Episode 26

77K 2.2K 2K
                                    

Episode 26


ROGUE's


"J-Jane?"  I froze to the point where I was hardly breathing.


I swear my jaw almost dropped to the floor. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang isang panaginip na ayaw ko nang magising.


I felt my eyes almost bled some tears. God knows how I missed this woman . "Jane," usal ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Ayaw kong magkamali!


Kilala ko siya mula ulo hanggang paa. Siya si Jane. Siya si Jane ko! Lalapitan ko na sana siya nang bigla akong matigilan.


May mga nakatikwas kasi siyang buhok at ilang hibla na buhol-buhol. Ang dami niya ring split ends at patay na buhok. Parang mas gusto ko yata siyang suklayan muna bago yakapin.


Merong bulok na dahon ang nakasipit sa likod ng kanyang tainga. Iyong leeg niya ay may mga guhit ng puti sa gitna. Parang pulbos na natuyo. Nakita kong may pinisa pa siyang langgam na gumapang dito.


Gross.


Hindi pantay ang manggas ng blouse niya. May nakikita rin akong natatastas na sinulid sa laylayan ng damit niya. Iyong alak-alakan niya ay may mga tilamsik ng putik. Ano kaya kung barilin ko muna siya ng aking dalang alcohol spray?


Nakatingala lang sa akin ang babaeng nagmamay-ari ng pangalang Adi. Bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit ganito ang reaksyon ko.


"Her name is Adi, Mr. Saavedra," singit ni Hazel sa gilid ko. Bahagya siyang humakbang upang takpan si Jane. "Hindi po Jane ang pangalan niya."


Saka lang unti-unting nagliwanag sa paningin ko ang kabuuan ng mukha ni Adi. Ano ito? Bakit ganito?! 


Her eyes... they are black. Hindi ito katulad ng kulay abong mga mata ni Jane. Mailap din ang mga ito habang tinititigan ko. Hindi ito katulad ng ibang mga mata na humahanga agad sa tuwing mapapatitig sa akin.


Bakit hindi abo ang kulay ng mga mata niya?! Dapat kulay abo ang mga ito! What kind of joke is this?!


"She is not Jane. She is Adi, my editor. Napagkamalan niyo yata siya, Mr. Saavedra," singit ulit ni Hazel. Gusto ko na siyang sikuhin sa panga.


Pinakatitigan ko ulit ang babaeng gumimbal sa aking gabi. She's not Jane pero sobrang magkamukha sila ng Jane ko. I'm so confused right now. If she's not Jane, then how come na may nage-exist na kamukhang-kamukha niya? Para silang iisa. Her height and her body, even her voice are really like Jane's—Except sa kulay ng mga mata.


"You're the editor, right?" malungkot na kausap ko sa kanya. "Your name is Adi?" 


Tumikhim si Hazel at may inaabot sa akin. Saka ko lang naalala ang cell phone ko na hawak-hawak nito. "Good thing I found your phone. Here."


The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon