.
"Haris!" Boses sa likod ko dahilan para sabay namin iyong malingunan ni Haris.
Mula sa loob ng bahay ay patakbong lumapit ang isa pang lalaki. Tantya ko ay mas matanda ito kay Haris, magkamukha rin sila. Sino 'to? Kapatid niya?
"James," bulalas ni Haris.
"Tinatawag ka na ni Daddy sa loob," sabi no'ng James kaya nagkaroon ng pagkakataon si Haris na makapasok sa gate.
Hindi ko na siya napigilan dahil huminto iyong James sa gilid ko. Mas matangkad siya kay Haris, kaya halos sumakit ang leeg ko sa sobrang pagtingala sa kaniya. Animo'y nanununtok din ang ginamit nitong pabango, literal na masakit sa ilong.
BINABASA MO ANG
One Roof with my Step-brother (SPG)
Художественная прозаMeeting his step-brother is not easy for Aliyah Denice Ventura. Her heart was full of anger, hatred and deception. And she will never accept the fact that he will be with her under the same roof. But fate is just too playful. How can a mistake be r...