Chapter 14

996 63 26
                                    

"Precy!" malakas kong sigaw dahilan para mapabalikwas ito ng upo, kamuntikan pa siyang mahulog sa sahig.

Mabibigat ang mga yabag na naglakad ako patungo sa pwesto niya kung saan kami madalas na tumambay kapag may free time kami sa school. Sa sigaw ko ring iyon ay saglit na tumigil ang mga tao sa bilyaran at mabilis na napalingon sa akin.

Kilala na ako rito, kahit no'ng may-ari. Tila VIP na nga ang turing sa akin dito, kaya noong dumaan ako sa kumpulan ay tahimik na nahati iyon sa gitna. Ingay lang na nagmumula sa heels ko ang umaalingawngaw sa kabuuan ng lugar.

Isama na rin ang malakas na pagtibok ng puso ni Precy dahil sa kaba kung tunay lang na naririnig ko iyon mula rito. Kitang-kita ko ang pagkakatigil ng kaniyang hininga, kasabay nang pag-awang ng labi niya.

Tumayo kaagad si Precy, hindi para salubungin ako ng yakap, kung 'di para depensahan ang sarili. Ngunit huli na at madali ko siyang pinatahimik.

"Alice—"

Sinalubong ko ng sampal ang isa niyang pisngi, rason para mapabalik ito ng upo sa stool. Nanlaki ang mata ng mga kasama niya, pati na rin ni Elias na kanina lang ay nakita kong kahalikan ni Precy.

Kaya pala hindi na sinasagot ang tawag ko, kasi tunay ngang nakuha na niya ang pakay niya sa akin. Hindi bagay o ano ang gusto niya, si Elias mismo na ex-boyfriend ko. Pagak akong natawa sa reyalisasyong iyon. Bakit ngayon ko lang iyon na-realize?

Hindi ko naisip kung bakit patuloy pa ring kumakapit si Elias sa akin noon. Dahil bukod sa mga bagay na nahuhuthot niya sa akin, iyon din pala ang mga pagkakataong nagkakalapit silang dalawa.

Matalim kong tinitigan si Elias. Itinaas lang nito ang dalawang kamay sa ere, animo'y isang suspek na sumusuko dahil nahuli siya on the spot. Sunod kong dinungaw si Precy na ngayon ay hawak-hawak ang pisnging sinampal ko. Namumula iyon sa tindi nang pagkakasampal ko sa kaniya.

Ngayon ko napatunayang hindi nga talaga ako matalino. Bobo na nga, tanga pa.

Akala ko kahit papaano ay iba si Precy sa mga dati kong kaibigan, na walang halong kaplastikan ang ipinapakita niya sa akin. Hindi rin pala. Kumakapit lang din siya dahil may kailangan ito sa akin, si Elias iyon.

"I can explain, Alice. Hindi kami ni Elias. I mean, we fvcked, yes, pero walang kami—"

Hindi ko na hinayaan pang matapos ang kung ano mang paliwanag niya. Hindi nito inasahan ang isa pang sampal na iginawad ko sa kabila niyang pisngi. Tuluyan nang nalaglag ang panga niya sa sahig.

Napakurap-kurap si Precy. Tangka ring hahawakan ako ni Elias nang mabilis kong iniiwas ang katawan ko sa kaniya. Mariin ko siyang tinitigan. Hindi na ako nagsalita at madali na silang iniwan doon.

Hindi naman din ako sobrang apektado. Hindi ako nanghihinayangan sa nabuong pagkakaibigan namin ni Precy dahil simula pa lamang, hindi naman kaibigan ang turing niya sa akin. Ganoon din sa relasyon namin ni Elias, o sa kahit sinong naging ex ko.

Hindi iyon big deal sa akin. Mas masakit pa rin iyong katotohanang iniwan ako ng sarili kong ama. So I wouldn't mind kung paulit-ulit din akong masaktan. That's life after all.

"So apektado ka pa rin?" maanghang na tanong ni Anthony nang mapag-isa kami sa Quadrangle noong break time.

Nakipagkita ako sa kaniya para rin sana mag-sorry sa hindi ko pagsipot. Tinanggap naman niya ang dahilan kong sumama ang pakiramdam ko. At ito nga, naikwento ko sa kaniya iyong nangyari at hindi ko inaasahan na ganito ang ire-react niya.

"Kaya siguro hindi mo sinasagot ang mga tawag ko dahil hinihintay mong tumawag sa 'yo si Elias, 'no? Hindi naman talaga masama ang pakiramdam mo."

What the fvck?

One Roof with my Step-brother (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon