Episode 24

99K 4.2K 1.8K
                                    

Episode 24


ADI's


Kandahaba ang leeg ko sa paghahanap kay Granny J dahil nagkalat ang mga props men at camera men sa set. Ginanap ang shooting dito sa isang tabing-ilog kung saan bahagyang mataas ang tubig at batuhan.


Nilapitan ko agad si Granny J nang matanaw ko siya.


"A-Adi, hija, anong ginagawa mo dito?" Parang gulat na gulat siya nang makita ako. Aligaga ang mga mata niya. Basang-basa ang suot na blouse ng matanda at puro putik ang kanyang buhok. May make up siyang itim sa ilalim ng kanyang mga mata kaya lalo siyang nagmukhang puyat na unggoy.


"Dinalhan ko po kayo ng pagkain." Ngumiti ako sa kanya.


"S-sayang, hija, di mo ko nadatnan. Kung inagahan mo, madadatnan mo ko na isang serena na lumalangoy dun sa ilog."


"Granny J, sinabi na po sa akin ni Mamala ang role niyo."


"S-serena ako, Adi," pagdidiin niya.


Mapait akong ngumiti sa kanya. "Bangkay raw po ang role niyo na nagpalutang-lutang sa ilog."


"Baka siya ang gawin kong bangkay!"


Napakamot ako sa ulo. "Granny J, baka po magkasakit kayo niyan. Hindi po dapat kayo tumatanggap ng ganyang role."


"Hindi ko naman tatanggapin 'to kung hindi malaki ang bayad. Isa pa, gustung-gusto ko ang role ko dito." Napangisi siya. "Pinagsamantalahan ako dito ng isang pogi."


"Tapos ikaw paslang tapos tapon ilog," singit ni Lola Imang na nasa likuran na pala namin.


Napasimangot si Granny J. "Talaga 'to si Imang parang timang."


"Ganon. Di ba. Talaga. Naman. Nangyari," putol-putol na naman ang salita nito.


"Eh, teka lang po. Ano naman po ganap ni Imang?" Pumagitna na ako sa dalawa bago pa sila mag-away.


"Ah, yung katawan ko kasi sa ilog nagdecompose," sagot ni Granny J. "'Tas si Imang na yung gaganap nun. Siya naman yung magpapalutang-lutang dun sa ilog."


"Po?"


Nakangiti lang sa akin si Lola Imang na parang gustung-gusto rin ang kanyang role.


"Pero mga Lola, gumaganda na po ang kita ko kay Hazel. Hindi niyo na kailangan magpakahirap pa sa pag-e-extra para kumita."


Nalukot ang mukha ni Granny J nang marinig ang pangalan ni Hazel. Hindi niya kasi gusto si Hazel kahit pa nakakatulong ito sa amin nang malaki. "Anong ibig mong sabihin, hija, na lumalaki kita mo?"


"Lumakas po kasi yung benta ng book niya kaya mas malaki na ang sahod ko sa kanya."


"Sus! Dapat lang dahil hindi niya naman talaga libro yun. Ikaw ang nagsulat at lumikha ng laman ng librong inaangkin niyang depungas siya." Pinandilatan niya ako kaya naglaglagan ang kanyang mga muta.


"Pero nagsulat po ako para sa kanya dahil gusto ko pong kumita ng pera. Pinagtrabahuhan ko po sa kanya iyon at nababayaran niya po ako ng tama. Kaya sa kanya na po iyon. Ghost writer niya po ako."


"Ewan ko ba sa'yo, bata ka. Maganda ang mga akda mo, at sana ay ikaw ang sikat ngayon at hindi siya!"


Hinimas ko siya sa likod. "Granny J, hayaan niyo na po. Hanggang book two na lang naman po yung gagawin ko."



The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon