Chapter 10:The Magical Lollipop?

101 2 1
                                    


Good morning mga tao! Hellos LooVana Babies!

Shout out to mg group;

LooVanaFlutterBabies!

Happy reading!

.
.
.

"Ivana!" Napatakbo si Rhemuel matapos makitang matutumba ang dalaga habang naghihiwa ng kung ano. Natapon ang hawak nitong kutsilyo. Mabuti naging maagap siya kung hindi babagsak ito sa may title floor. Una niyang nahawakan ang ulo nito bago tuloyang bumagsak.

"Hey, wake up. Hey do you hear me?" Sabay tapik sa pisngi ng dalaga  pero tanging ungol lang ang naitugon nito. Ramdam niya ang buong bigat nito habang inaalalayan niya ang dalaga. Ang putla putla narin  ni Ivana. Agad niyang linapitan ang stove at pinatay iyon saka tuloyang pinangko si Ivana na wala parin malay-tao.

Pagkatapos niyang ilagay sa may mahabang sofa sa may sala ang dalaga ay bumalik siya sa may kusina at dalidaling nagtimpla ng orange juice. "Hey come on drink this para mahimasmasan ka na agad. Ano ba kasi ang nangyari huh? Nagpagutom ka na kaya ka hinimatay?" Sunod sunod niyang tanong sa dalaga na wala parin imik. Inilagay niya ang juice sa bibig nito at inalalayan para makainom para manumbalik ang lakas nito.

"Ivana? Honeybees huwag mo nga akong takot. Please magsalita ka na. Utang na labas, Ivana?" Niyakap niya ang dalaga. Hindi parin ito sumasagot at ramdam niyang naririnig siya nito habang nakasandig sa dibdib niy. Hinahabol kasi nito ang sariling paghinga panay parin ang paypay niya sa dalaga kahit naka-on ang AC. "Inumin mo ito ba. Sige na please? Kahit kaunti lang makakatulong ang malamig na juice na ito para bumalik ang daloy ng dugo mo. Nagpuyat ka ba sa netflix kaya ka hinimatay? Hey. Ivana."

Nakita niyang nagbigay ito ng signal na hindi daw iyon ang rason kaya siya nagpuyat. "Fine, ayaw mo ng juice wait." Saka muling nanakbo sa may kusina ang binata. Naghanap ng kung ano sa may kitchen kabinet. "Come on nasaan na kaya iyon?"

Panay ang halongkat niya doon hanggang biglang napasigaw matapos makita ang hinahanap na . "Lollipop."

Agad niya itong binuksan at pilit na inilalagay sa bibig ni Ivana. "Sige na please lollipop lang ito. Kailangan ito ng katawan mong nanghihina ang matamis na something para bumalik ang kulay mo at daloy ng dugo mo. Come on."

Ayaw  ni Ivana pero pinilit niyang isuksok sa bibig nito sa wakas hindi na ito nagpumiglas pa. Mayamaya ay dumilat na ang dalagang Koreana-Morrocan-Pilipina while sucking lollipop. "Oh ayan, nagkakulay na ulit iyang balat mo. Kanina kasi your pale as death. You scared me. Really." Pagbibiro pa niya at inalalayang makaupo ng tuwid ang dalaga. "Thanks for the magical lollipop, RL. Medyo nakakahinga na ako. Bakit pala lollipop?"

"Dahil nga hinimatay ka. Hindi iyan basta magigising ang dugo mo kung paypay lang or hangin. Kailangan may matamis na makakain mo para makarecover iyang dugo mo agad agad. Wala ka na atang dugo eh. Iyan kasi panay ang watching marathon mo both Viu and Netflix. Akala mo 'di ko alam?"

"Hey, hindi iyon. Basta may something lang. Madalas akong ganun eh." Napangiwi bigla si Ivana habang sapo sapo ang sariling tyan.

"Ba-bakit? Saan ang masakit?" Curious na tanong nito at agad siyang pinaupo ulit.

"Hello, huwag mo ng itanong dahil babae po ako." Nakangiwi parin niyang tugon sa binata.

"Sorry," nagyuko ito bigla matapos makuha ang ibig niyang sabihin. Saka biglang nagangat ng paningin sa kanya. "I think, pareho kayu ng ate ko. Ganyan siya noong mga teenager pa kami. Hindi makapasok iyon kapag may buwanang dalaw. Hinihimatay din iyon. Nagtaka nga ako paano siya naging doctora samantalang takot iyon sa dugo."

KADENA DE AMOR (Chain of Love, Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon