Chapter 17: Tree House

209 2 5
                                    

"Good morning sunshine." Bati ni Rhemuel kay Ivana na halatang inaantok pa. "Hey," saka idinikit ang tungki ng ilong sa ilong ng esposa."Rhemuel inaantok pa ako at ang buong katawan ko parang binugbog." Malat ang boses niyang sabi saka naghikab. "12 noon na honeybees." Nakangiti niyang sabi at inilayo saglit ang mukha sa esposa at pinakatitigan ito saka kinuha ang kamay nitong isa at dinala sa mga labi. 12 noon?" At lumabi pa ito na ikinatawa ng malakas ni Rhemuel at kinuha ang alarm clock sa may bedside table at iniharap sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ganun na ba kasarap ang naging tulog niya? "Anyway, may pagkain na tayo doon sa may kusina. Ako ang nagluto. Alam kung may lagnat ka pa. Bangon na. Yung pampaligo mo baka lumamig pa."

"Tinatamad talaga ako." Saka dumapa at isinubsob sa may unan ang mukha. "Bees, you need to take shower first. Kailangan mo ulit magtake ng pain reliver med. Sige na. Nasasaktan ka pa diba?" Sa malambing na tuno at dumapa sa likuran nito. "Ano ba, ang bigat mo."

Natatawang bumangon narin siya.

"Sige na kasi. Halik ka na. Ako na magpapaligo sayo bees. Promise wala akong gagawin. Alam kung nahihirapan ka pa."

"Mabuti alam mo." Nakasimangot niyang sabi.

"Huwag mo ng dugtongan ng manuac, please bees." Nakangisi niyang anya pa imbes pansinin ang galit niyang mukha sinapo nito ang mukha niya at hinagkan siya sa mga labi ng matunog. Saka pinangko na siya ni Rhemuel patungo sa maliit na banyo nitong bahay kubo.

Bathub.

Nakasandig sa may bathub na gawa sa  kahoy na narra si Ivana. May bula at petal ng white roses doon. "Ano iyan?"  Tanong niya mg may inilagay doon na liquid ang asawa galing sa isang mataas na botelya. "This is lavender oil honeybees. Smells good." Pinandilatan lang niya ito. "Relax your nerves. Close your eyes." Anya pa saka siya sumandig ng maayos at gaya ng sabi nito ipinikit ni Ivana ang mga mata. Feeling niya nasa spa siya ngayon. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang scrub sa shoulders blades niya. Maraan iyon, mayumi. Hinayaan niya si Rhemuel sa nais nitong gawin.

Tuloyan na siyang naidlip sa bathub. Mayamaya ay napadilat siya matapos mapansin na nakadapa siya sa may bed na maliit tapos may sapin iyon na dahon ng saging at nakabalot ang ulo niya ng puting towel. "Relax bees. Minamasahe kita." Tinig iyon ni Rhemuel kasabay niyang naramdaman ang palad nito na humihilot ng maraan sa likuran niya. Ang sarap nun sa pakiramdam. May naamoy din siyang mabango. "This is a perfume with olives oil bees. Masarap gamitin sa katawan habang minamasahe ito para mas marelax ang mga masakit na party nun."

"Ewan ko sayo. Kailan ka pa naging masahista? Ang dami mong alam ah."

"Ngayon lang." Natatawa nitong sabi. "Ang sungit ng asawa ko. Naglilihi ka na ba?" Biro nito. "Tse, you deflower me 2 days ago at umasa kang may tao na sa loob ko? Kaloka ka. Ituloy mo na nga iyang pagmamasahe mo sa akin."

"Masarap ba?"

"Oo." At pumikit muli. Hindi niya kayang pigilan ang mga mata lalo na at talagang nakakarelax ang massage oil na ganagamit nito.

"Iyan, tulog ka lang mahal ko. Wu ai ni."

Walang tugon mula kay Aykah Ivana. Talagang napasarap na ang tulog ng bride niya.

Hapunan.

Habang kumakain sila ay panay ang asikaso sa kanya ng esposo. Palagi itong nakangiti ng matamis sa kanya at kahit tinatarayan niya ito ay hinahagkan lang siya sa labi ng mokong. Iyon daw ang gamot sa inis nito ay ang matamis niyang labi. OA lang.

"Bees, bukas pala may ipapakita pa ako sayo. May place pa akong ipapakita sayo. Maganda. Gaya mo."

Napakunot noo si Ivana.

"Saan naman?"pagdaka'y tanong niya sa kaharap na asawa.

"Basta surprise." Sabi pa nito while smiling ear to ear.

Kinabukasan nga  agad siyang dinala ni Rhemuel sa tagong Paraiso dito sa lupain ng pamilya ng asawa.

"Tree house?"

"Yup, do like it?"

"Super."

"Tara na sa itaas. Para makita mo ang pinakamagandang tanawin dito sa Gapan."

Umakyat na silang dalawa at tamang tama ay gumagabi na. Kita doon ang maliliit na ilaw sa buong Nueva Ecija.

Mula sa likuran niya ay ipinatong ni Rhemuel ang blanket na kulay lavender. At nanatiling nakayakap sa likuran niya ng una. Tinatanaw nila ng sabay ang buong Gapan habang may mga ngiti sa labi. Panay ang dampi nito ng mumunting halik sa kanyang pisngi.

"Ikaw huh  nakakarami ka na."

"Hayaan muna ako. I love you bees." Saka sumiksik pa lalo sa may balikat niya. Napangiti na lamang siya habang napapailing.

"Dinner time, bees."

"Hey. Mukhang masarap ah?" Sabay upo. May maliit na lamesa na puti kung saan punong-puno ito ng masasarap na pagkain. Halos paborito niya lahat iyon. Kaya tila nanubig ang bagang niya.

Akmang kukuha na siya ng pancit-bihon ng pigilan siya ng asawa. "Pray muna tayo bees."

"Sige."

Minutes passed. Nag-e-enjoy na ang newlyweds sa hapunan. Nagtatawanan pa ang dalawa habang nagsusubuan ng shanghai.

Midnight.

Tutok sa binabasang novel si Ivana. "Bee, bumangon ka. Hey, Rhemuel huwag mo akong tulogan sabe." Panay yugyog niya sa esposo.

"Uhm," ungol nito na ikinainis niya lalo. "Natatakot ako. Uy, bagon na sabe." Hinawakan siya nito habang nakapikit parin ang mga mata. "Bakit ka ba natatakot huh? Anong mayroon?"

"Bumangon ka na."

"Bee, I'm tired. Bakit hindi ka pa natutulog? Mag-wa-one am na ah?" Saka siya hinila sa dibdib nito kung saan mas sumiksik siya doon dala ng takot. Itinapon niya sa may sahig ang book na binabasa at yumakap sa esposo. "Ang bango mo bees," sabay amoy sa leeg niya. "Ano ka ba. Huwag kang maniac. Natatakot ako sabi."

"Bakit ba kasi? May nakita ka ba?"

"Gago huwag mo akong takutin."

Sa wakas ay dumilat na ang mokong niyanga asawa. Hinaplos nito ang pisngi niya. "I love you bees."

"I love you too."

"Come on, tell me anong mayroon?" Nakahiga na siya sa tabi nito at nakaunan sa braso nito habang nakatingala siya sa mukha nito.

"Takot ako doon sa binabasa ko."

Natatawang naiiling si Rhemuel sa revealation niya. "Bakit ka nagtatawa dyan? Nakakatakot nga yung book."

"Kung anu ano ang binabasa mo eh. Sorry na." Saka hinagkan ang ibabaw ng ulo niya.

Tahimik siyang tumitig sa mukha nito. Unti unting naglalapit ang kanilang mga labi.

Itutuloy...

Spg next chapter nalang po. 2:27 am na po dito sa KSA. Happy reading.

Feeling ko naka-private itong story na ito. Bukod tanging hindi ko ma-add sa 15 works ko sa account na ito mismo. Bakit kaya?

Anyway 21st of June finished na pk ang curfew dito sa entire KINGDOM. kya goodluck nalang. Sana yakapin at protektahan tayo ni God na huwag maawan ng covid na iyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KADENA DE AMOR (Chain of Love, Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon