Kabanata 4: Blood
"Lahat kami, ayaw sayo. Ayaw namin ng may teacher..Unless papatayin ka namin.."she smirked. "Any last words?"
Itinutok nya sa akin ang kutsilyo. Sa pakiramdam ko ay sobrang tulis nito na konting galaw niya lang ay maghihingalo na ako.
Siguro huling sandali na ng buhay ko ito.. I feel sorry for my family, hindi ko natupad ang pangakong magiging magaling na teacher ako.
Inihanda ko na ang sarili ko sa mangyayari. Pilitin ko mang lumaban ay wala akong ligtas dahil lahat ng estudiyante dito ay ayaw sa akin.
At kriminal sila.. Hindi imposibleng patakasin nila ako.
Tuloy tuloy na umagos ang luha sa mga mata ko. Hirap na hirap na akong makahinga sa posisyon ko. Konting minuto na lamang ay baka maubusan na ako ng hininga.
Ang inaakala kong itim na itim na mata ni Ms. Alonte ay mas maitim pala ang budhi nya kaysa dito.
Naalala ko ang sinabi ni Mr. Cortez. Bawal pumatay kapag Monday, Wednesday and Friday. Napangisi ako sa naalala ko.
"Sige, ipagpatuloy mo, Ms. Alonte. You know there will be a punishment after you killed--"napatigil ako sa pagsalita nang lumuwag ang pagkakasakal sa akin ni Ms. Alonte.
Isang kurap lamang ay nakita ko nang nakasalampa sya sa sahig at may mga lumalabas na dugo mula sa kanyang bibig.
Napatutop ako ng bibig at pinunasan ang mga luha.
May sumaksak kay Ms. Alonte.
"Ms. Ellidares, Ms. Israel, go to my office NOW!"napaigtad kaming lahat nang marinig namin si Mr. Cortez na galit na galit sa nasaksihan nya.
Itim na itim ang kanyang mga mata na para bang gusto pumatay. Bakas sa mukha nito ang sobrang galit.
And wait.. Sino si Ellidares?
Nang makarating kami sa office ay napabaling ang tingin ko sa estudiyanteng nasa gilid ni Mr. Cortez.
Sa malinis na mukha ng lalaking ito at mukhang malinis na pananamit, aakalain mong normal lang siyang mayaman. Ngunit hindi maitatangging nakakubli rito ang nagawa niyang kasalanan sa nakaraan.
May mga sugat ito sa gilid ng labi. Paano nya nagagawang maging mukhang malinis kahit may mga sugat sya? Ack! Isang malaking sana all!
"New rules..Nakinig ba talaga kayo sa akin?"rinig ko ang tensyon sa pagitan ng lalaking nakaupo at ni Mr. Cortez.
Walang imik. Ni kaluskos ay wala akong marinig. The intense silence gave me goosebumps.
Sino ba naman ang makakasagot sa mukhang mananaksak na si Mr. Cortez? Marahil ang lalaking katabi nya ay takot rin sa kanya.
"Killing students is prohibited in SEU during classes and every Monday, Wednesday, and Friday. So Ms. Ellidares, what came to your mind and killed Ms. Alonte?"Saad pa ni Baggy.
"A terrible punishment will be imposed on you, Ms. Ellidares."nagsitaasan ang balahibo ko nang bumaling ang mga nakakatakot na tingin sa akin ni Baggy.
Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at namutla. Nakaligtas nga ako sa nangyari kanina, mukhang matatanggalan naman ako ng trabaho!
"Ms. Israel, you have rights to fight. Bakit hindi ka lumaban?"umupo sya sa kanyang swivel chair at isinandal ang mga siko sa mamahalin niyang desk na gawa sa Parnian Furniture.
Shit. Ano bang dapat kong sabihin? Na nag-overthink ako at inisip ang magiging buhay ko sa kabilang buhay? Argh! Nakakahiya!
"S-She has knife. I can't able to fight if something sharp points on me."usal ko at yumuko.
BINABASA MO ANG
SEU (The School of Criminals)
General FictionAng Unibersidad kung saan nag aaral ang mga kriminal. The South East University (SEU) o mas bantog sa pangalan na Criminal's School.