Chapter 6

978 77 12
                                    

Kinabukasan ay hindi ako nakapasok dahil masama pa rin ang pakiramdam ko. Gusto ko man, para rin sana makawala sa bahay na ito ngunit hindi ko magawang gumalaw nang maayos. Kahit ang pagbangon sa kama ay nahihirapan pa akong gawin.

Kaya sa buong maghapong dumaan ay nasa kwarto lang ako, nakahilata at nagbabasa ng libro. May isang katulong lang din ang naglalabas-masok para dalhan ako rito ng pagkain, o ng kung anu-ano pang mga bagay na hindi ko naman kailangan.

Mabuti rin at hindi naiisipang pumarito ni Benjamin, o kahit ng dalawang anak niyang sina James at Haris. Malamang din ay abala sila, posibleng pumasok si Benjamin at James sa kani-kanilang trabaho.

Si Haris naman ay sa school. Si Mama ay dumalaw na rito kanina, pero nag-anyo akong tulog para hindi siya magkaroon ng oras na kausapin ako. Sa ilang minuto na nandito siya ay nagtulug-tulugan ako, 'di naglaon ay umalis din nang maburyo.

Hindi na iyon nasundan pa at ayaw ko rin namang mangyari na magpang-abot pa kami rito. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin nang hindi nagagalit, o nang hindi siya sinisigawan.

Masama pa rin ang loob ko sa reyalisasyong dito na nga nakatira ang lalaki niya. Mas malala na malamang anak pa nito si Haris Abraham Martin. Hindi ko inakalang ganoon na kaliit ang mundo.

Iyong lalaking nakikita ko lang sa Dean's office sa tuwing napapatawag ako roon. Iyong lalaking wala naman talaga akong pakialam, kahit siya pa iyong boyfriend ni Larisa, turns out na magiging kapatid ko pa— magiging step-brother ko pa talaga.

Tila ba masyado akong ginigipit ng mundong 'to. Lahat ng sagabal sa buhay ko ay pilit na nakikisampid sa mundo ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar, o kung saan pa ako pupunta. Naisip ko na sana ay sumama na lang ako kay Daddy.

Higit sa lahat, parang hindi na rin si Mommy iyong dating kilala ko. Nag-iba na siya. Noon, kahit hindi ko siya nabibigyan ng pansin, kahit papaano ay inaalala niya ako. Ganoon naman talaga kapag magulang, hindi ba?

Anak muna bago ang iba, bago ang sarili nila. Pero marahil nga ay gano'n talaga. Dahil sa mga nararanasan nating sakit, unti-unti tayong nagbabago. Hindi natin namamalayan na hindi na tayo katulad ng dati.

Just like me. Iba na rin sa Aliyah Denice na may buong pamilya. Ito ako kasi wala na si Daddy. Naging ganito ako dahil sa nangyari. Pero sino nga ba ang dapat na sisihin?

Silang dalawa. If they were both satisfied with each other, there's no way we'd end up like this. Sila pa rin ang sinisisi ko.

Bumuntong hininga ako at marahas na isinarado ang libro. Saktong may kumatok sa pinto, inakala kong si Manang iyon kaya pinaunlakan kong pumasok. Mayamaya nang marinig ko ang mabibigat na yabag.

"What the hell are you doing here?!" kaagad kong singhal nang makitang si Haris ang pumasok sa kwarto ko.

Madali niyang isinarado ang pinto, siguro ay para hindi na marinig sa labas ang sigaw ko. Napipilan ko siyang tinitigan. Suot pa niya ang uniporme niya, isang ternong white polo at black pants. Dala rin niya ang bag nito.

May mga hawak siyang notebook na hindi ko na masyadong pinansin dahil abala ko siyang binibigyan ng masamang tingin. Fvck! Dahan-dahan ay hinila ko paangat ang sarili hanggang sa makaupo ako sa kama.

"I'm asking you, Haris! The fvck??" malakas kong palatak habang pinanlalakihan siya ng mga mata, gulat na gulat pa rin.

Hindi lang dahil sa presensya niya, bagkus sa reyalisasyong wala akong bra. Bakat ang parehong nípple ko sa suot kong white spaghetti sando. At para akong nanigas na hindi ko maabot-abot iyong comforter.

"Lu—lumabas ka..." utal kong sabi.

"I'm sorry to bother you, pero gusto lang kasing ibigay ito sa 'yo ni Larisa," seryoso niyang pahayag at saka pa inilahad ang hawak niyang mga notebook.

One Roof with my Step-brother (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon