Episode 56

36.6K 1.8K 1K
                                    

Episode 56

JANE's


"BATHALA, AKO SI JANE MO..."


Ang luntiang mga mata ni Rogue ay nanlaki. Nanginginig ang kanyang boses nang magsalita. "J-Jane..."


Tumutulo ang luhang inabot ko ang pisngi niya upang masuyong haplusin. "Oo, ako si Jane. A-ako ang Pukangkang mo..."



Samantalang ang mga staff ng The God Has Fallen movie ay walang kamalay-malay na paiba na ang tinatakbo ng eksenang kinukuhanan nila.


"She's good," naulinigan kong boses ng isa sa mga staff. "Bagay na bagay siyang sub ni Hazel dahil magkasing-katawan sila kapag nakatalikod."


Sa sandaling ito ay umiiyak na ako sa harapan ni Rogue pero hindi iyon nakikita ng mga staff dahil nakatalikod ako sa camera. Dahil sub lang naman ako at pansamantalang kapalit ni Hazel bilang Abari sa eksenang ito na intimate scene kay Apollo na ginagampanan ni Rogue.


Si Rogue naman ay nagsimula na ring mangilid ang mga luha ngayon habang walang kurapan na nakatitig sa aking mukha.


Umiling-iling siya at pagkatapos ay muling tumitig sa akin, partikular sa kulay ng mga mata ko at pagkatapos ay sa suot ko. Dahil sa nakasuot ako ng costume ni Abari sa pelikulang ito, na suot ko rin noon sa isla bilang Pukangkang.


"Oh, god..." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata na ngayo'y kakikitaan ng halo-halong emosyon, gulat, pananabik at takot.


"B-Bathala, patawarin mo ako..."


"Y-you are Jane..." malat ang boses na sabi niya


Tumango ako habang pigil sa paghikbi.


"Please say it again, that you are Jane. You are her..."


Hindi na ako nakasagot ulit dahil bigla niya akong kinabig at niyakap nang mahigpit.


"Jane... Jane..." tila hibang na paulit-ulit na sambit niya habang nakakulong ako sa mga bisig niya.


"Bathala..." hikbi ko.


"Ikaw si Jane..." paos na ang boses niya dahil sa pagluha. Ngayon ay ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib niya habang yakap niya ako.


"Oo ako... Patawad..." Napahagulhol na ako. Ngayon ko hinayaang kumawala ang mga damdamin na matagal kong sinikil. Lahat ng sakit at paghihirap na tiniis ko, ngayon ko nailabas.


Gumanti ako nang mas mahigpit na yakap sa kanya habang umiiyak sa dibdib niya. Sa mga sandaling ito, tuluyan ko nang nalimot kung nasaan kami, anong sitwasyon ang kinalalagyan namin o kung sino ang nasa paligid namin. Sa mga sandaling ito, si Rogue na lang ang mahalaga.


Siya na lang at wala nang iba.


Siya naman ang iisipin ko at wala nang iba.


Dahil hanggang ngayon, inaamin ko na nang buong-buo na mahal ko pa siya. Mahal na mahal ko pa rin siya at hindi ko na kayang makitang nahihirapan pa.


"Hush..." Masuyo niyang hinagod ang aking likuran.


Lalo niyang isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib.


"Patawarin mo ako, Bathala..." Umiling ako. "Patawad... Patawad..."


"T-tahan na..." Ilang beses niyang hinagkan ang aking noo at sinilip ang aking mukha para punasan ang aking mga luha. "P-please, tahan na, Jane..."


The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon