Chapter 09:Your Arms, My fav. pillows

83 2 2
                                    

Good Pm LooVana fans worldwide. Thanks sa paghihintay.

Shout out to @loovanacanad who shared my story on their ig.

Maraming salamat!

Hope you likes it!

.
.
.

"Ano ba Rhemuel-!" Tili niya matapos hilain ng binata ang batok niya palapit dito and claiming her lips with so hot and wet kiss. Mariin ito. Marobdub. Naghahanap ng katugon. Nagaalab.

"Gago ka..." matapos nitong pakawalan ang mga  labi niya at ngumisi lang ang loko na tuwang-tuwa pa sa pagnanakaw ng halik sa kanya. "Dumadami na iyang halik na ninanakaw mo huh? "

"May kaso na ba ako para doon?" Pilosopo niyang tanong habang nakatingala parin sa dalaga. Nakaunan kasi siya sa hita nito. Walang kamalay-malay sa maitim niyang balak habang nakatutok ang mga mata sa tv. Subrang intense na kasi ang eksena. Wala na sa comedy nasa action na. He want her to break those intense feeling with so much intense kiss from him.

"Abay oo. Puweding-puwedi na kitang kasuhan."

"Weeh?"

"Umalis ka na nga kaya dyan? Come on. Get off me. Nangangawit na ang mga hita ko dahil sayo. Habang ikaw sarap na sarap na nakaunan dyan." Pagtataboy niya sa binata na nakaunan sa hita niya.

"Mamaya na please? 30 minutes lang."

"Ano?"

"30 minutes please?" With puppy doggy look pa.

"Bangon! Iyang pa-cute mo it's not working on me." Nakataas ang kilay at mataray niyang anya sa binata para bangon na. Totoong nanga-ngalay na siya sa ginagawa nito.

Not sweet. Sa K-drama lang pala iyon mukhang sweet eh.

"Fine." Nakabusangot itong bumangon sa mga hita niya at hindi na maipinta ang mukha matapos siyang harapin at nakawan ng mabilis na halik sa labi bago nagtatakbo ang loko sa may itaas ng bahay para hindi niya mahabol at makalmot kung sakaling maabutan niya ito.

"Ikaw huh! Lagot ka mamaya!" Pahabol niyang sigaw saka sinundan narin ito paakyat.

"Hey! Open the damn door!" Gigil niyang sabi dahil nakasara na ang pintuan pagdating niya doon. Pinukpok niya ito pero dinig niyang tinatawanan lang siya nito.

"May araw karin sa akin Rhemuel Lunio!" Saka bumaba para magluto ng gusto niya.

Gym.

"Peace na nga tayo. Please?"

"Hey! Huwag mo nga akong kausaping loko ka. Magnanakaw ka ng halik eh. And I hate it." Galit parin siya pero may kilig na roon. Kaunting push pa ay bibigay na ba siya?

Napakamot ito ng noo tila naiinis. Wala siyang paki kung napipikon ito. Siya din naman ah.

"Nakakainis kasi. Saglit lang daw eh parang gusto muna dyan matulog."

"Ah ganun?" Sabay tingala dito. "Sorry, pero gusto ko iyon. Ako willing naman akong magdonate ng unlimited kisses sayo honeybees." Pang-aasar ulit nito. May pilyong ngiti pa siyang nasilip sa mukha nito na ikinapikon niya lagi.

"Nagugulohan na ako sayo ah. Iyung kisses ba ang ayaw mo or ang gusto kitang maging unan?"

"Ewan ko."

"Ang labo. Mabuti maganda ka."

"Gago. Bakit mo ako dinala dito kung wala ka parin matinong sasabihin sa akin?"

KADENA DE AMOR (Chain of Love, Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon