Episode 41
ADI's
Naglalakad ako sa puting buhanginan habang sinusundan ang dalawang nananakbo. Isang lalaking matangkad at isang bata. Dinig na dinig ko ang tawanan nilang dalawa. Lalo pang tumawa at tumili ang bata ng buhatin ito ng lalaki para kilitiin. Huminto ako sa paghabol sa kanila at marahang nagmulat ng mga mata- dahil ang nakikita ko ay panaginip lang pala.
At kailangan kong gumising dahil marami pa akong obligasyon na kailangang harapin.
Wala na si Rogue sa higaan pagbangon ko nang umaga. Bago ako tuluyang nakatulog kagabi ay kamuntik ko ng makalimutan na naka-lense pa pala ako. Malalim na ang tulog ng mga katabi ko nang maramdaman ko ang hapdi sa aking mga mata. Pasimple akong bumangon kagabi at nag-alis ng lense saka bumalik na lang ulit sa pagkakahiga.
Pagising ay nagsuot agad ako ng lense. Matamlay akong napangiti nang tumama sa aking mukha ang sikat ng araw na lumalagos mula sa bukas na bintana ng kuwarto. Panibagong umaga na naman...
"Magandang umaga!" bati ko sa dalawang matanda paglabas ko ng pinto ng kuwarto. May sinisilip sila sa butas ng pader ng banyo.
"Shhh..." saway sa akin ni Granny J pagkatapos ibalik ang mga mata sa butas.
"A-ano pong ginagawa niyo diyan?"
"Kami. Silip. Aydol. Ligo." Sagot ni Lola Imang. Nakisiksik kay Granny J ang mukha para makisilip. Halos magtulakan pa ang dalawa.
"Di ba po masama ang manilip? Baka po tubuan kayo ng kuliti nyan sa mata," paalala ko sa kanila.
"Di bale ng tubuan ako kahit pigsa pa sa mata, basta masilip ko lang si aydol na nakahubo." Napangisi ni Granny J habang nakasiksik ang mukha sa pader na may butas.
Kumuha naman ng martilyo at pako si Lola Imang para magbutas pa. Nang mabutasan niya ang pader ay sumilip ulit siya gamit ang kanyang isang mata. "Lika. Adi. Ikaw. Silip. Din."
"P-po?" Nilapitan ko sila. "A-ano po bang nakikita niyo?"
"Naghubad na ng t-sirt si Aydol," kwento ni Granny J habang nakasilip.
Napalunok nang malalim si Lola Imang. "Aydol. Bukas. Gripo."
"Dumampot si Aydol ng sabon." Napasipol si Granny J.
"Aydol. Wisik. Alcohol."
"Nagsuot si aydol ng gwantes."
"Aydol. Suot. Mask. Bibig."
"Kumuha si aydol ng eskoba."
"Aydol. Linis. Hindi. Ligo."
Malungkot ang dalawa na umupo sa sofa. Busangot ang mga mukha nila.
"Aydol. Tangena. Paasa." Daig pa ni Lola Imang ang namatayan.
"Tapos na po ba yung game natin na bahay-bahayan?" Napakamot ako. "Bakit ganyan po kayo umacting? Tatay niyo po si Idol sa game na 'to, baka po nakakalimutan niyo."
"Nakakatamad naman 'yang bahay-bahayan na yan. Buti sana kung ako ang nanay, e hindi naman!" reklamo ni Granny J.
"Kung gusto niyo po, magpalit po tayo ng role. Kayo naman po ang nanay, ako naman po ang anak."
BINABASA MO ANG
The God Has Fallen
RomanceRogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is also the goddess of the Amazon tribe and claims he is "god", and their last hope to avoid extinctio...