Chapter 2

1.4K 88 23
                                    

Napilitan akong pumasok sa school kinabukasan sa sobrang pag-iwas ko kay Mommy. Ayoko siyang kausapin hangga't hindi nagbabago ang desisyon niyang sumama sa lalaki niya.

Galit pa rin ako at hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili ang galit sa puso ko, para bang sa araw-araw na nagdaraan ay purong galit na lang ang nananalaytay sa dugo ko. Hindi ko na magawang ngumiti, o kahit ibalik ang dating ako.

I used to be bubbly. Masaya na ako kahit sa maliit na bagay, ngayon ay naiirita dahil sa maliliit na bagay na iyan. I never asked for anything, or even asked for luxury. Sa buhay ko ay kuntento na ako. Wala na akong mahihiling pa dahil tunay na nasa akin na ang lahat. Mayaman, masagana at masayang pamilya. Naalala ko pang marami ang naiinggit sa akin dahil sa family background ko. Marami ang pumupuri.

Ngayon ay hindi ko na alam. Hindi ko inakala na ganito kalaki ang naging epekto sa akin nang panloloko noon ni Daddy, nang pag-alis at pag-iwan niya sa amin. It's been fvckin' three years. Nakalimot na sila't lahat, pero ako ay heto, nakakulong pa rin sa masalimuot naming nakaraan.

Ngayon ay si Mommy naman. Si Mommy naman ngayon ang dahilan kung bakit ako nasasaktan, parang double kill. Hindi ko matanggap. Kahit siguro mamuti ang buhok ko, hinding-hindi ko pa rin tatanggapin. Hindi ko kaya iyong kaalaman na parehong magulang ko ay may kaniya-kaniya ng pamilya habang ako ay maiiwang mag-isa.

Suminghap ako ng hangin. Inayos ko ang sarili. Dagli ko ring pinigil ang paghinga ko hanggang sa makalampas ako sa gate ng school kung saan ay namataan ako kaagad ng security guard, pero dere-deretso akong naglakad. May hangover pa ako simula sa dalawang gabi kong paglalagi sa bar. Hindi ako sigurado kung mukha rin ba akong lasing, o amoy alak ako. But nevermind.

Panigurado na hindi rin lilipas ang isang araw ko rito na hindi ako nadadala sa Dean's office. Wala namang bago. Pumapasok na nga lang marahil ako para may mai-record sa office nila. Pumapasok na lang ako para pagalitan, para paulit-ulit na pagsabihan. Pero wala, pasok sa isang tainga, labas sa kabila. Baka mag-cut class na lang din ako.

Wala sa sarili nang mapaismid ako. Kalaunan sa paglalakad ay napahinto ako. Mula sa Quadrangle, nakita ko si Larisa na nakaupo sa isa sa mga bench doon. Kasama nito ang kaniyang boyfriend, rason para lalong sumama ang timpla ng mukha ko.

Bigla kong naalala iyong isang beses na nagsalita siya laban sa akin;

“Mas valid pa ang pagiging broken family ko dahil patay na ang tatay ko. Eh, ikaw? Paano ang Daddy mo? Hindi ba't hiniwalayan niya ang Mommy mo at sumama sa ibang babae?”

Naging mainit na usapan dati sa school ang paghihiwalay nina Mommy at Daddy, lalo ang pagtataksil ni Daddy. Kaya kahit ang mga nerd at kagaya ni Larisa ay hindi hamak na alam din iyon. Nangingingit ako sa galit, gusto kong hatakin ang buhok niya at ingudngod ang mukha niya sa putik ngunit madali kong pinigilan ang sarili.

Kita mo nga naman kung papaanong bumaligtad ang mundo. Siya ang nanira sa akin noon, siya pa itong masaya ang buhay. May katotohanan man ang sinabi niya, pero ang kapal lang ng mukha na manggagaling pa iyon sa mismong bibig niya.

Really, huh?

Hindi maalis-alis ang galit ko sa kaniya. Mas dumoble lang ngayon. Umpisa pa lang ay mainit na talaga ang dugo ko sa kaniya. Kahit hindi siya magsalita, kahit wala siyang gawin, kumukulo na kaagad ang dugo ko. No wonder, may tinatago siyang kademonyohan. Santi-santita pala.

Wala ako sa mood na sugurin siya kung hindi lang din lumingon sa banda ko ang boyfriend niya. What is his name again? Ah, Haris. Isa sa mga Dean's lister, isa ring tagahuli sa akin sa Office of the Dean. Sikat nga pala ito, marami ang nagkakandarapa. Kung tutuusin ay papasa ito bilang boyfriend ko, ayaw lang manligaw. Paano at tibali na yata ni Larisa.

One Roof with my Step-brother (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon