Kabanata 9:
Gosh. Sana hindi na ako sumama kay Grace sa canteen. Ang daming nangyari ngayong araw. Ipinatawag ako ni Mr. Cortez dahil sa hindi ko pagpasok ng kalahating araw sa klase ko.
Masisisi niya ba ako? Pagkatapos kong makakita ng bangkay, sisisihin niya ako kung bakit hindi ako nakapagturo. Ganoon na ba sila kamanhid?
Sino ba iyong bangkay? Mukhang mga tatlong araw pa lang siyang patay. Monday? Napanganga ako sa naisip ko.
"Sana wag naman."usal ko habang nakatingin sa mga paru-parong nasa gilid ko.
May isa pa akong problema, eh. Si Grace. I can't find her. And all the stuffs in this school doesn't even bother to find her.
"She's safe,"
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang may magsalita sa bandang likod ko.
"Hobby mo ba talagang sumulpot sa kung saan-saan?"
I crossed my arms. That girl with green hair.
Bahagya akong umisod ng kaunti upang bigyan ko sya ng space sa bench. Malamig dito sa garden, eh. Masiyado pang tahimik dito.
"I swear, Sloane. She's fine. Don't bother to think about her."hinithit niya ang kaniyang sigarilyo saka itinapon sa damuhan at dinurog gamit ang sapatos niya.
Aba, bawal ito, ah! Dito pa siya sa school naninigarilyo. Sungalngalin ko sa bibig niya 'yan, eh.
"Kilala mo siya?"
"I have a talent that nobody knows,"
"So, anong connect ng talent mo sa 'Siya' na sinasabi ko?"masungit kong tugon.
"To read mind."
Hindi ba sya nakikinig sa'kin? Tss.
Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Talent mo mag-joke?"
"By looking at their eyes."
Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Hindi naman ako nabahala. Okay na sa'kin 'to. Atleast, hindi awkward.
"She's safe. Kung siya ang iniisip mo."
Napatigik ako ng sandali nang sabihin niya iyon. Kilala niya ba talaga?
"How can you be so sure?"taas kilay kong tanong. Panghahamon ko rin ito sa kaniya upang talagang masigurado kong kilala niya ba talaga.
"How much do you trust Miss Bernardo?"
What the--??
Napairap ako sa ngisi ng green---
"Maddie."
Aba, mukhang nababasa niya ang iniisip ko, ah?
"Yeah, whatever."
Dumiretso ako sa dorm ko habang bagsak-balikat. Iniwan kong mag-isa si Maddie sa garden. Bahala sya, tsk.
Inilapag ko ang bag ko sa sofa saka sumalampak sa kama. Argh! Ngayon pa lang ata ako nakapagpahinga ngayon.
"Aish, ano bang mayroon sa berdeng buhok na iyon? Lahat ng pinagsasabi niya sa akin ay tumatambay sa utak ko."usal ko saka ginulo-gulo ang buhok ko.
Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Napasapo ako ng noo ko nang may maalala ako.
Hindi pa pala ako nakakakain ng kanin simula noong pasukan. Argh! Sa sobrang stress ko, nakalimutan ko na ang health ko.
"Putek. Kung minamalas nga naman, oh."
Napadabog ako nang makitang wala na nga pala akong ulam. Natapos na akong mag-saing ng kanin nang buksan ko ang refrigerator na walang laman.
BINABASA MO ANG
SEU (The School of Criminals)
General FictionAng Unibersidad kung saan nag aaral ang mga kriminal. The South East University (SEU) o mas bantog sa pangalan na Criminal's School.