Episode 49

36.2K 1.6K 541
                                    

Episode 49


ADI's


Abala ang mga mata ko sa pagbista sa paligid. Grabe ang mga naaaninagan ko. Nandito palang ako sa rooftop ay parang nakikita ko na kung gaano kamoderno at karangya ang kabuuhan ng bahay na kinaroroonan ko. Bahay na sa laki ay papasa na siguro bilang isang munting palasyo.


Napukaw ang pagmamasid ko nang tumunog at bumukas ang katapat kong elevator. Bumungad sa akin ang apat na unipormardong lalaki na may suot na gloves, face mask at goggles. Nang makalapit sila sa akin ay winisikan agad nila ako ng alcohol.


Teka? Bahay nga ba ito o ospital?


"This way, Ma'am," sabi ng isa sa kanila at iginaya ako patungo sa loob ng elevator.


Wala sa sariling tumango na lamang ako pero pasimple ko ng inilabas sa sukbit kong shoulder bag ang dark shades ko at agad na isinuot ito.


Gumegewang akong naglakad habang inaalalayan ako ng mga tauhang unipormado. Pinindot nila ang buton sa pangalawang palapag ng bahay. Agad akong nasilaw sa malaki at maliwanag na chandelier na sumalubong sa amin pagbukas ng elevator. Nagpatiuna na ang dalawa sa mga unipormadong lalaki para gabayan ako sa dapat puntahan.


Makintab at makinis ang buong paligid ng bahay. At tama nga ako na napakalaki nito. May red carpet pa ang nilalakaran ko. Para nga talaga akong nasa isang palasyo. Nang lingunin ko ang dinaanan kong carpet ay nagulat ako nang makitang nakarolyo na ito. Nirorolyo pala ito ng mga unipormadong katulong na kasunod namin. Ang bawat dinadaanan ko pala ay kanilang inililigpit din. Hindi na ako magtataka kung diretso laba ang gagawin nila o kaya ay baka itapon na lang nila since marumi na iyon dahil natapakan ko na.


Mayamaya lang ay natanaw ko na ang may ari ng malapalasyong bahay na ito—si Rogue Saavedra. Nakapamulsa siya habang nakasimangot na nakatanaw sa akin.


Nakasuot siya ng maroon V-neck longsleeves. Fitted ito sa katawan niya at mukhang manipis lang ang tela kaya hubog ang maganda niyang katawan. White pajama ang suot niya sa pang-ibaba na jogger cut at brown feather slippers sa kanyang paa. Meron siyang gold necklace na nakasabit sa kanyang leeg at nakahimlay sa kanyang dibdib.


Nakasuot siya ng gloves sa kamay pero wala siyang face mask. Magulo at basa ang kanyang buhok. Kahit mapungay ang kanyang mga mata ay matatanaw pa rin ang pagkaluntian ng mga ito.


Napangiwi ako nang makalapit na ako sa kanya. "S-sorry, Idol."


"Why are you wearing shades?" sita niya sa suot kong black shades. Hindi siya lumalapit sa akin.


"N-nasisilaw ako sa liwanag," pagsisinungaling ko.


Ang totoo kasi ay nasa shoulder bag ko ang aking lense. Bago ako uminom kagabi ay tinanggal ko iyon dahil alam kong malalasing ako. Baka kasi makatulog na naman akong suot ang contact lens ko.


Pero nasobrahan yata ako kagabi at naubos ko ang isang bote ng wine na inarbor ko kay Hermes. Ang huling naaalala ko lang ay lumabas ako ng hotel room ka para bumili pa ng alak kahit lasing na lasing na ako. Dala ng matinding kalasingan ay lumabas ako bitbit ang aking bag. Nagsuot ako ng shades dahil inakala kong may mataas na sikat ng araw. Hilung-hilo ako kagabi kaya hindi ko naisip na gabi na pala.


Huling natatandaan ko ay nagpilit pa akong umakyat sa rooftop ng hotel para makasagap ng hangin. Sandali lang ako sa rooftop ay inantok na ako at sa sobrang antok ko, bigla na lang akong pumasok sa nakabukas na sasakyan na nandoon. Ang nasa isip ko nang mga oras na iyon ay service ng team ang sinakyan ko kaya panatag ako. Hindi ko talaga lubos akalain na nasa helipad pala ako at sa chopper pala ni Rogue ako mismong nakatulog. Grabeng kapalaran!—Este, katangahan!


The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon