Happy Reading! Stay positive. Spread love not the virus!
.
."Wow, sweet potatoes. My favourite. Sabay hawak ng binata."
"Hey, huwag mong hawakan baka mabahaw." Sabay pokpok sa kamay nito ni Aykah Ivana using sandok na gawa sa kahoy. "Ikaw, ang sakit nun ah?"
"Para kang bata. Umalis sila yaya. Sila ang nagpapakain sa mga trabahador sa bukid. Magaani na daw ng palay at mais doon. Kaya they need their help.
"So ikaw lang ang kasama ko dito sa Villa?"
"Malamang, bakit may iba ka pang kasama dyan na itinatago sa kuwarto mo?"
"Hoy, hoy Ivana, huwag ako. Wala akong itnatago sa kuwarto ko."
"Pustahan tayo mayroon."
"Ano iyun?" Hamon niya sa dalaga. Habang hinahalo nito ang mash sweet potatoes sa may maliit na kawali.
"Yung butiki sa room mo. Bakit hindi mo parin pinapalayas doon? Aba? Ano mo ba siya, roommate?" Sabay tinga dito. Nasa five feet and 2 inches lang si Ivana at nasa five feet and six inches naman si Rhemuel. Kaya nakatingala parin siya dito.
"Grabe ka. Ikaw nalang ang magpalayas sa kanya doon. Ayaw ko kaya sa kanya."
"Fine. Pinalayas na ni Mang Kanor kanina g umaga habang nasa gym ka. See? Concern ako sayo sa lagay na iyan."
"Thanks. Pero iyan lang ang kakainin natin ngayong gabi ang sweet potatoes sa may kawali na kulay violet na?"
"Violet naman talaga iyan ah."
"Pero?"
"Akala ko ba paborito mo iyan?"
"Oo nga. Kaya lang-"
"Kaya lang ay ano?"
"Patapusin mo muna kaya ako magsalita?"
"Fine, sige. Ano ang iyung imumungkahi na kakainin natin ngayong gabi?"
"Ewan ko. Kapag luto na iyan tawagin mo lang ako. May gagawin pa ako doon sa kuwarto ko." Saka tumalikod na ang binata para bumalik sa itaas.
"Hey, hey. Hindi ka aakyat doon. Go back here."
Napapakamot ng ulo ang binata na bumalik sa harapan niya. "Kita mo ba ang mga iyon?"
"Yes, sea foods. Mga gulay. Bakit?"
"Linisin mo iyon. Dahil sabi mo nga hindi ka marunong magluto. At huwag na huwag mong tangkahin na bumili sa labas. Isusumbong kita kay Yaya Thelma nagsasayang ka ng foods. Alam mo bang ipinakuha pa niya iyan sa mga trabahador doon sa fishpond ng pamilya mo para maiulam tayo."
"Grabe. Sige na. Huwag mo na akong pangaralan. Lililinisin ko na sila." Agad siyang nagsuot ng apron at tinungo ang sea foods na buhay pa sa may malaking palangana na kulay blue.
Inilabas niya ito sa kusina at dinala sa may malaking washing area sa likod ng bahay. Ang linis ng tubig doon na kusang lumalabas sa may malaking kawayan. Kagagawan ito ng yaya niya. Magaling talaga ito sa mga ganun. Maraming instructions si Ivana sa kung paano dapat hiwain at linisin ang mga hipon, talangka at ang pinakahuli ay ang milk fish.
Hapong-hapo siya pagkatapos. Pawis na pawis. Pinagtatawanan lang siya nito. Kaya lalo siyang napikon dito. Ang hilig nitong pikunin siya. Kainis lang.
Agad siyang umakyat sa room niya para makaligo. Bahala na si Aykah Ivana sa pagluluto ng mga iyon."Charang... here's the dinner."
Namamangha siyang napapatitig sa mga inihanda nito. Kung titingnan parang professional chef ang dalaga.
"Oh? Sarap diba?"
BINABASA MO ANG
KADENA DE AMOR (Chain of Love, Ongoing)
RomansaLooVana Romance (RESTRICTED!) Pauwi sa may Gapan, Nueva Ecija si Rhemuel Lunio matapos ang ilang buwan na pamamalagi sa Shanghai, China dahil narin sa patuloy na paglago ng business nito doon at kung saan may pangahas na WHITE LADY na biglang tumawi...