Episode 47
ADI's
"KUYA LION?"
Napatingala ako sa lalaking nagmamay-ari ng abuhing mga mata.
"I told you... stay away from him," wika niya sa malamig na boses.
Matagal akong napatitig sa kanya dahil matagal-tagal na rin noong huli kaming magkita. Nakasuot siya ng blue collar jacket, tampered fit jeans at white sneakers. Meron siyang nakasabit na gitara sa kanyang likuran. Oo nga pala, parte siya ng frat at bandang Black Omega Society.
Napayuko ako habang nakasandal sa pader. "N-na-miss kita, Kuya."
Bahagya siyang napaatras sa sinabi ko. Namayani sa kanya ang katahimikan habang nakabaling ang kanyang paningin sa kawalan.
"S-sorry..." Tumingala muli ako sa kanya dahil halos kasing tangkad niya si Rogue.
"What are you doing here?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.
"D-dapat lang na nandito ako dahil ako ang author ng movie na shinu-shoot ngayon–"
Umigting ang kanyang panga. "You know you shouldn't be here. You don't have to be the author of that fucking movie."
Hindi ako nakakibo. Galit na naman siya.
"Go home, Jane. I'll send a chopper for you." Tinalikuran na niya ako pagkatapos.
Napabuntong-hininga ako. "Kuya, ito ang passion ko. Masaya ako sa ginagawa ko."
Napahinto siya sa paglalakad. "Passion? You're just risking our plan." Salubong ang mga kilay niya nang lingunin niya ako. "You are behind enemy lines."
Hindi lang si Panther ang itinuturing niyang kalaban, kundi pati rin si Rogue Saavedra.
"Go home, Jane."
"Kuya, sandali..." Napalunok ako bago lakas-loob na nagsalita. "N-nasaan ang anak ko, Kuya?"
Napakuyom siya ng kamao. Galit siyang lumapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa braso. "Why are you doing this, Jane?" gigil niyang tanong. "I had sent you money, but the hell did you do? You gave it to charities!"
"Sinabi ko na sa 'yo, ayokong ng perang hindi ko naman pinaghirapan! May sarili akong prinsipyo sa buhay–"
"Fuck your principles!"
Nag-ulap ang paningin ko sa sinabi niya. Napaatras ako hanggang isa-isa ng nalaglag ang mga luha ko.
Namulsa si Kuya Lion at napabuga ng hangin. Mayamaya ay lumapit muli siya sa akin at inabutan ako ng panyo. "Here."
Ganito naman siya lagi. Magagalit tapos kapag nakita niya ng umiiyak ako, bigla na siyang mag-iiba ng mood. Hindi ko siya pinansin. Nagsisikip ang dibdib na nagpunas ako ng luha. Tatalikuran ko na sana siya nang hulihin niya ang pulso ko. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin—bagay na ngayon niya lamang ginawa.
Tuluyan na akong napahagulhol nang maramdaman ko ang init ng yakap niya. Ito ang yakap ng pamilya na matagal ko ng gustong madama.
"Kuya..." sambit ko.
Akala ko ay magiging ok na ako sa yakap ni Kuya Lion, pero hindi pa pala. May kulang pa. May kulang pa sa loob ng puso ko. Kulang na hindi na yata mapupunan hanggat hindi nasasagot ang isa sa pinakamalaki kong katanungan.
BINABASA MO ANG
The God Has Fallen
RomanceRogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is also the goddess of the Amazon tribe and claims he is "god", and their last hope to avoid extinctio...