Episode 5

224K 8.1K 1.4K
                                    

EPISODE 5

Jane's POV


Para akong walang buhay habang nakasandal sa bato. Pansamantala muna akong iniwan ni Libag dito at ng ilan kong katribo. Naghahanda na sila para dalhin ako sa kabilang isla kung saan nandoon ang mga Dinarandado- ang tribo ng mababangis na malalaking babae.


Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Bathala. Paulit-ulit ko iyong naririnig. Mas nasaktan pa ako sa sinabi niya kaysa nang maranasan ko ang unang kamatayan. Hindi ko akalain na gusto niya rin akong mamatay dahil sa aking pagkakasala.


Nagkasala nga ba ako? Siguro nga kasalanan ko. Tama lang na maparusahan nga ako. Kaysa naman si Bathala ang maparusahan. Mabuti na yung ako na lang.


Napapikit ako sa isiping dadalhin nila ako sa kabilang isla. Ano nga ba ang maari kong kahinatnan? Paniguradong kukunin ng pinuno ng mga Dinarandado ang mahaba kong buhok.


Pakay na niya noon pa man na magkaroon ng ganitong buhok. Ang mga buhok kasi nila sa ulo ay buhul-buhol. Hindi katulad ng sa akin, tuwid at malambot. Pero mas gusto ko pang mamatay na lang kaysa kunin niya sa akin ang aking buhok habang ako'y buhay.


Nagulat ako nang biglang sumulpot si Bathala sa harapan ko. Lilinga-linga siya sa paligid bago lumapit sa akin. "Jane, kailangan nating mag-usap," bulong niya.


Nakatingin lang ako sa kanya. Gumuguhit pa rin sa dibdib ko ang sakit sa tuwing nakikita ko siya. Akala ko kasi ay mahalaga ako sa kanya, hindi pala. Ako lang pala ang nag-iisip na may halaga ako sa kanya.


"Ayos ka lang ba?"


Tumango ako. Sa tanong niyang iyon, kahit papaano ay naiisip kong may halaga pa rin ako. "Kumain ka na ba, Bathala?" tanong ko sa kanya. Baka kasi nanghihina na siya.


"Kumain na 'ko."


"Kung magugutom ka, kunin mo sa silong ko iyong mga kabibe ko. Maari mo iyon ipagpalit ng mga pagkain dito."


"Ayoko. Nakakadiri ang mga pagkain niyo."


"Paumanhin, Bathala, iyon lamang kasi ang mga pagkain dito." 


Iiwas na sana ako ng paningin nang may kung anong bagay siyang inilabas. Namilog bigla ang mga mata ko. 


"Heto." May hawak siyang tela na basang-basa ng tubig. Piniga niya iyon sa aking mukha.


Napalunok ako at agad na nasabik.


Sinalo ng bibig ko ang tubig na nagmumula sa telang piniga niya. Kailangan ko ito. Kailangan ko ng lakas para kung sakaling balatan ako ng buhay ng mga Dinarandado ay may lakas akong pigilan ang sakit na mararamdaman ko.


"Hindi mo na ba maliligtasan ang mga Dinarandado na yun?" Pagkuwan ay tanong niya.


The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon