SEU: Kabanata 8

5 0 0
                                    

Kabanata 7:

"How was it?"

Hindi ko magawang lumingon. Kilala ko na siya. Boses at pabango niya pa lamang ay pamilyar na.

"Gossiping about my life, huh."

Bahagya kong inabot ang bag ko saka inayos ang pinagkainan. Tumingin ako kay Grace. Argh, sana makisama siya.

Tinitigan ko siya ng it's-time-to-run-look. Nang mapagtanto kong hindi siya makagalaw sa inuupuan niya ay ako na mismo ang tumayo at hinila si Grace palabas ng cafeteria.

Mas mabilis pa sa tumatakbo na kabayo ang tibok ng puso ko. Tumatagaktak ang pawis sa noo ko ngunit hindi ko man lang pinunasan. Nakapwesto na kami sa malaking puno ni Grace na malayo sa cafeteria.

Siguro naman, hindi niya na kami makikita dito.

"A-Ayos ka lang ba?"kinuha ko ang panyo ko sa bulsa saka iniabot kay Grace.

Iyong juice niya kasi natapon sa uniform niya.

"Y-Yeah. Thanks to you."hinihingal na sambit ni Grace.

"Sino ba iyong lalaking iyon? Kung makaasta akala mo principal ng school, pwe!"utas ko.

"Sloh, shh. Baka may makarinig sayo.."mahinang sabi ni Grace.

"Eh, paano ba naman! Akala mo kung sino na magpapaalis sa atin doon sa cafeteria! Por que mayaman, eh!"reklamo ko pa.

"Fuck!"napaigtad kami ni Grace nang may matulis na bagay ang muntik nang tumama sa akin.

Ito na naman ang tibok ng puso ko.. Sobrang bilis dahil muntik na akong mamatay!

Nakayuko ako habang tinatakpan ang ulo ko. Magkahawak kamay kami ni Grace. Rinig ko ang mahinang paghikbi ni Grace na ikinabahala ko.

Pinaupo ko sya saka tinignan. Mabuti na lamang at wala siyang tama.

Tumalikod ako saka tumingin sa tumama sa puno. Baka sanga lang ito na nahulog sa puno.

(;ŏ﹏ŏ)

"Oh, God!"napatayo ako saka hinila patayo si Grace.

Shocks! Isang arrow na tumama sa puno. Ibig sabihin, sinadya iyong ipatama sa puno na pinagtataguan namin.

Tumatagaktak na ang pawis ko habang natitipalok sa Sandals sa suot ko. Argh! Sana nag-doll shoes na lang ako.

Hindi ko alam kung nasaan na kami ni Grace. Madilim na sa parte ng school na ito. Fuck shit lang, hindi ko pa ito natatandaan na nadaanan ko ni minsan.

Humihikbi man si Grace at nabasag na ang eyeglasses niya, nagawa niya pa ring tumakbo papalayo.

Ang kaninang maayos na buhok ko at plantsadong damit ko ay tila dinaanan ng ipo-ipo sa gusot.

Pinaupo ko si Grace habang ako ay kinakapa ang cellphone ko para magkaroon ng ilaw sa madilim na lugar na ito.

Bahagya akong tumayo nang hindi makapa ang cellphone ko.

Napakunot noo naman ako. Bakit parang may kulang pero hindi ko matandaan?

(●__●)

Shocks! Yung bag ko! Sa sobrang pagmamadali ko ay naiwan ko sa cafeteria. Damn. Kapag minamalas nga naman, oh.

Tumayo ako saka inayos ang uniform. Inayos ko ang buhok ko saka tumayo ng tuwid. Pupuntahan ko ang bag ko. Wala akong dapat ikatakot dahil teacher pa rin naman ako.

Sinabihan ko si Grace na mag-stay muna siya sa madilim na lugar na iyon. Pinipigilan man niya ako ay hindi ko siya pinakinggan.

Nagsimula akong maglakad papalabas sa madilim na lugar na ito nang mauntog ako matigas na bagay. Argh! May pader pala dito?

"Sloane.."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang mainit na hininga na dumadampi sa balikat ko.

Damn! Multo ba 'to?!

"P-Please lang po, mahal ko pa po ang pamilya ko! Kung kukunin man ako ng maligno sa madilim na lugar na ito, payamanin niyo po muna ako. Kahit 1 million muna maipon ko. Huhu."lumuhod pa ako saka pumikit. Pinagpapawisan na ako sa posisyon ko ngunit nakapikit pa rin ako.

"Pft, baliw. "

Naramdaman ko na may tumalsik sa akin na mabigat na bagay.

Wala na akong naririnig na kaluskos. Sobrang tahimik ng madilim na lugar na ito.

Hinawakan ko kung ano ang tumalsik sa akin. Parang...Aklat?

Agad akong tumakbo habang dala dala ang mabigat na hawak ko. Hinanap ko si Grace. Mabuti na lamang at nakapa ko ang kamay niya. Hays, salamat at hindi ako mahihirapan maghanap.

Hinila ko siya patayo. Ang bigat yata ngayon ni Grace?

"Grace, tara na!"bulong na sabi ko habang hinihila ang braso niya.

Sa malakas na puwersa ng paghila ko ay napapitlag ako nang matumba ako sa lupa.

At hindi iyon ang dahilan ng pagkagulat ko.

Alam kong kamay ang hinahawakan ko. Ramdam kong malamig ang kamay.. Mabaho rin ang naaamoy ko.

Agad kong binuksan ang dala dala ko.

Napataas ang kilay ko na hindi pala aklat ang hawak hawak ko. Isang bag. Argh! Ninakaw ba 'to ng nagbigay sa akin? Ay, mali! Mayayaman nga pala sila. Pero pwede ring may sakit na kleptomaniac, hindi ba? Argh!

Binuksan ko ang bag hanggang sa makapa ko ang isang cellphone. Wait. Familiar 'to, ah?

Ang cellphone ko??? Ack! Alam na alam ko ang texture ng de-keypad na cellphone ko. Atsaka, as if naman na magkaka-keypad ang mga estudiyante dito.


Agad kong binuksan ang phone ko. Napangiti naman ako. Tama ang hinala ko!
Argh! Thanks to that guy.


Binuksan ko ang flashlight ng phone ko upang tignan kung sino ang hinihila ko..

Ngunit pagkabukas pa lang na pagkabukas ng flashlight ko ay tumambad sa akin ang hindi ko inaasahan.

Isang putol na kamay.

Fuck it.

Halos manginig ang tuhod ko at hindi makatayo. Halos hindi ko na rin mahawakan ang bag at cellphone ko dahil sa pagka-nginig ko.

Isang putol na kamay.. Isa lang ang ibig sabihin nito. Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko habang tumutulo ang pawis sa noo ko.

Dahan dahan kong itinaas ang flashlight ko at itinapat sa taong hinihila ko kanina.

Napatutop ako ng bibig. Kusang sumarado ang bibig ko na para bang automatic na itinahi. Puno ng takot at kaba ang dibdib ko.

Awtomatiko ring gumalaw ang paa ko papalayo sa hinihila ko kanina.


Nakarating ako sa lugar na maliwanag. Andito ako sa garden ng SEU. Nanginginig pa rin ako sa takot at patuloy ang pag-agos ng pawis. Nakatulala lamang ako habang nakatingin sa mga bulaklak na malamig sa mata ang kulay.



Pumasok ulit sa isipan ko ang nakita ko kanina.

A corpse of an old teacher.




SEU (The School of Criminals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon