Kabanata 5: New friend
Sloane's POV
I can't sleep. Andaming bumabagabag sa akin. Unang araw pa lamang ng turo ko sa paaralang ito ay nakasaksi na kaagad ako ng patayan.
Biglang pumasok sa isipan ko iyong babaeng putol ang dila. Iyong bangkay ng babae sa harap ng dorm ko. Who is she? Newbie rin sya? Or hindi niya nalagyan ng dugo ang pinto nya?
That girl with green hair. Marami siyang tinatago. All I have to do now is to get close to her. Kailangan ko ng impormasyon.
This University is mysterious. Hindi ko alam kung kaya ko pa nga bang makatagal sa paaralang ito. Hindi ko kailangan ng pera nila! Mas importante ang buhay ko.
Kinuha ko ang keypad na cellphone ko at lumabas ng dorm. Hays, paaralan ng mayayaman pero walang signal?-.-
Pumwesto ako doon sa malaking puno at umakyat. Yes!! May signal!
Napangiti ako ng malawak. Miss na miss ko na ang pamilya ko!
Agad kong tinawagan si Nanay at isang dial pa lang ay sinagot nya na. Damn! I missed them!
"Nay.."pabulong na sabi ko. Naluluha na ako dahil feeling ko ay lumuwag ang pakiramdam ko dahil kausap ko ang nanay ko.
"Naku, anak! Bakit ngayon ka lang tumawag? Dalawang linggo ka naming hindi nakausap!"rinig ko ang pag-aagawan nila ng cellphone ni Nanay dahil gusto nila akong makausap.
"K-Kamusta po kayo?"pinipilit kong huwag pumiyok dahil kanina pa agos ng agos ang luha ko. Madilim rito sa pwesto ko at tanging huni lamang ng mga kuliglig ang naririnig ko.
"Maayos naman kami anak.. Ikaw dyan? Kamusta ang pagtuturo mo? Mababait ba ang estudiyante?"
Napatigil naman ako sa tanong ni Nanay. Dapat ko bang sabihin sa kanila ang kalagayan ko? O dapat lang na itago ko dahil baka makadagdag lang ako sa problema nila?
"M-Maayos po, Nay."sambit ko habang nakatulala sa dilim. "Mababait po sila."napatawa ako ng kaunti sa sinabi ko. Mababait nga ba?
"Eh iyong mga ka-co teachers mo? Hindi ka ba sinusungitan?"pag-usisa pa ni Tatay. Hays. Nakakamiss sila!
"Mababait rin sila, Nay. Pinapansin naman nila ako."medyo totoo na 'to.
Nanlaki ang mata ko nang marinig na parang may matulis na bagay ang tumusok sa punong inaakyatan ko. Ang kaninang malamig na hangin ay biglang uminit at pinagpawisan ako.
Alam kong hindi lang 'to sangang nahulong sa puno. Alam kong iba ito.
Argh! Ano ba kasing naisipan ko at lumabas ako ng gabi?!
"I'll count 1-5 seconds. If you don't get down then this arrow will shoot through your brain."napantig ang tainga ko sa sinabi ng lalaki na nasa medyo malayo sa puno.
Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil natatabunan ako ng mga makakapal na dahon ng puno.
Awtomatikong gumalaw ang katawan ko at bumaba sa puno. Hindi ko mawari kung anong nararamdaman ko.
Natatakot, nacu-curious, at nalulungkot. Nababaliw na ata ako.
Naistatwa pa ako sa lalaki nang maaninag ang hubog ng katawan nya.
"One..."
"Two..."
"Three..."
Bago pa man matapos ang pagbibilang nya ay mabilis ako tumakbo papunta sa dorm at inilock ang pinto.
Sumandal ako sa pinto saka hinawakan ang dibdib na kanina pa mabilis ang tibok.
BINABASA MO ANG
SEU (The School of Criminals)
Narrativa generaleAng Unibersidad kung saan nag aaral ang mga kriminal. The South East University (SEU) o mas bantog sa pangalan na Criminal's School.