Episode 53

38K 1.7K 789
                                    

Episode 53


ADI's


Sobra...


Napapikit ako nang marinig ko na naman sa aking isip ang salitang sinabi ni Rogue. Parang sirang plaka na paulit-ulit ito na nagpi-play sa isip ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang hapdi at sakit sa boses niya habang kausap ko siya. Parang totoong-totoo ang sinasabi niya na mahal niya pa si Jane—


"Earth to Adi?"


Napakurap ako nang marinig nang marinig ko si Hermes. Nakatingin pala siya sa akin.


"Are you all right? Ang lalim yata ng iniisip mo."


"Oo naman okay lang ako." Napahilot ako sa aking noo. Nasa labas kami ng tent at naka on break sa set. "Kinulang lang ako sa tulog." Tototo na kulang ako sa tulog. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako makatulog nang maayos matapos kong makausap si Rogue.


Sobra...


Napapikit muli ako dahil narinig ko na naman ito sa isip ko. Ginugulo ako ng pinag-usapan namin at ng sagot niya sa tanong ko kung mahal niya pa ba si Jane. Hindi na kami nagkausap ulit pagkatapos. Bigla na siyang umiwas sa akin mula pa noong nalaman niya na ang tunay na kulay ng mga mata ko. Bigla ay malamig na siya at iwas sa akin. Posible kaya na alam na niya ang totoo? Hindi siguro. Kasi kung alam niya ay baka nasakal niya na ako.


Pero mahal niya si Jane. Mahal niya pa. Mahal niya pa rin ako...


Hindi ko namalayang nakalapit na si Hermes sa akin. Nakapamulsa siya sa suot na jeans. Nang mag-angat ako ng paningin ay nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya. Mula nang magstart ang shoot kaninang umaga ay nakamasid na siya sa akin at malamang na kanina niya pa rin napapansin na wala ako sa sarili. Kahit masasabi ko na close na kami ay direktor pa rin siya ng set na ito at staff lang ako. Ang trabaho ay trabaho pa rin. Nakakahiya kay Hermes dahil sinuswelduhan ako pero ganito ang ginagawa ko.


Napayuko ako sa hiya. "Sorry..."


"Hey..." Magaang tinapik niya ako sa balikat. "Galing ka pa sa ospital kaya maiintindihan ko kung medyo hindi ka pa okay. You can take a rest, Adi."


Mabilis na umiling ako. "Kaya ko. Sorry talaga."


Kaunti lang ang staff na natira rito sa isla dahil nagbawas na ng tao kaya hindi ako pwedeng umalis na lang basta para lang magpahinga. Isa pa, naka-absent na nga ako ng isang araw kaya ayoko nang umabsent ba ngayon. Alam ko kung gaano ka-busy at naghahabol ang mga staff dahil minamadali nang matapos ang shooting. Mayroon na lang kaming isang linggo para mamalagi rito sa Isla Deogracia. Hindi kami pwedeng lumampas petsa na nasa kontrata. Kapag na-delay pa kami at nagtagal pa, lalaki na masyado ang budget para sa pelikula. Iniiwasan ito ni Hermes dahil masyado na talagang malaki ang expenses. Sa talent fee pa lang ni Rogue ay nangangamote na ang buong production.


"Promise okay na ako. Gusto kong tumulong ngayon. Anong gagawin ko? May iuutos ka ba? Kape? May ipapa-print? May aayusing props o may kailangang idouble check at i-explain sa script ng novel ni Hazel—"


Ngumiti siya. "A cup of coffee will do."


"Coffee!" Mabilis naman akong kumilos pabalik sa tent para igawa siya ng kape. Nang matapos ay mabilis akong bumalik sa kanya para iabot ang paper cup at tissue. Kinuha niya iyon sa akin gamit ang kaliwang kamay kahit pa ang atensyon niya ay nakabalik na sa papel na hawak.


"We'll be very busy this whole week," sabi niya na ang mga mata ay nakatutok sa papel na nasilip kong listahan ng mga susunod na scene. "So I'm gonna need you by my side. Can you do that for me?"


The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon