Episode 23
ADI's
Nakangiting mukha ng isang babae ang napagbuksan ko ng pinto kinagabihan. Siya si Hazel, siya ang dahilan kaya nakalipat kami nila Granny J at Lola Imang dito sa mas matinong apartment mula sa barong-barong na dati naming tinutuluyan. Dahil din sa kanya kaya nakapag-enroll ako sa ALS program, isang Alternative Learning System para sa mga katulad kong hindi nakapag elementary o high school.
"Adi, my angel!" masayang bungad niya sa akin. Naka-off shoulder siya na blue blouse at fitted high waist skirt.
"Hazel, gabi na, anong kailangan mo..." Nagulat ako nang bigla niya akong sugurin ng yakap.
"Oh, Adi! I just can't wait to tell you some big news." Maligayang-maligaya pati ang tono ng boses niya. "I've got something for you!" May binalikan siya sa labas, at nang bumalik siya ay may inaabot na siya sa aking mga paper bag na halatang mula sa mall. "New clothes, and other supplies! I hope magustuhan mo lahat!"
"Bakit–"
"Because the book signing went well!" aniya habang kinikilig sa tuwa. "Dinumog ako ng readers and medias!"
Oo nga pala. Bigla kong naalalang nagkaroon nga pala siya ng book signing kanina at hindi ako nakapunta. Nagkaroon kasi ng quick shoot sa set kaya hindi ko na nasagot ang tawag niya.
"You won't gonna believe this." Kinuha niya ang aking kamay at saka ito pinisil. "Adi, the book sold a hundred thousand copies in just half a year!"
Kumirot ang puso ko habang nakatitig ang aking mga mata sa kanya. "T-talaga?"
Nagtatalon siya na parang bata. "Yes!" Pagkuwan ay niyakap niya ulit ako nang mahigpit.
Napakabango niya. Mahahalata mo agad na nagmula siya sa isang mayamang pamilya dahil sa amoy niyang dahil sa mamahaling pabango. Kaya niyang bilin ang lahat ng kanyang gustuhin. Sunod sa lahat ng karangyaan si Hazel dahil nag-iisang anak lang siya ng kanyang mga magulang. Siya na rin ang nagsabi sa akin na spoiled brat daw siya.
Si Hazel ay matanda lang sa akin ng dalawang taon, ngunit kung pagmamasdan ay parang hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Para siyang artista dahil sa kutis niya. Kumbaga sa isang pelikula, siya iyong leading lady na laging pinag-aagawan ng dalawang bidang lalaki.
"Congrats, Hazel." Sabay talikod ko sa kanya para ayusin ang mga nakakalat sa sahig.
"Grabe talaga, Adi! Hindi ko akalaing sa maiksing panahon, sisikat ako nang ganito!"
"Oo nga, hindi ko rin akalain..." Humarap muli ako sa kanya matapos sipain ang huling kalat na nakita ko papasok sa ilalim ng sofa.
Mahina siyang napahalakhak. "I know. Dad will be proud of me." Lumamlam ang kanyang mga mata.
"Sigurado yan." Nginitian ko siya.
"But, hey, listen." Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Kahit ang pagkilos niyang iyon ay napaka-sophisticated.
"Ano iyon, Hazel?"
Tumiin ang pagkakatitig niya sa akin. "There's a book two, right?"
Nanigas ako sa aking pagkakatayo.
"Adi, tumawag sa akin ang publishing company. Over million of readers na raw ang naghahanap ng kasunod ng book ko. Sobrang trending na raw kasi sa social media at sumisigaw na ang mga fans ng book two."
BINABASA MO ANG
The God Has Fallen
RomanceRogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is also the goddess of the Amazon tribe and claims he is "god", and their last hope to avoid extinctio...