Beat Larisa? Baliw ba ang lalaking 'yon?
Samantalang sa tuwing pinagtitripan at inaaway ko ang girlfriend niya ay galit na galit siya. Ngayon ay sasabihin niyang talunin ko si Larisa? Sa patalinuhan pa talaga? Eh, 'di rin hamak na talo na ako ro'n.
Nasa kaniya iyong brain.
Ako, beauty lang.
Oo sige, aaminin ko na isa iyon sa kinaiinggitan ko kay Larisa. Kaya hindi rin hamak na kaya niyang makipagsagutan sa mga bully niya. Tipong made-depress ka sa mga salita niya kapag pinatulan ka niya.
“Mas valid pa ang pagiging broken family ko dahil patay na ang tatay ko. Eh, ikaw? Paano ang Daddy mo? Hindi ba't hiniwalayan niya ang Mommy mo at sumama sa ibang babae?”
Naalala ko pa iyang mga katagang 'yan.
Pumutok noon ang balitang hiwalayan ng Mommy at Daddy ko sa buong school kung kaya ay hindi na rin kataka-taka na maging siya ay alam iyon. She knows how to talk back. Kagaya rin no'ng nangyari sa CR.
Kaya talagang inis na inis ako sa kaniya. Sa lahat ng taong gusto kong mawala sa paningin ko, siya pa rin ang pinakauna sa listahan. Pagak akong natawa, kapagkuwan ay nailing-iling sa kawalan.
Mabibigat ang mga yabag ko habang papasok sa classroom. Kaagad hinanap ng mga mata ko si Larisa at mula sa palagi niyang pwesto ay naroon siya. Maganda ang pagkakapostura ng katawan ni Larisa, straight body kahit nakaupo siya. Parang beauty queen.
Mahinhin at masinop ang bawat galaw niya. Tunay nga na hindi makabasag pinggan. Bumuntong hininga ako at napairap sa ere. Nakapalumbaba ito sa lamesa, nakatulala at animo'y malalim ang iniisip.
Hindi niya napansin ang paglapit ko. Halos mapatalon pa ito sa gulat nang pabagsak kong inilatag ang mga notes niya sa kaniyang desk. Muntik pa iyong mahulog, mabuti at maagap nasalo ng mga kamay niya.
Hindi pa ganoon karami ang tao at masyado pang maaga. Nasakto lang na maaga rin ako ngayong pumasok dahil ayokong maabutan ako ni Mommy, since pareho lang kami ng alis at inaasikaso niya ang sariling business.
"Alice..." buntong hininga ni Larisa.
"Sa susunod na magpapahiram ka ay ayusin mo naman ang sulat mo! Ang pangit!" nauurat kong palatak bago siya tinalikuran.
Napangisi pa ako at kagustuhan kong saktan ang sarili. Ayokong magpasalamat kaya iyon na lang ang nasabi ko. Ayokong malaman niya na malaking bagay para sa akin ang pagpapahiram niya ng notes.
Kahit papaano ay may naintindihan ako— ng kaunti. Well, thanks din kay Haris at napagtiyagaan niya ako kagabi. Kinaya niyang pagtiisan ang ugali ko. Pero ganoon pa man ay mananatili akong galit sa kanila.
Hindi ko pa rin tanggap na magiging step-brother ko siya. Same with Larisa, hinding-hindi ko matatanggap na magiging kaibigan ko siya. Never in my wildest dream! Ni magkalapit kami ay hindi pwede.
Dere-deretso akong lumabas ng room. Hindi ko pinasukan ang una at pangalawang klase ko. Tumambay lang ako sa labas. After lunch na ako nagdesisyong pumasok ulit sa school. Marami ang tao sa Quadrangle dahil doon ang tambayan ng lahat ng estudyante.
Habang naglalakad pa ay napadaan ako sa gawi ng ilang kalalakihan, kung saan grupo iyon ni Haris. Nakapalibot sila sa isang lamesa. Ang kaninang ingay ay biglang napawi. Siya namang hinto ko sa harapan nila at tinanaw doon ang isang lalaki.
"Akala ko ba ay may date tayo?" asik ko dahilan para manlaki ang mga mata ni Haris.
Nakita ko iyon mula sa peripheral vision ko. Mula naman sa malayong likod niya ay tumayo si Anthony. Patalon siyang bumaba galing sa pagkakaupo sa lamesa at patakbo akong nilapitan.
BINABASA MO ANG
One Roof with my Step-brother (SPG)
General FictionMeeting his step-brother is not easy for Aliyah Denice Ventura. Her heart was full of anger, hatred and deception. And she will never accept the fact that he will be with her under the same roof. But fate is just too playful. How can a mistake be r...