Episode 31

37.5K 1.4K 658
                                    

Episode 31

ROGUE's



"Saan mo siya nakilala?"


Lumamlam ang mga mata ni Adi. "S-sa isla..."


My heart pounded and my lips parted. Did I hear it correctly? Sa isla?


I don't get it. How could she say such a thing?! Alam niya ba kung ano ang nangyari sa akin sa isang isla? Alam niya ba ang tungkol sa panaginip ko tungkol sa isla?


But if that's the case, posible kaya na siya si Jane at ako ang lalaking tinutukoy niya?! Does it mean na totoo ang lahat ng nangyari sa isla at hindi panaginip lang?!


Napabalikwas ako sa pagtayo habang tigagal sa kanya. "W-what do you mean? N-nakilala mo siya sa isang isla?"


Tumango siya. "So kilala mo na ba, Idol?"


Wala sa sariling nahablot ko ang kanyang braso. "What the hell are you talking about? Are you Jane?"


Nanlaki bigla ang mga mata niya.


"I'm not a fool. You know what I'm talking about, don't you?!"


"Idol..."


"Sino ang lalaking tinutukoy mo?! Sinong lalaki sa isla ang tinutukoy mo?! Sino—"


"Si Apollo."


Napaatras ako. "A-Apollo?" Napabitaw ako sa kanya.


"Oo si Apollo nga." Napahilot siya sa kanyang braso na mariin kong hinahawan kanina. "A-ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit ba ang hina mong maka-gets?"


"Apollo." Napayuko ako. "Right."


Si Apollo ang bida sa book na isinulat ni Hazel. He's the young billionaire who was lost in the island, according to the book. Kung ito ang lalaking tinutukoy niya, it means na-in love siya sa character na si Apollo kahit na sa libro lang ito matatagpuan.


"Wag mong sabihin sa 'kin na hindi mo pa nababasa ang book ni Hazel?" Sumimangot siya sa akin.


"I read it." Actually, I read it a hundred times. Walang gabi na hindi ko iyon  binasa.


Napapikit ako at napahawak sa aking dibdib. That's a lot to take in. Para akong ilang minutong inatake sa puso. Akala ko talaga ay ako ang lalaking tinutukoy ni Adi na mahal niya. Akala ko ay siya si Jane ko!


Napahilot ako sa aking sentido. How many times should I remind myself that Jane was just a dream. Bakit ba sa tuwing makakarinig ako ng tungkol sa isla ay bigla akong nagkakaroon ng pag-asa? And in the end, ako lang ang nasasaktan dahil umaasa ako sa wala.


Sinilip ni Adi ang aking mukha. "Anyare sa 'yo? Bakit namumutla ka, Idol?"


Inirapan ko siya. "Because... you're annoying."


"Ano?!" Nagsalubong ang mga kilay niya.


"How come na mamahalin mo ang isang lalaki na nag-e-exist lang sa book? Tanga ka ba? Hindi ka ba nag-iisip?"


Napahalukipkip siya. "Sorry, ha? Kung para sa 'yo katangahan na ma in love sa isang fictional character, pwes sa akin hindi. Ilusyon man ang lahat ng tungkol sa isla, alaala pa rin iyon na baon-baon ko magpasahanggang ngayon."


Napalunok ako sa biglang pagseryoso ng mga mata ni Adi.


"Kahit fictional lang si Apollo ay marami siyang naiambag sa kung ano at sino ako ngayon. Nagpapasalamat ako na kahit sa ilusyon lang ang pagmamahal niya ay marami naman akong natutunan. Tinuruan niya akong maging matatag at lumaban. Pinatibay niya ako at binigyan ng kulay ang aking buhay. Kahit tapos na ang kwento, narito pa rin ang mga alaala sa puso ko. At ang mga alaalang iyon ang pinanghahawakan ko ngayon para makaya kong harapin ang hamon ng buhay dito sa totoong mundo."


The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon